Chapter 24
"They want to compete with us, they want to drag us".
Umiling ako ng paulit ulit. "Imposible, they are kind. Imposibleng gusto nila tayong bumagsak".
"Walang imposible sa mga taong naghahangad ng mas mataas na kapangyarihan", napalingon kami kay daddy. "Silang mga nasa baba natin, lahat gagawin nila para umangat. At kapag nandoon na sila, hahatakin naman nila pababa ang mga taong kasama nila".
"Daddy, magkaibigan kayo ni tito krist--"
"Akala ko rin, pero sana naniwala na lang ako sa kakambal mo. I knew they planned this, at anong akala nila wala akong gagawin?", naglakad siya papunta sa amin. "Don't worry, I'll make sure they will regret this".
Masama ang kutob ko, alam kong may gagawin si daddy na ikakasira ng mga Vergara. Pero anong magagawa ko? Wala akong kayang gawin, saka totoo ba talaga? They want us to fall.
Agad kong tinawagan si Evan, pero out of coverage area ito. Kaya mas lalo akong kinabahan, mas lalong namumuo ang mga ideya sa isip ko. Paano kung itinuloy niya ang plano niya noon? After that was their plans so probably tinuloy nga nila.
Pagbalik namin sa school, busy na ang lahat sa nalalapit na graduation ball at syempre graduation namin. Kaya todo na ang mga ginagawa namin sa mga subjects namin, nagsimula na ang finals kaya kailangan ko ng focus.
Hindi ko nakita si Evan, hanggang sa miyerkules ng linggong 'yon. Hindi ko na rin sinubukan pang puntahan siya, dahil hindi ko rin alam kung tama ang mga bagay na iisip ko.
May nagbago sa buhay namin, alam ko 'yon. Pero nanatili akong tahimik, dahil hindi ko sila kayang tulungan. Ang tanging alam ko lang, nagpakawala ng malaking pera si daddy sa project at sinisimulan na 'yon. Hindi pa kami handa sa mas malaking ospital, kaya kumuha si daddy ng partnership.
Pero dahil binawi ng mga vergara ang shares nila, hindi alam ni daddy kung saan niya kukunin ang pera. Hindi niya pwedeng iurong ang constructions, dahil mas malulugi kami. The only thing he need to do is continue it, pero ang problema saan siya kukuha ng malaking halaga para matapos ito.
Mas lalong umusbong ang galit ko, ng inanunsyo ng mga vergara na mag tatayo sila ng ospital. Si Ellaine raw ang namamahala nito, kaya mas naisip ko na plinano nga nila ito. Gusto nilang mabaon kami sa utang, gusto nilang maubos ang pera namin. Para hindi namin sila mapaghandaan, dahil wala kaming choice kundi ituloy ang pinapatayong ospital.
Halos hindi na umuwi si daddy at mommy, kaya dalawa na lang kami palagi ni Sin sa bahay. Busy naman siya sa pagrereview dahil mag entrance exam siya sa UST, kukuha siya ng pre med. Saka siya tutuloy sa med school.
Samantalang ako, hindi ko alam ang kukunin kong kurso sa kolehiyo. Hindi naman sa ayokong mag aral, basta nahihirapan akong pumili ng course. Dalawang linggo na ang lumilipas pero ngayon na lang ako ulit pupunta sa office ng teatro, pinatawag lang ako.
Papalapit palang ako sa pinto ay may kamay na humarang doon, nag angat ako ng tingin kay Liezelle. "Mag usap tayo".
"Wala tayong dapat pag usapan", sagot ko at bubuksan na sana ang pinto ng diinan niya pa ito.
"Kailangan kitang makausap".
"Hindi ako interesado".

YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
General FictionSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...