Heishael Chrisheffe Advinosa's POV
Hinawakan ko na ang door knob at bubuksan ko na sana ang pinto kaso...
*Bzzzt Bzzzt*
May-text pala sakin~Si Z. Na naman?
Napa-bitaw ako sa door knob.
I wanna meet you tomorrow. 4 pm at Roof Top.
Parang ang seryoso naman? Mamaya ko nalang rereplyan. May trabaho pa ako kaya in-off ko yung cellphone ko at hinawakan ang door knob. Pinihit at pumasok.
"Good After--- Drei?" Sabi ko at...
... at nakita ko ang natutulog na si Drei.
Lumapit ako at inayos yung mga naka-kalat na notebooks at books. Burara talaga siya. Inayos ko na din ang mga gamit ko.
Nag-indian sit at nag-isip. Tutal e naka-tulog naman ang isang to, pipikit muna ako at mag-iisip.
Pumayag si Krisha na magtrabaho ako. Bakit naman? Dahil si Drei talaga ang tuturuan ko at hindi ang pinsan niya. Bakit siya pumayag? Kasi gusto niyang mapalapit ako kay Drei. Bakit naman? Kasi gusto niyang magkatuluyan kami ni Drei. Pero bawal. Bakit? Kasi ang bet ng Dad niya ay si Annika.
I opened my eyes.
Tinignan ko si Drei.
He looks tired and... Lazy.
Hinawakan ko ang mukha niya at... Di ko sinadyang, malungkot.
"Heisha..." Sabi niya at agad akong napa-bitaw sa pagkakadikit ng kamay ko sakanya ng nagising siya.
"H-hindi ko sinadya." Sabi ko at nag-ayos na ng mga gamit. "M-mag start na tayo sa tutoring." Sabi ko.
Tinignan ko siya at halatang nagulat siya sa sinabi ko. Di ba niya alam?
"Tutoring?! Nah... Si ate talaga." Sabi niya sakin.
"E bakit ka galit? Di ba gusto mong maka-section si Heishael?" Sabi ko sakanya.
"O-oo. Oo naman. Pero ang ayoko lang e yung nag-decide siya ng di ko alam." Sabi niya at naglakad papuntang kama niya. Naka-higa lang siya dun at tinitignan ko lang siya ng cold.
Tignan mo to.
"ABCD is a quadrilateral inscribed in a circle. If angle A is 25°, what is the measure of angle C?" Tanong ko habang naka-cross arms at naka-tayo pa din sa pwesto ko.
"Ahh... Ehh... Ano... Ok. Di ko alam." Sabi niya. Napa-upo siya at mukhang disappointed.
"Stop murmuring. Mag-start na kasi tayo. 2 hours lang tayo ok?" Sabi ko at umupo na sa upuan. Tapos nagbasa-basa ng mga notes niya. Naka-talikod ako sakanya ngayon-- para di ko siya makita. Jk.
Base sa mga nababasa at nakikita ko e bumababa ang grades and scores niya. This is not good.
"I miss you..." Sabi niya at napa-tigil ako. Nalaglag ang notebook sa lamesa at... at... Naramdaman kong naka-yakap na siya sakin.
Gusto kong sabihin na... "Na-miss din kita." Pero sabi ng utak ko... "Kayo ba? Kung umasta ka para kayong mag-on kung ganun ang gagawin mo." Tama ang utak ko kaya...
... kaya inalis ko ang pagkakayakap niya. Maybe sa susunod nalang. Tama ang sinasabi ng utak ko.
"Hey. Bilisan mo at mag-basa basa ka na." Sabi ko at nag-asikaso ng kung anu-ano.
"Ok." Sabi niya at yun... Tinuruan ko na siya.
Umupo siya doon sa may harapan kong upuan. Sa gilid ko ang isang computer at sa tabi nun ay ang printer.
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Teen FictionSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...