Chapter 9 :)

100 28 5
                                    

Andreisons POV

Di ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko kay Heisha. Pero dahil dito sa mga pangyayari... Parang ayoko na kaso naiinis talaga ako sakanya kasi kahit anong gawin ko e di niya man lang nagawang magalit sakin. Yun nga ang gusto kong mangyari e...

May mga inopen din ako sa school gaya ng pwede nang lumapit sakin ang mga fans ko at magbabayad sila ng 500 pesos at halos lahat silang babae nagbayad exept dun sa mga kaibigan ko at kay Heisha. Akala ko e maiinis siya sa'kin pero parang hindi inis ang napapansin ko kundi... ignorance.

Ignorance galing kay Heisha.

Kasalukuyan akong nandito sa school at paakyat na ako sa stairs. Ang twist na hindi naman talaga bago sakin e yung lahat ata ng girls nakabuntot sa'kin. Hayyss...

Pagpasok ko ng room e nagsilayasan na sila. May limits sila sakin kaso nung umalis na ang mga babae na yun e bigla akong hinila ng isang babae.. Mary Lejivel.

"Hoy... Magkakilala ba kayo ni Heisha?" Tanong ng isang famous na si Mary Lejivel.

"Oo! Este.. Ah. Ano... Ah... Ano kasi.. Matalino siya. Bat ba?" Whoo!!! Nakalusot din.

"Hindi? Sure ka? Sige na.. Please?" Putakte pabebe..

"Oo na!" Napatingin naman ang lahat. Buti wala pa si Heish at konti pa lang kami.

"Anong tinitingin-tingin niyo?! Ha!?" Sabi ko at nagsibalikan agad silang lahat sa mga pinagagawa nila.

"Salamat." Sabi ni Mary at umalis na...

Bakit ba big deal sakanya yun? Kasi ba kaibigan siya ni Heisha? Psh..

"Ahahahahahhahaha!!!" Sigawan nila galing sa katapat naming section. Section 1 at si...

O.O

No. This can't be. Hindi ako ang may gawa.

Heisha's POV

Paakyat na ako sa room at sobrang nagmamadali dahil alam kong may posibilidad na baka andyan na ang teacher. Ayoko na ma-late gaya ng dati. Ayoko na maglinis ng rooftop. Ayoko na sobra.

"Goodluck." Rinig kong sabi ni Annika. Tsk. Nagmamadali ako ok?!

Papalapit ng papalapit at medyo binagalan ko na at ....

O.O

Nadulas ako at may natulak akong lubid at may tumapon saking harina. Espasol? Amoy espasol.

"Ahahahahahahhahaha!!!" Mga tawanan at hiyawan. Eto na naman sila.

"Ohhh... A cheap espasol! Wanna buy her? Anyone?" Tanong ni Annika ng bumisita siya sa room namin.

Walang Hiya siya!!! Pero... Kailangan kong magpigil. Magpigil ng aking damdamin. Di pwede.

"Annika!!" Sigaw ni...

...ni Drei.

Siguro kapag naging mag-asawa sila magiging masaya sila dahil sa mga memories nila sa'kin. Buti may dala ako ngayong damit. Hayy...

"Whut?" Tanong naman ni Annika. Kunwari pa.

Lumakad si Drei di ko alam kung kanino papunta. Kay Annika ba o Sakin?

Tumayo ako at nagpagpag mismo sa harapan ni Annika at naglakad...

Bahala na sila dun. Bakit ko ba kasi kailangang maging ganito? Pag natuto ba ako sa sports di na nila ako aapihin? O baka dahil ayaw na talaga akong makita ni Drei at pinipilit niya nalang na maka-ALIS ako sa school na 'to?

May humigit sa kamay ko. Ang bilis ng pangyayari. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Bat ganito? Ise-search ko to promise.

"Halika nga dito." Sabi ni Drei. Oo si Drei. Siya mismo.

"E pano sila..." Sabi ko.

"Basta. Dun ka sa locker room." Sabi niya at pumunta na kami ng locker room.

