Same day...
Heishael's POV
Nakaka-iyak dahil yung pagkain ko nawala na. Kabanas nga e.
Nandito na ako sa room namin. Marami ngang nag-uusap tungkol sa'kin e.
"Gumagawa lang yan ng paraan para mapansin"
"Akala ko mabait siya yun pala may arte at landi din."
"Walang hiya siya... Bakit si Annika pa sa lahat?"
"She's totally a slut."
Grabe sila. Yung bulungan naging sigawan. O baka di nila binubulong, baka gusto talaga nila akong inisin. Sorry pero ang gusto ng kaaway ay yung luha at inis nanggagaling sayo kesa dugo.
"Hoy." Huh? Sino yun. Try ko lumingon sa gilid... Hayyyss..
"Mary. Bakit?"
"Best, nabalitaan ko na. I'm sorry wala ako sa tabi mo nun."
"Ok lang yun. Wag mo nang isipin yung mga yun. Wala lang silang magawa sa buhay."
"Ay, siguro nga. Pero best, sa susunod bugbugin mo na sila ah."
"Ewan ko sayo. Bumalik ka na sa proper seat mo."
"Oo na."
Paalis na siya kaso may naisip ako bigla.
"Wait. Ano pala full name ni Krisha?" Idol ko siya dahil ang galing niya mag-volleyball. Sobra. Nalaman ko ding nagba-basketball siya kaya ganun.
"Ah yun ba? Krisha Maliff."
"Salamat."
Tsaka na siya umalis. Parang narinig ko na yung Maliff e. Hindi naman pwedeng magkapatid sila. Pero baka kapatid niya nga si Drei? Ay di pwede.
"Class. Great Morning." Oh. Nandito na pala si Ma'am.
"Great Morning Ma'am." Sabi namin at umupo.
"Make a reflection paper and you Ms. Advinosa, you're exempted 'coz you need to meet some one in the library." Sabi ni Ma'am at umalis na ako pagkasabi niya ng 'You may now go.'
Sino kaya yung ime-meet ko. May binigay na letter sa'kin at ayon dito e one time lang daw ito. So ok lang.
***
"Ms. Advinosa, meet him there." Sabi ni Ms. Librarian.
"Thanks Ma'am."
Sino ba yun? And daming nerd and geeks dito. Pero kakaiba tong isang to.
Naka-head's down at naka-harap sa left at nasa right ako.
"Ahm... Kayo po ba ang tuturuan ko daw po?" Ang galang ko lang ngayon.
Bigla namang bumalik sa pagkakaupo yung lalaki at nakita ko na kung sino... O.O
Drei?
Section 10 nga pala siya. Nakalimutan ko.
"Oh ikaw pala Heishael. Sorry kanina ah." Sabi niya.
"Close tayo? Tuturuan kita yun lang. Marami pa akong gagawin. Maraming project, di ka ba gumagawa? Exam na din next 2 weeks."
"Pinapatay mo lang ang sarili mo." O.O ang lakas ng loob niya. Mahalaga ang pag-aaral.
"Binubuhay ko naman ang kinabukasan ko." Pasalamat siya at marunong akong mag-control ng emotion.
"Ang talino mo talaga. O siya, m-math."
"Anong topic niyo? Kami kasi patapos na e."
"Ano?! E kami sa gitna pa lang. Kunsabagay, mas matalino kayo at mas angat. Tama?"
"Hindi naman. Depende lang talaga kung paano ka magsikap. Baliwala ang sipag kung di ka magsisikap."
"Ok."
After ng conversation na 'to e tinuro ko na lahat sakanya. Sa isang oras na to, palagi siyang patalastas. Iniiba niya palagi yung usapan. Yung tipong nasa numbers tapos bigla maiiba.
Hindi ko lang talaga alam kung paano kami bapunta sa topic na 'to.
"Yung mapapangasawa ko gusto ko nang patayin."
"Oh talaga? Bakit?"
"Hindi kasi matino. Para rin siyang yung ex ko."
"Hayy... Section 10 na nga, love-love pa ang nasa utak."
"Ikaw ba? Kahit minsan ba di ka nainlove?" O.o Di ko alam. Sa totoo lang. Nainlove na ba talaga ako? Ewan. Di ko alam.
"Ang pag-ibig sa buhay ko wala lang. Studies first ako e."
"Ibig sabihin di mo mahal mga magulang mo?" Hindi niya pa nga pala alam.
"W-wala." Sabi ko at yumuko nalang. Sino ba kasi tong tao na to? Ni di ko nga siya kilala e. Wala siyang alam. Isa lang dapat ang tinuturing kong normal dito, ang kaibigan ko. Siya lang pwede magtanong niyan sakin. Selfish no?
"Anong wala? As in they're in heaven?" T-T Putakte.
"Please. Wala kang karapatan ok?"
*KRIIIIIIINGGG!!!*
Tumayo na ako at siguro naman may naintindihan siya.
Pupunta muna ako sa isa ko pang tinataguan. May nakaalam na kasi ng isa.
Ang mabuti lang, di ako sinusundan nung lalaki na yun.
***
"Ang sarap talaga ng simoy ng hangin."
"Talaga?" O.O T-teka? Don't t-tell me? Nooooo!!!
"Bakit ka nandito?!" Sigaw ko kay Drei. Sinusundan niya pala ko?!
"Kasi nandito ako." Pa-cool niyang sabi. Seryoso akong tao and seriously, first time kong sumigaw dahil nagulat lang ako.
Ang masaklap, umupo din sa grass sa tabi ko. Ano ba yan.
"Aalis na ako." Sabi ko at aalis na sana ako kaso biglang bumalik ang interes ko sa buhay niya.
"Gusto mo ba malaman kung anong pamilya ang meron ako?" Napahinto ako at napa-tingin siya sakin at napa-tingin ako sakanya.
"Mas gusto kong walang pamilya. Sana pala namatayan nalang din ako no?" >:| Wrong move.
"Mas gusto mong mamatayan ng magulang?! You're so... CRAZY!!! Isa kang coward! Gusto kong magkapamilya pero ikaw?! Lahat nasa'yo pero mas gusto mo pang mawala sila saya?! Wala kang kwenta!"
0.0 NO. Hindi to pwedeng mangyari. Pa'no ko nasabi yun? I. HATE. THIS. FEELING.
"Tch. Kunsabagay, hindi ako ikaw." Sabi niya at halata sa mga boses niya na naiinis siya sakin. Tumayo siya at umalis.
Inosente ako. Wala akong kasalanan. Wala. Wala.
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
JugendliteraturSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...