Chapter 12.1 :)

71 21 6
                                    

Heishael Chrisheffe Advinosa's POV

Nandito pa din ako sa bahay ng mga Maliff. Naglalakad pa din. Hawak niya pa din ang kamay ko. Medyo mabagal na ang lakad namin kumpara kanina. Naka-yuko siya kahit naman ako naka-yuko e... Papunta ata kami sa kwarto niya or ng ate niya. Pumasok kami sa loob ng bahay nila, umakyat sa hagdan at huminto sa isang color brown na pinto. Pinindot niya ang code at pumasok na kami. Walang nagsasalita ah, ayos.

"Eto yung kwarto ni Ate. Di niya alam na alam ko ang passcode ng kwarto niya. Eto yung damit oh tsaka, magpajama ka nalang. Dito ka na matulog. Alam kong may mga assignments ka kaya pinakuha ko na yung mga books and notes mo. Diyan yung Rest Room niya, maligo ka na diyan. Malagkit yung juice e..." Sabi niya. Naglakad na siya papunta sa labas kaso may sinabi pa siya bago siya tuluyang umalis.

"Sorry. Sorry ulit, may utang na naman ako sa'yo. Babalik ako dito, maliligo lang din ako. Sige..." Sabi niya at umalis na siya. Napa-ngiti ako.

"Salamat." Bulong ko.

*****

Pagkatapos ko maligo e nagbihis na ako at pumunta sa harap ng salamin. Hinawakan ko ang buhok ko patagilid. Ngayon ko lang nakita ang mukha ko sa salamin na naka-ayos. Ngayon ko lang nakita ang mukha ko na maayos at hindi haggard dahil sa school works. Speaking of school works, nandito na nga pala ang mga books and notes ko.

Pumunta na ako sa... Walang study table? Ok. Pumunta nalang ako sa kama niya at umupo. Nag-umpisa akong mag-sagot sa MAPEH tapos Science then AP then Filipino then English then Math. Ok na yun. Mabilis nalang sakin ang mga to dahil sanay na ako sa mga ganito.

"Bonus Question? At sa Math book pa. 678*6/56+1289-67*35/89*23-1 is equal to... 754.631621 or 754.63." Sabi ko ng tuloy-tuloy at napa-smirk ako. Di ko nga alam kung bakit e. Well, tapos na akong mag-sagot. Ano naman kayang pwedeng gawin? Hayy...

Ay... Alam ko na!

Lumabas ako ng kwarto na to at di ko isinara. Baka ma-lock at di na ako maka-balik. Wala gaanong tao dito kahit maid. Kahit isa...

May napansin akong isang napakalaking pinto na medyo bukas. Pumunta ako dun kasi kahina-hinala e... Siguro ito yung kwarto ng Daddy nila. Parang may nagsisigawan? Ayokong makinig pero nagkusa ang mga paa ko na lumapit dun. Nag-alinlangan akong sumilip dun.

Nanlaki ang mata ko dahil nakita kong sinuntok ng Daddy nila si Drei...

Bakit? Anong dahilan?

Andreison's POV

Papunta na ako sa kwarto ni Ate Krisha kaso may isang maid na nagsabi sa'kin na ipinapatawag daw ako ng magaling kong tatay. Hay... Ano na naman ba ang ipapasabi niya?

Pagpasok ko e naka-upo lang siya sa sofa niya at naka-hawak siya sa tungkod niya na binili pa niya sa ibang bansa.

"Hey." Bati ko at nakatayo lang ako sa tapat niya at naiwan kong medyo bukas ang pinto. Isasara ko pa sana kaso naisip ko na wala naman palang gaanong tao. 30 minutes nalang at uumpisahan na ang party niya.

"You're so stupid!" Sabi niya at tinitigan ko lang siya. Halatang galit na galit siya kaya napatayo siya at sinuntok ako. Hah. Ito na yun?

"Bakit mo pinili ang newly friend ng ate mo?! She's nice but she's not rich! She don't even have the money to make your mother live! Can't you see?! Are you blind?! Annika is richer than her. Their company earns billions and billions and that poor girl?! Nothing! She's nothing!" Sigaw sakin ng baliw na 'to.

"She's so different from Annika. She's nicer. And kung tutuusin, she's richer than Annika. Heisha can draw, paint, act, play more than five musical instruments, read minds, she's a mini animator and everything! Wala siyang sport pero yung mga kaya niyang gawin mas mahirap pang intindihin kesa sa sport ni Annika. Ano bang kaya ni Annika?! Wala! Speak different langguages? So easy! Kaya wag maliitin si Heisha dahil mo siya kilala!" Sabi ko sakanya at natahimik siya.

The Wise Girl and the Naughty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon