Heishael Chrisheffe Advinosa's POV
Nandito na ako sa loob ng kwarto ni Drei. Naka-upo kami sa dati naming pwesto. Nasa harap ko siya at kaharap niya din ako sa mesa.
"Anong nangyari kanina?" Tanong ko eye-to-eye.
"Anong kanina?" Maang-maangan pa.
"Sa quiz." Sabi ko.
"Ah. 1 lang score ko. May problema ba dun?" Tanong niya.
"Oo. Madami. Una sa lahat, bakit di ka nagbabasa ng book. Pangalawa, bakit di ka nagre-recite? Pangatlo, bakit na-late ka? Pang-apat, bakit mo ginalit si Ma'am? At panglima, bakit 1 lang ang score mo?" Sabi ko.
"Heisha, naman. Alam mo, Una, wala ako sa mood mag-basa. Pangalawa, anong ire-recite ko? Yung mali ba? E di ko nga alam e. Pangatlo, masama bang ma-late? Parang 5 minutes lang e. Pang-apat, e malay ko ba na magagalitin siya? Panglima, turuan mo na ako sa lessons natin sa room para maka-kuha ako ng better score." Sagot niya. Aba.
"Una, if you put your hearts out on what you're doing, mapupunta ka sa mood mag-basa. Pangalawa, opinion ang tinatanong at hindi ang best answer. Pangatlo, oo masamang ma-late. Pang-apat, dapat di mo na siya sinagot sagot pa kanina. Kahit naman sino magagalit no? Tsaka sinong matutuwa sa 1 ang score? At panglima, ilabas mo na ang book mo sa AP. Tapos may mga sasabihin ako sa'yo mamaya." Sabi ko at naglabas naman siya ng book at note at ballpen.
"Great. Open your book on page 231. Nga pala, mahilig magpa-surprise quiz ang teacher natin sa AP. Bukas nasa sched natin ang English. Sure akong magpapa-quiz. Tapos sa Music, may mga trivia niyan yung teacher natin doon na mahirap makuha sa Google but book. Once in a week lang kasi natin name-meet ang Music e. Tapos may Arts din bukas kaya mag-dala ka ng mga pang-paint. Tapo---" Pinutol niya ang sasabihin ko. The Fudge.
"Seriously?! Ayoko nga ng masyadong busy!!" Sigaw niya.
"Edi bahala ka." Sabi ko tapos ayun, nag-tutor time na kami. May mga strategies akong sinasabi sakanya sa pagme-memorize at sa iba pa. May ibinigay din akong mga papel na makatutulong sakanya sa mga quizzes.
After 2 Hours...
"I'm deadly tired..." Sabi ni Drei tapos humiga siya sa kama niya.
"Bukas may quiz." Sabi ko.
"Oo. Sa English, AP at sa iba pa. Ano nga ba yung 2 pang subject na may quiz?" Sabi niya in tired voice.
"May quiz ka sakin. Hindi sa school kundi dito sa room mo." Sabi ko.
"Ok." Sagot niya.
"Malapit na ang exam. Gusto ko maka-pasok ka sa Top 45." Sabi ko habang nag-aayos ng mga gamit ko para maka-uwi na.
"And then? Anong kapalit?" Tanong niya at napa-hinto ako.
"Anong kapalit?" Tanong ko.
"Gusto mo kasing tuparin ko ang gusto mo e." Sabi niya.
"Para naman sa'yo yung gusto ko e. Hindi naman para sa kung kanino o sakin." Sagot ko.
"E kailangan pa din ng kapalit." Sabi niya.
"Ikaw bahala." Sabi ko habang paalis na kasi tapos na ako mag-ayos e.
"A date?" Sabi niya at napa-hinto ako.
"Busy ako. Di pwede, kasi may mga inaayos ako." Sabi ko.
"Treat kita?" Sabi niya.
"Parang ikaw na ang nanlibre. No time. Too busy." Sabi ko.
"A kiss?" Tanong niya.
"Nope. Di pwede. No time. At... Ayoko. I'm not insane." Sabi ko.
"E kung dito ka tumira?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Teen FictionSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...