Epilogue

377 15 16
                                    


Kagaya ng araw na lumulubog sa silangan, alam kong mag papakita ka rin sa kanluran kinabukasan. 
__________________________________________________________________________

Mahirap. 

Sa bawat pag dilat ko ng mata, umaasa ako na sana nasa tabi ko siya. Na sana ay nandito siya, binabati ako ng matamis na ngiti niya. Pero, hindi. Dahil ang lahat ng mga bagay na inaasam ako, ay matagal ng natapos. 

Bumango na ako para mag ayos, simula nang araw na nilibing siya dito na ako tumira sa condo niya. Dahil nandito pa rin ang gamit niya, at ayokong mawala sa paningin ko 'yon. 

"Congratulations! Architect Vergara'', my collegues greeted me for a successful project I've done in Hawaii. 

"Salamat", sagot ko. 

"May susunod kang project?", tanong naman ni Jessie. 

"Hindi ko pa alam", may naka linya pa sa aking proyekto sa Laguna. Pero pinag iisipan ko pa naman. 

Nagsibalikan na rin kami sa trabaho namin, may tinatapod akong blueprint ngayon. Nang may tumawag sa intercom, may naghahanap daw sa akin sa lobby. 

Agad akong tumayo, para puntahan ito. Nakita ko si ate Ellaine. Mukhang kakagaling lang niya sa duty. "Ate", niyakap niya ako. "Bakit ka nandito?". 

"Masama bang kamustahin ka?", tanong niya pabalik. "Hindi ka pa rin ba uuwi sa bahay? Tapos na ang project mo sa Hawaii ha?". 

"May kukunin pa ako ulit na project sa Barcelona, baka hindi pa ako makaka uwi", I promise them to move back on the house after my projects. 

Tinitigan niya ako. "Kailangan mo rin ng pahinga, Evan". Tumango ako, at ngumiti sa kaniya. 

"I know. But, this is the only thing that I knew to divert my attentions". 

"isang taon na", nag iwas ako ng tingin. 

Alam ko. Ayoko lang napag uusapan 'to. Hindi pa rin talaga ako handa, at kailan pa ba ako magiging handa? 

"May sasabihin ka pa ba ate? Babalik na ako sa trabaho ko", sabi ko. 

"May dinner mamaya, inaasahan ka ni dad", sabi niya. 

Hindi rin nag tagal ay umalis na siya, wala pa raw siyang tulog mula nung isang araw pa. Ang hirap talaga kalag doctor ka, you need to be there 24/7. 

Bagay na hindi ko maiintindihan, dahil hindi naman 'yon ang landas na gusto ko. Tinapos ko ang blueprint, para sa susunod na project na hahawakan ko. Alas singco ng lumabas ako ng building para umuwi at makapag palit na rin, saka ako pupunta sa bahay. 

"Manang", tawag ko. "Kayo na lang po ang kumain, sa bahay ako kakain ngayon". 

"Sige, Hijo. Mag iingat ka ha", sagot niya. 

Nagpaalam lang ako at nag drive na rin paalis, pag dating sa bahay ay hindi ko naman inaasahan na naghanda si daddy. 

"Congratulations! Anak", niyakap ko siya. "Kailan ang susunod na project mo?", nakangiting tanong niya. 

"After 6 months din po, tutulak ako pa Barcelona", sagot ko habang nag sasandok ng ulam. 

"Hindi ka pa ba uuwi rito?"

"Hindi pa dad, actually nagbabalak na akong magpatayo ng bahay", natahimik kami. 

Plano ko 'to noon, pangarap kong magpatayo ng bahay namin ni Karen. Pero dahil wala na siya, hindi ko alam kung itutuloy ko pa. Iniisip ko lang, balang araw magiging asset ko rin 'to. 

Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now