Chapter 19.1 :)

63 3 4
                                    

Same Day...

Andreison Maliff's P.O.V.

It was 4:50 pm when I got home. Kahihilamos ko lang at katatapos lang din namin magbangayan ni Ate Krisha.

And about sa game? Argh! Alam ko kasing mashu-shoot na ni Z yung bola e kaya ko ginawa yun. Ayokong mag-FRIENDLY date sila. Kahit FRIENDLY date lang naman daw yun.

Well, nandito nga pala ako sa kwarto ko. Naka-upo sa sofa ko at nagbabasa ng mga books na sinuggest sakin ni Heisha.

*Bzzzt Bzzzt*

From: Heishael

Tutor pa ba kita? Good Afternoon.

Napa-ayos ako ng upo dun ah? Nabitawan ko tuloy yung libro kaya pinulot ko tapos nag-reply.

To: Heishael

Sure.

Sent!

Sana mabasa niya. Ay, mababasa niya pala talaga yun. Argh! Kainis, nagiging ewan na naman ako.

Naka-tingin lang ako sa Cellphone ko tapos inaantay ang reply niya habang naglalakad-lakad sa kwarto.

*Bzzzt Bzzzt*

From: Heishael

Papunta na ako.

E kung sunduin ko nalang siya? Ay wag na. Baka, makahalata naman ng sobra. Masungit pa naman yun.

To: Heishael

O sige.

Sent!

O yan, ok na yun.

Umupo nalang ako malapit sa window na matatanaw ko yung gate ng konte.

After 15 minutes

Nakita ko na si Heisha na naglalakad papasok ng gate kaya bumaba na kaagad ako sa Sala at umupo sa sofa pretending na nanunuod.

"Good Afternoon, Drei." Malumanay niyang bati habang nakatalikod ako sakanya kaya humarap ako sakanya ng dahan-dahan.

"Oh, you're here. Tara, sa taas Heisha." Sabi ko sakanya at naglakad na siya at nasa likod ko siya ngayon.

"Dito ka. Wag ka nga diyan sa likod ko." Sabi ko at huminto ako pansamantala para maabutan niya ako. Naka-yuko na naman pala to.

Inakbayan ko nalang siya tapos naglakad na ulit kami.

"Yung braso mo." Sabi niya.

"Anong gagawin?" Tanong ko habang naka-harap sakanya pero siya naka-tingin lang sa hagdan at sa dinadaanan namin.

"Alisin mo. O gusto mo ako pa mag-alis?" Sabi niya.

"Edi alisin mo." Pagkasabi na pagkasabi ko nun e bigla niya nalang hinawakan ang mga daliri ko sa balikat niya at ibe-bend sana kaso... di pa nabe-bend ang sakit na e. Dejoke lang. Ayaw ko lang na mag-away pa kami lalo. ^_^

"Mabait naman ako kaya aalisin ko na." Sabi ko at ngumiti lang siya sakin at naging seryoso ulit ang mukha niya.

Nag-smile siya sakin. Nag-smile siya. Nag-smile siya. At kakaiba yun.

Pwede bang... kiligin? Ay ewan.

"Oh upo." Sakyong sabi niya ng naka-pasok na kami sa loob ng kwarto ko.

The Wise Girl and the Naughty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon