22

188 14 0
                                    

Chapter 22 

"Karen! Huwag mo na lang siyang sugurin", pinipigilan ako ni Echo at Nica. 

Tuloy tuloy ang lakad ko, hinahanap ko si Joyce if I'm not mistaken. Hindi ko gawain 'to, pero mukhang ngayon magagawa ko na dahil alam kong makakarating 'to kay daddy. 

"Let her", rinig kong sabi ni Mira sa kanila. 

"Maybe shs did that, because she's Jaist girlfriend", nahinto ako at nilingon si Nica. "I- I'm not sure Karen, hayaan mo na lang. Ayusin na lang natin 'yung presentation natin", dagdag ni Nica. 

Pero buo na ang desisyon ko, at kakausapin ko talaga yung babaeng 'yon. Last time I check walang girlfriend si Jaist at wala siyang karapatang ganunin ako. Hindi niya alam kung anong ginawa niya, at ang epekto ng ginawa niya sa akin. 

"Huy, Karen. Talaga nga namang nag change ka na ah! Glow up yan?", sinalubong ako nila Mica kasama mga kaibigan niya nagtatawanan sila. 

Hindi ko sila pinansin dahil wala akong panahon sakanila, hindi sila ang kailangan ko. Pero agad niya akong hinatak, at pinaharap sa kaniya. "Kinakausap kita, 'di ba?", tanong niya. 

"Wala akong panahon sa mga ka artehan mo, kaya padaanin mo ako", napa 'o' ang bibig niya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya, nilagpasan ko siya pero agad niya akong hinila pabalik. 

"So, matapang ka na? Bakit? May nagtatanggol kasi sayo? Sino nga ba 'yon? Boyfriend mo?", she smired. Boyfriend? Kailan pa naging lalaki si Mira? 

"Hindi ko trabahong ipaliwanag sayo ang kaganapan sa buhay ko, kaya tumabi ka sa dadaanan ko kung ayaw mong bumalandra sa pader na 'yan", at tinuro ko ang pader sa gilid namin. 

Pumalakpak pa siya, at tila naiinis na sa mga sinasagot ko sa kaniya. "Matapang ka na ah, sinasagot mo na ako!", sinigawan niya ako. 

Narinig ko ang tawa ni Mira sa likod ko. "She choose the second one", bulong ni Mira. 

"You chose this, I didn't", I shrugged and I throw her in the wall. Nagulat pa ang mga kaibigan niya sa ginawa ko, at mukhang susugurin ako pero hinarang sila ni Mira na naka hakukipkip. 

"Gusto niyo masampal ng pouch?", tanong niya rito. Pero hindi na miling umamba ang kasama ni Mica at saka nila nilapitan ito at tinulungang tumayo. Ako naman ay dumiretso na sa building ng ICT, hahanapin si Joyce. 

I saw her walking pupunta ata sa library, kaya agad ko siyang hinawakan sa braso at pinaharap sa akin. "What the hell did you do?!", singhal ko sa kaniya. 

"A-ano bang sinasabi mo? Saka nasasaktan ako ano ba! Matapos kitang tulungan ganito lang igahanti mo?", sagot niya. 

I smiled fakely. "Wow. Big word matapos mo akong tulungan! Tulong ba talaga ginawa mo? O sinabotahe mo ako? Why? Because you knew that I had feelings for Jaist before?!", pinagtitinginan na kami dahil sinisigawan ko talaga siya. 

"Hindi ko alam ang sinasabi mo", tanggi niya. 

Sinungaling 'to! 

"Kung hindi mo ako sinasabotahe, ano lang?", sarkastikong tanong ko sa kanya. 

"Hindi ko talaga alam kung bakit nag error ang files na sinend mo", paliwanag niya. 

"Hoy ang sabihin mo naiinis ka! Dahil nagpatulong ako kay Jaist. Kung makabakod ka 'kala mo gf ka!", sigaw ko ulit sa kanya. 

Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now