After 2 minutes of walking with matching kahihiyan habang naglalakad ay nakapunta na kami sa locker room para kumuha ng damit ko at naligo ako at lumabas na ako. Maayos na ulit ako.

"You don't deserve being a Maliff!!! Ipinapahamak mo ang babaeng nag-iisa na may pake pa sa katalinuhan ng school at sa ikasisikat natin! Layuan mo si Ms. Advinosa! Pati yang si Annika! Pagsabihan mo! You make me stress!!" Sigaw ni Ms. Principal kay Andrei. Naka-silip lang ako dito.

"Alam mo? Wala ka talagang alam! She don't needs a teacher ok?! Because she's a hardworking! Alam mo bang hinihiwalay ko na yung sarili ko sakanya pero hanbang lumalayo ako maraming nangyayari sakanyang masama! Yung paghulog niya sa puno! Yung pagtapon sakanya ng slime! At yung pagpapahiya sakanya sa room! Di mo alam lahat! Hindi imbis mas maayos ang suot mo mas marami kang alam!" Sabi ni Drei at umalis na siya. Pagka-alis ni Drei ay tumingin sakin si Ms. Principal. O.O akala ko...

"Ms. Advinosa... I'm sorry." Sabi ni Ma'am at umalis na.

Ako ang ugat ng lahat ng to.

Isang lugar ang alam kong pwedeng puntahan ni Drei... ang garden.

Naglakad ako papuntang garden.

I saw Him.

Naka-upo sa grass sa tabi ng puno. Pinuputol niya yung grass... naku! Masama yun!

"Drei..." mahinang sabi ko pero sapat para marinig niya. Napahinto siya.

"Umalis ka dito. Dapat na ba akong mawala sa mundong to?" Nagulat ako sa tanong niya.

Lumapit ako pero lumayo siya.

"Bakit mo naman natanong? Bakit mo gustong mamatay?"

"Ah.. Ehh.. Gusto ko lang." Sabi niya

"Kailangan mo ba? Hindi naman diba? You don't need change but improvements." Sabi ko at yumuko lang siya...

Lumapit ako

"Wala naman akong magagawa."

"Kung ikaw lang mag-isa mahihirapan ka." Sabi ko.

Umupo ako sa tabi niya. Ngayon ko lang nalaman na umiiyak na pala siya.

Nag-abot ako ng panyo.

Pero di niya tinanggap...

...kasi niyakap niya ako.

"D-drei... Ano ba?!" Umaalis ako sa yakap kasi hate ko ang mga ganitong gawain.

"Drei!!" Sabi ko ulit pero mas hinigpitan niya ang pagyakap niya sakin...

"Kahit two minutes lang..." Sabi niya at... i hate to do this pero niyakap ko na din siya at ramdam ko ang pagpatak ng luha niya at sigurado akong mababasa tong damit ko mamaya...

2 minutes na tahimik. 2 minutes na walang nagsasalita. 2 minutes na walang imikan...

... 2 minutes na nakayakap kami sa isa't-isa.

Nakaraan ang two minutes at saktong tumayo siya.

"Thank you." Sabi niya at umalis na siya.

Ganun-ganun nalang yun? Iwanan bigla? Sabagay. Gusto ko din namang magka-space mula sakanya at sakin.

Wala naman akong gusto sakanya... No Way. Hanggang teacher lang niya ako. The end. Tapos. Hanggang dun lang dapat kami. Tama nga yung sinabi ni Ms. Principal.

"Kailangan layuan namin ang isa't-isa. Pero habang tumatagal... Nabu-bully naman ako ng sobra... Gusto ko o ang dapat?"

"Madaling mag-advice. Pero kapag gagawin mo na... mahihirapan ka."

*******************

Author's Note:

Nakaka-HURT. Di ako tuloy tuloy mag-update. Sorry kung sino man ang nagbabasa neto.

Vote naman yung iba diyan...

Kahit walang comment. :)

-Ylobia_12

The Wise Girl and the Naughty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon