Heishael Chrisheffe Advinosa's POV
May pasok na naman. Isang normal lang na araw. Ewan ko lang talaga kung may mangyayari sa'king masama. Pero ang sabi sakin ni Krisha e magkikita daw kami. Sa Gerald's Resto ulit. Ano kayang meron dun at palagi nalang. Oo, palagi nalang akong napupunta dun.
Nandito ako sa Garden ng school. Sa palagi kong pinupuntahan. Since Lunch namin at tapos na ako, tumambay muna ako dito. Si Mary, nasa office ni Ms. Principal, may pinag-uusapan tungkol sa contribution ng family niya sa school. Si Krisha, nasa training yun. Nakita ko kanina sa covered court. Si Anikka, nasa kung saan-saan lang yun at nagpapaka-sarap sa buhay. Mga mayayaman talaga. Si Drei, di ko pa nakikita mula kaninang umaga. Siguro mag-isa na naman yun. Wala naman kasi yung barkada. Kahit one and only friend lang since birth wala ata. Masyado kasing bad boy. Mood swings pa palagi. Parang babae talaga. Hayy... At ako naman, eto nga nasa puno ulit. Naka-upo at kumakain ng mangga. May katabi nga akong ibon dito e.. Isang maya. Nakakatuwa nga e. Ang galing niya kasing kumanta. Kahit maliit lang siya, may galing pa din. Nagmula ang malaking bagay sa maliliit na bagay. Kaya importante tong katabi kong ibon.
Anong oras na ba?
11:50 am
Nako.. Magta-time na. Kailangan ko nang bumaba. Baka ma-late ako. Malapit na mag-twelve.
Hinawakan ko yung maya at pinalipad. Hayy...
*****
Paakyat na ako dala-dala yung mga kinuha kong libro.
*Toogsshh!!!*
"Ohhh.. C'mon girls. A trash! Tara na nga. Madumihan pa tong damit natin!"
"Oo nga! The germs will spread in our body!!! Duhh!!!"
"Baka langawin tayo!! Tara na nga!! A garbage kasi eh.. Harang-harang in daanan!"
Mga alagad ni Annika.
"Hey girls!! Wait. Let's help her!" Sabi ni Annika at tinulungan niya ako sa pagtayo dahil tinulak ako ng mga alagad niya. Nalaglag pa tuloy ang mga libro ko.
Hindi mahina ang utak ko para hindi ko malaman na nakikipag-plastikan siya sa'kin. Tahimik ang buhay ko bilang invisible pero pinapahiya niya ako kahit wala akong ginagawang masama. Kaya kong magtiis. Hanggat di pa ako napupuno kaya ko pa.
"Salamat." Sabi ko nang matapos niya akong tulungan.
*Tooogshhh!!!*
Ok na sana kaso tinulak niya ulit ako. Umalis sila ng may ngiti sa kanilang mga labi. Tinignan ko sila at lahat ng tao ay naka-tingin na pala sakin. Buti nalang at naka-lugay ang buhok ko. Kinuha ko lahat ng libro ko at naglakad na papuntang room. Pero bago ako makarating, narinig ko ang mga ito...
"Buti nga."
"Akala niya naman tutulungan siya ng ating Queen. Never!!!"
"Napaka-FEELER niya!"
Kahit anong sabihin nila, hanggat kaya ko, di ako iiyak. Loser lang ang iiyak at hindi ako loser. Wise ako. Kaya ko.
"Ms. Advinosa... Stop." Sabi ni Sir. Naku, late ako. Patay!
"You're late." Sabi ni Sir. Maghahanda na ako sa susunod niyang sasabihin. Yumuko ako at tumingin sa sapatos ko.
"You may now seat down." O.O Ano? Diba dapat may penalty? Napatingin ako kay Sir at nagbulungan na ang iba.
"I said sit down. Ano? Ayaw mo?" Sabi pa ni Sir.
"A-ahm.. Sorry po. Great afternoon po." Sabi ko at pumunta na ako sa upuan ko.

BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Подростковая литератураSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...