Chapter 14 :)

67 14 3
                                    

Krisha Maliff's POV

I saw Drei pero inignore niya lang ako. May problema to e. Halata naman sakanya. Babanatan ko 'to.

Sumakay siya ng kotse niya kaya sumakay din ako sa kotse ko. Kagagaling ko lang sa bilihan ng bola ng volleyball kaso nakita ko siya. Dapat talaga kakausapin ko si Heisha about that article but... eto nga, si Drei at mas priority ko siya this time

Nagda-drive siya sa ibang daan at hindi ko alam ang place na to. Papunta kami sa kung saan man. Iba ang lugar na ito at patahimik ng patahimik. Hindi ko alam to ah. Nawi-weirduhan na ako sa kapatid ko. Saan ba to?

Napa-hinto siya at huminto din ako. Malayo sa kotse niya ang kotse ko. Lumabas siya at lumabas din ako. Malayo ako sakanya. Kung maglakad siya akala mo kung sino. Ang bilis niya maglakad kaya mas binilisan ko. Kumaliwa siya at di ko na siya nakita. Pumunta ako doon sa kinaliwaan niya.

...

...

...

This place is so amazing... (oQo)

Ang daming halaman at flowers. May lawang maliit sa pinaka-gilid. May tatlong tree at may mga butterfly. Yung sky ay maganda na babagay naman talaga sa place na ito. May dalawang bench doon. This is amazing... but my brother...

Nakita ko si Drei sa may bench at naka-upo lang siya doon. Naka-yuko at halatang nag-iisip siya ng mabuti.

Nilapitan ko siya. Pero habang lumalapit ako, i heard something. Sobs.

Umupo ako sa tabi niya. I just let him cry. Crying while thinking. Hinawakan ko ang likod niya at hinaplos ko ito. No words I'm saying. I just let him cry, for now.

"Ate, masama ba ako? Ate, bobo ba ako? Ayaw niya kasi sa mga hindi taga-star section. Ayaw niya kasi sa mga bobo. Masyado na ba akong makulit? Ginagawa ko lang naman yun kasi feeling ko... mag-isa nalang ako. Gusto ko lang naman ng may pake sa'kin. Simula kasi ng dumating siya... feeling ko, may kasama na ako sa lahat ng gagawin ko. Actually, interested ako sakanya-kay Heisha. The more na lumalayo ako sakanya, feeling ko, nawawala ako. Kaya nga lumalapit ako sakanya, kasi ramdam ko sakanya yung pag-aalaga sakin ni... ni Mom. Ate, as days goes by, feeling ko nga, gusto ko na siya. Pero alam kong walang kasiguraduhan yun. Kaya nga gusto ko sana itanong kay Mom na... anong feeling ng inlove. Baka kasi kapag sa iba ko tinanong, ang sabihin nila... ang corny ko-ang bading ko. Pero iba e... Ang sabi niya, adviser ko siya... pero paano ako magpapa-advise sa taong ayaw naman pala ako. Na kinamumuhian ako. Na wala namang pake sakin. Na naiinis sakin. Na naiirita sakin. Na... na di naman ako gusto." Sabi ni Drei. Habang sinasabi niya yan, sa tingin ko. Sa pakiramdam ko, mahal niya na nga si Heisha. Naawa ako sa kapatid ko.

I hugged him so tight. Pero umiiyak pa din siya. I let Him cry... I say nothing. Di ko alam na ganon na pala ang nararamdaman ng kapatid ko. Feeling ko, wala akong kwentang ate. But this time, I think... dapat kausapin ko na siya.

"Drei... wag kang mawalan ng pag-asa kay Heisha. Si Heisha, siya yung tipo ng babaeng, masyadong seryoso. Lalo na sa studies. Nawalan kasi siya ng Daddy tapos ang Mom niya, nasa abroad at di na siya binalikan pa. Iniwan na siya ng mga magulang niya sa isang matanda. Pero nung 10 years old na siya, iniwan na siya ng matanda. Mayaman si Heisha at ang family niya. Naka-mana ang lahat sakanya kaya tinitipid niya yun kaya nga sa tingin ko, maghahanap siya ng trabaho. Di kasi yun pwede maubos. Mawawalan siya kung mangyayari yun. I short Drei, independent si Heisha. Ten years old pa lang siya, natuto na siya. Magandang babae si Heisha at maraming nagkakagusto sakanya nung bata pa siya. Di pa kasi siya mukhang nerd nun. Kaya nga nung may party, I tried mu best para makita ang kaya niya pang ibuga." Sabi ko pero bigla siyang nagsalita.

The Wise Girl and the Naughty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon