Heishael's POV
Today is the second day of Intrams.
Nakakabagot pa din. Sa sobrang nakakainis na lalaking di marunong tumingin sa daanan ay natapunan ako ng juice sa mukha. Sayang nga at di ko ma-identify yung mukha niya. Nakakabanas.
*Ting!!!*
One Message Received
From: Best Mary
Wahhh!!! Friend :( Di ako makaka-attend. Balitaan mo nalang ako kay... Alam mo na. Hihihi. Pakabait. ;) loveyoulots.
Hay nako. Wala akong kasama. Wala akong kausap. Wala akong kaibigan. Nakakainis.
To: Mary Best
Ok. Nakaka-asar.
Sent!
Bahala na siya dun. Teka? Bakit nga ba wala siya? Ay oo nga pala, bibili sila ng tuta. Yung mamahalin.
Makapunta na nga lang kung saan-saan. T-T
Kahit sa'n naman ako tumingin mga bola lang nakikita ko. E di nga ako marunong. Kainis.
"Ms!!! Yung bola!!!" Sabi ko at tumingin ako sa nagsalita pero wala naman akong nakikitang bo---
*BOOOGGSSHH
Walanjo. Ang sakit.
"Ms? Ok ka lang?" Tanong ng isang Volleyball Player na isang babae. Maganda. Sexy.
"A-ah. O-oo." Sabi ko nalang at naglakad na ako papuntang garden. Yun yung pinaka-tagong lugar ng school.
Habang papunta ako dun... Parami ng parami ang mga butterflies. Ang saya.
Maya-maya nandun na din ako sa gitna ng garden. Malawak to. Sobra. Mas tahimik pa sa library.
Buti nalang at naka-jogging pants ako kaya makaka-akyat ako sa puno.
"Yan... Ang ganda naman dito umupo!!! Hayys.. Ang sarap ng hangin at tunog ng mga ibo---"
*BOOOGSSHH
Bakit parang... Bakit parang hindi ako nalaglag sa lupa? Bakit parang... tao?
Andreison's POV
"Thank You miss. Niligtas mo ako kay kamatayan." Sabi ko sa sarili ko.
"Ay putakte! Ang korny! Pano ko mag-te-thank you?!" Sabi ko ulit sa sarili ko.
Alam kong di ko naman dapat to pina-practice e pero... ARGH!
"Kawawa yung babae... Tinamaan ng spike ni Krisha." Teka? Krisha? Si a-ate? Anong ginawa niya?!
Lalapit na sana ako ng makita ko kung sino yung tinamaan. Si--- ah. Ano nga ba pangalan niya? Wala pala siyang binigay.
Sinundan ko siya pero sobrang layo ng agwat ko sa kanya. Baka kasi mahalata e.
San ba to pupunta? Kanina pa kami nag-lalakad pero sa'n ba siya pupunta?
Weird siya. Sa Garden bagsak ko—namin.
Maya-maya, umakyat siya sa puno. Naku ang taas niyan. Malalaglag lang siya.
"Yan... Ang ganda naman dito umupo!!! Hayys.. Ang sarap ng hangin at tunog ng mga ibo---"
Hala! O.O
Hindi ko alam pero automatic ata ang mga parte ng katawan ko at sinalo ko siya kaso out of balance e.
Nasa taas ko siya. Nakapikit pa din siya. Nakaharang ang buhok niya sa dalawang gilid.
Ang... ganda niya. Bakit parang naninigas ako? Bakit parang huminto ang oras? Bakit parang...
Biglang bumukas ang mga mata niya at...
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!" Ang sakit sa tenga!
Agad siyang tumayo at nagpagpag. Tinignan niya ako ng masama. Aba! Siya pa may ganang magalit?!
"Oh?! Niligtas na kita! Quits na tayo!!!"
"Wag mong gawin kung ayaw mo 'kong saluhin! Wag mong pilitin ang ayaw mo!" Sabi niya sakin at bigla namang tumahimik ang mukha niya at naging maamo.
"Matalino ka. Ah, gusto ko lang mag-THANK YOU kahapon." Sabi ko.
"Well, salamat din. Quits. Bye." Sabi niya pero...
"Wait." Agad naman siyang huminto.
"Bakit?" Sabi niya habang nalatalikod. Palagi nalang ba siyang tatalikod?
"Humarap ka naman!"
"Bakit muna?" Malumanay niyang sabi.
"Agrh!! Basta." Sabi ko. Sa totoo lang, wala lang talaga akong maka-usap.
"Sige na nga." Sabi niya at lumapit siya sa'kin.
"Ano?" Tanong niya pa.
"A-ah.. Ano nga palang pangalan mo?" Wala akong matanong.
"Heishael Chrisheffe Advinosa. 4th year Section One." Sabi niya at nang-aya makipag-hand shake.
Hinawakan ko naman ang kamay niya at sinabing...
"Andreison Maliff. 4th year Section T-ten..." Nakakahiya.
First time kong mahiya.
"Yun lang ba? Paala---"
"Wait~ gusto ko lang sabihin na..." Ano nga bang sasabihin ko? Ano ba 'to!
"Na ano? Na nakakhiya dahil section 10 ka? Wala naman akong pake. Maghirap ka para magtagumpay ka." Sabi niya at tinignan niya ako sa mata. Seryoso. Nakaktakot pala.
"Natatakot ka?" Tanong niya. Panong...?
"Halata sa mata mo. Hayaan mo. Minsan kailangan magseryoso." At dun siya ngumiti. Akala ko buong araw na kami dun. Whooo!!!
"Ah. Ganun? Pwede manahimik ka kakadakdak. You're too talkative." Sabi ko. Syempre kailangan pa bad boy din.
"K." Sabi niya at umalis na siya.
Hindi ko pa din siya makilala ng lubusan. Ano ba yan. Akala ko makaka-usap ko na siya ng matagal. Sayang.
*Ting!*
May message ako.
From: Old Ugly
Go home. Now!
Psh. Ano na naman ba?!
Dali-dali akong pumunta sa parking lot at pinaandar ko na yung car ko. Nakaka-inis yung matandang yun!
Ilang minuto din nakarating na din ako.
"Master." Sabi ng mga maids.
Dire-diretso lang ako sa office niya. Wala akong pake sa lahat. I hate people.
Pagkabukas na pagkabukas ko...
"ANDREISON!!!" nagulat ako nung una. Nilapitan ko siya at tumayo siya. Hindi ko sinara ang pinto para makita nilang lahat.
Lumapit siya sakin at...
*PAK!
Isa sa mga pinaka-aayawan kong ginagawa ng mga tao.
"Pinahiya mo ako. Pinahiya mo yung company natin! You just don't even now!!!" Sige sigaw pa. Lahat naman para sa company mo eh.
"You know, you're too weak and---" pinutol niya.
"You need to marry the daughter of Mr. Schein and if not, mapapatigil ang operation sa mama mo."
Mga salitang nagpatigil sa'kin...
... Ang operation ni mama.
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Novela JuvenilSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...