Heishael Chrisheffe Advinosa's POV
Same Day, Same time...
Hindi ko talaga alam kung paano ko to sasagutin. Sana ma-stop yung oras... Ewan.
"So ano na Heisha?" Tanong ni Drei.
Napa-tingin ako sa room. Nagbabasa pa din ang lahat. Kaso nakita ko si Sir na pumasok na sa room.
"Good Morning Sir." Sabay-sabay ulit na bati namin habang naka-tayo.
"Good Morning, sit down." Sabi ni Sir.
Bumalik naman si Z sa tamang upuan niya at umayos na ng upo si Drei.
"You know what to do right? Just be quiet and review." Sabi ni Sir at umupo na siya. Naglabas siya ng laptop at nag-type na ng kung anuman.
"Makapag-basa na nga lang." Sabi ko sa sarili ko.
Recess.
"Heisha, tara na. Kain na tayo. Nakaka-antok kanina e." Sabi niya sakin at nag-inat-inat pa ah?
"Kunsabagay. Tara na nga." Sabi ko at pumunta na kami sa Cafeteria.
Cafeteria.
Umorder na si Mary ng pagkain at nag-usap nalang kami.
"Mary, may itatanong ako sayo ah." Sabi ko sakanya.
"Sure. Ano ba yun?" Tanong niya.
"Halimbawa, sabi ng kaibigan mong isa, samahan mo daw siya at may ipapakita siyang napaka-ganda sayo at importante sa araw ng... gawin na nating sabado pero may ininvite ka na samahan ka niya at ikaw naman ang may ipapakita na maganda at mahalaga sa araw din ng sabado. So, ang tanong, saan ka pupunta? Sa inaya mo o sa inaya ka?" Sabi ko at kumain.
"Parang ganito lang yan, ikaw ang bibigyan o ikaw ang magbibigay. Kung ako ang tatanungin, pupunta ako doon sa inaya ko. Bakit? Kasi para saakin, it's better to give than to recieve." Sagot niya.
"Ah..." Sabi ko nalang.
"Bakit mo nga pala natanong?" Tanong niya.
"H-hah? Ah ano kasi, may binabasa ako at yun din ang tanong." Sabi ko nalang.
"Nai-stress ka na kababasa mo." Sabi niya.
"Tss.. Ikaw talaga. Ay, aalis pala ako sa Sabado." Sabi ko sakanya.
"Di ako pwede Best. Magre-review e. Porke matalino ka na, di ka na magre-review ah. Ikaw ah." Sabi niya at nag-sad face.
"Di bagay sayo." Sabi ko nalang sakanya.
"Ewan ko sayo." Sabi niya at nag-pout.
"Mas hindi bagay sayo." Sabi ko ulit.
"Hmp!" Sabi niya.
Kumain nalang kami at ng mag-ring na yung bell e umakyat na kami sa room namin.
Room.
"So ano na Heisha?" Tanong sakin ni Drei ng lumabas saglit yung teacher.
"Mag-review..." Sagot ko at tinakpan ko yung mukha ko ng libro.
"Uyy... Ano na nga?" Tanong niya ulit.
"Can't you understand?" Sagot kong galit pero syempre joke lang na galit ako para manahimik na siya.
"O... K." Sagot niya at nag-basa nalang ulit.
Uwian @ Rooftop.
Nandito kami ni Z sa rooftop. Buti wala dito si Annika or Drei.
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Novela JuvenilSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...