Drei's POV
"Nag-over heat." Sabi ko. E wala naman talaga akong magagawa kasi nga nag-over heat tong sasakyan niya. Parang yung akin di naiwan dun ah.
"Malapit lang naman yung kotse ko dito. Di pa naman tayo nakakalayo." Sabi ko at nag-lakad na kaagad.
"Uy! Iiwan mo ko dito?" Sigaw niya sakin. Ahh.. Mukhang gets ko na siya.
"Ayaw mo talagang malayo sakin noh?" Sabi ko sakanya. Napayuko siya. Ang cute niya tignan.
"Pwede naman akong maiwan dito e..." Sabi niya at iniwan ko talaga siya dun. Bahala siya dun! Since gusto niya yun.. Pero syempre di ko siya iiwan.
"Ah! May naisip ako!" Sigaw niya sakin.
"Ano?" Tanong ko.
"May cellphone ka di ba? Syempre may load ka palagi. Since mayaman ka din naman." Ang talino talaga.
"Battery Low, wala kong load." Sabi ko. Pinakita ko pa sakanya yung cellphone ko.
"E ikaw?" Sabi ko.
"Wala akong load. Tsaka isa pa, pa-lowbat na din ako." Sabi niya.
"Tara, lakad. Maghanap nalang tayo ng tindahan o kung ano man na mahihingan ng tulong." Sabi niya at naglakad na yung lakad na pagod. Naka-sunod lang ako sa likod niya. Papunta kami ngayon sa kotse ko. Itutulak nalang namin yung kotse ko.
Ilang minuto din kaming naglakad at narating din namin yung kotse ko.
"Pagod ka na ba?" Sabi ko kay Heisha. Baka kasi pagod na siya. Since nandito na rin kami, itutulak nalang namin 'to.
"Di pa naman. Naglakad lang naman tayo e. Tsaka magdidilim na. Anong plano mo?" Tanong niya. Oo nga no? Magdidilim na.
"Itulak nalang natin tong kotse papunta dun sa tabi ng kotse mo." Sabi ko at naglakad na kami para itulak yun.
5:55 pm
Ang hina ng stamina niya. Ang bilis niya mapagod. Palibhasa, di siya athlete. Dapat nag-athlete nalang din siya. Minsan nga e, hinahawakan niya nalang ang kotse ko at kunwari tinutulak niya. Hayyy... Akala niya pa di ko alam. Baliw talaga to.
"Huy!! Wait! Pagod na ako." Sabi niya na medyo hinihingal pa.
"Konti nalang!" Sabi ko at tinulak na namin. Ilang metro nalang kaya. 3 or 4 nalang.
"Pagod na ako!!!" Angal pa niya.
"Palibhasa hindi ka athlete. Ang hina ng stamina mo." Sabi ko at napangiti ako ng tumingin ako patalikod. Di ko alam kung bat ako ngumingiti basta alam ko lang ang saya ko ngayong kasama ko tong genius na to.
"Di ka ba maka-intindi? Palibhasa, ang hina ng utak mo.." Sabi niya. Baliw talaga to. At ako walang utak?
Lumapit ako sakanya.. Palapit ng palapit.
"Ako walang utak?" Tanong ko.
"Oo." Sabi niya at napahakbang siya paatras.
"Talaga?" Tanong ko na medyo may seduce.
Napahakbang siya at boom! DEAD END na siya sa puno. Advantage na to.
Hinarang ko ang kamay ko sa dalawa niyang gilid ang kamay ko.
Nakatitig siya sakin. Sa mga mata ko. Parang binabasa niya ang utak ko.
"Alam mo na..." Sabi ko sa utak ko at napalaki ang mata niya ng kaunti. Halatang gulat na gulat siya.
"Wag." Diretso at solid na sabi niya.
Nilapit ko ang mukha ko sakanya at hinawakan siya sa bewang papalapit sakin. Dinikit ko ang noo ko sakanya at kasabay nun ang pagdikit ng ilong ko sa ilong niya.
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Roman pour AdolescentsSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...