Chapter 1 :)

224 28 6
                                    

Heishael Chrisheffe POV

Hi. I'm Heishael Chrisheffe Advinosa. 4th year HS at 16 years old. May buhok na hanggang baba ng balikat at nagsusuot ng eye ware. Pero hindi naman yung pang nerd ah.

Palagi akong nananalo sa Battle of the Brains at sa kasamaang palad. Walang pake ang school samin. Sa tuwing may battle every year, self-review kami. Samantalang yung mga athlete namin, nagpapadala pa ng tao yung school namin para i-train sila. Pero ok na yun.

Kasalukuyan nga pala kaming nasa gym. Kasama ko ang kaibigan ko na si Mary Lejivel. Matalino din, mabait, sexy, maganda at sikat. Sa totoo nga di kami bagay na maging friends kasi sikat siya ako hindi. Maganda siya ako di naman ganon kaganda. Hayysss...

"Wooo!!!!! Go go Seniors!!!" Kanina pa sigaw ng sigaw yang si Mary. Palagi siyang ganyan kanina pa.

"Go go!!! I love you seniors!!!" Sa totoo lang, ang chini-cheer niya ay yung crush niya since 1st year.

"Best," nagulat naman ako dahil bigla niya akong kinausap. Himala.

"Bakit?"

"Bili lang ako ng tubig ah." Dapat lang siyang bumili ng tubig.

"Sige." Sabi ko naman sakanya. Kinuha niya na yung bag niya at tumakbo.

Sa totoo lang, nakakabagot dito. Kinakabahan kasi ako. Baka tamaan ako ng bola ng basketball e hindi pa naman ako marunong humawak neto.

Ah, pupunta nalang ako ng library.

Nakayuko lang ako habang naglalakad at paingay ng paingay pero habang tumatagal, tumatahimik din. Hanggang sa wala ng tao at iniangat ko na ang ulo ko.

Pwedeng-pwede na akong maging malaya dito. :) Walang tao at Tahimik. Heaven!

"I MUST DIE!!!" O.o Sino yun?!

Baka magpapakamatay na?!!!

"WAG!!!" sigaw ko at nakakita ako ng... ng... Lalaking pogi, matangkad maputi at MAY HAWAK NA PATALIM BANDA SA PULSO.

Tinignan niya ako ng matalim. Sobrang talim.

Kinakabahan. Natatakot ako.

"Sino ka para sabihin yun?" Malumanay niyang sabi at binitawan niya ang patalim at nalaglag nalang ito ng kusa mula sa kamay niya.

Palapit siya ng palapit... Sobrang bilis niya. Halos matumba na nga ako e...

Pero, yung mga mata niya. Parang isang mata ng anghel na sa sobrang amo mahihiwa ang mundo sakanya.

Nakasandal na pala ako sa peder.

"Sino ka?" Tanong niya. Nawala ang pagkamangha ko sa mga mata niya dahil bigla nalang itong naging mala-demonyong tingin.

"B-basta." Sagot ko.

Kumalas ako mula sa kinaroroonan namin. Tumalikod ako sakanya.

"Isa akong tigre sa eskwelahan na 'to." Sabi niya.

"Kung tigre ka nga, bakit isang kuting ang kinakalaban mo?" Medyo napangiti ako at ramdam ko ang pagka-gulat niya.

"Aalis na 'ko." Sabi ko at naglakad na.

"You're smart and wise. Hanggang sa muli, kuting." Rinig ko pang sabi niya habang naglalakad ako paalis.

Ok na sana, kaso sinabihan niya pa 'ko ng kuting.

Sino kaya siya? Ba't siya magpapakamatay?

Andreison POV

"Hoy!!! Sinong nagsabi na sa states na si Mom?!" Sigaw ko sa gurang kong tatay.

"Uuwi na ang mom mo ng states. Dun na siya. Mga doktor na ang bahala sakanya." Sabi ng magaling kong tatay.

"Wala ka bang pake kay Mama?!" Sigaw ko. Palagi nalang kaming ganito. Away tapos gulo.

"Pabigat lang siya sa bahay. Mamamatay na din siya Drei!!! Just understand me, ok?!"

"But you don't even try to understand Mama!!! Pano kita rerespetuhin kung kay Mama wala kang pake?! Mabuti pa kung mamatay ka nalang!!!"

*BOOGGSSHH

For the 99th time, sinuntok niya 'ko.

"Alam mo? Pabigat ka din e! Mabuti pa yung ate mo! E ikaw?! Ikumpara mo nga siya sa sarili mo Drei Anak!"

"Wag mo 'kong tawaging anak dahil hindi kita naging tatay! E kung sayo ko kaya i-compare si Mom? Ikaw babaero si Mama hin---"

*BOOOGGSSHH

For the 100th time. Sinuntok ako ng magaling kong tatay.

"Tandaan mo to. Di kita tatay. Di ko kapatid yang anak mo sa labas." Sabi ko at umalis na ako sa harap ng meeting niya. Oo, sa harap ng meeting niya.

Nag-drive ako papuntang school at dahil intrams walang librarian at geeks and nerds kaya sa library ako mamamatay. Mom loves books.

"Mama, uunahan na kita sa heaven..." Sabi ko na pilit pa ring ngumingiti. I hate this feeling anymore.

"I MUST DIE!!!"

"WAG!!!"

"Sino ka para sabihin yun?" Wow? Pano ko nasabi to?

Feeling ko huminto ang buong mundo. Sino tong babaeng to? Pano siya napunta dito. Nerd ba to? Geek? Ewan.

Hindi ko alam pero biglang sumama ang loob ko at nabitawan ko ang kutsilyo at lumapit ako sakanya. Wala naman akong balak.

"Sino ka?"

"B-basta." Tss... Gusto ko ngang malaman kung sino siya e.

Kainis naman. Palagi nalang akong naghihintay.

Nagulat naman ako ng umalis siya sa pwesto namin at tumalikod siya.

"Isa akong tigre sa eskwelahang 'to." Totoo naman e. Wala siyang karapatan na diktahan ako.

"Tigre ka pero bakit isang kuting ang kinakalaban mo?" 0.0 Ano? Magaling siya. Kainis.

Pero teka. Di pa kami tapos. Ba't siya umalis agad?!

"You're smart and wise. Hanggang sa muli, kuting." Yun nalang nasabi ko. Wala e. Nagulat nga ako.

Sino kaya siya?

The Wise Girl and the Naughty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon