Heishael's POV
Umaga. Walang pasok. Pupunta muna ako ngayon sa National Bookstore para maghanap ng mga books. Gusto ko muna mag-refresh mula sa mga nangyari kagabi. Speaking of kagabi...
Flashback
Tumakbo ako palabas ng Resto na yun. Pumunta ako sa may kotse ko but i saw Krisha running towards me.
"Heisha! Wait!" Sigaw niya at nakita ko mula sa likod niya ang gulat na gulat na mukha ni Annika. Yung malaki ang mata, halos mabitawan na ang dalang bag, at dumb.
"Wag ka muna umalis." Sabi sakin ni Krisha pagkalapit niya sa'kin. Halata na pagod na pagod siya at hingal na hingal pero kitang kita mo pa rin ang ganda niya. Di tulad ko.
Para siyang may iniisip at halatang nagde-decide siya na sasabihin niya ba ang isang bagay o hindi. Bakas sakanya na may gusto siyang sabihin. Kita ko sa mga mata niya na iniisip niya si...
"Heisha, look at me. I dont want Annika for my brother."
Tumingin ako sa mga mata niya ng matulin... Di ko maintindihan at ayokong maintindihan o marinig man lang ang sasabihin niya.
"I want you for him. For Andreison."
End of Flashback
"Ms. Papasok po ba kayo sa loob?" Sabi ng guard sa National Bookstore. Nabalik naman ako sa katotohanan.
"A-ah.. Opo." Tsaka ako pumasok sa loob. Di ko maintindihan ang sarili ko this past few days. Dapat siguro umiwas na ako kay Andrei at sa crowd.
Naghanap ako ng mga books sa may shelves. Mga books ni F. Soinil. Maganda to.
Kukunin ko na yung isa kaso kinukuha din nung nasa kabila. Pilit kong kinukuha kaso bakit para atang gusto din kunin ng nasa kabila?! Isa nalang to oh!!
Sinilip ko na kung sino at...
Drei?!!! Kailangan kong umiwas. Binitawan ko na yung book at umalis. Magkasalubong ang kilay ko. Kumuha ako ng isang notebook para may binili naman ako kahit paano. Nagbayad at tsaka umalis.
Lakad-takbo kung gumalaw. Naghahabulan kung mag-lakad. Diretso ang tingin. Walang kurap na lumabas ng National Bookstore at sumakay sa kotse na parang may galit sa mundo.
"Argh!!!" Napasigaw ako sa loob ng kotse ko. Pinalo ko kung ano man ang pwedeng mapalo at sa kamalasan... Yung busina pa.
Umalis na ako at pumunta sa isang di gaanong mataong park. Yun yung park kung saan ko huling naka-sama ang mga magulang ko.
Kinuha ko ang bag ko sa kotse at umupo sa ilalim ng puno sa may lilim. Naglatag ng maliit na kumot at naglabas ng konting pagkain.
Nagbasa nalang ako dito. Dapat sa National ako magbabasa e.
Ayoko munang makita yung lalaking yun. Basta ayoko lang. Ang malas ko sakanya.
"Umiiwas ka ba?" O.O Halos malaglag naman ang panga ko at napasara yung libro ko at napahinto sa pagbabasa.
Baka imagination ko lang.
Kinuha ko yung headset at nakinig nalang ng music.
"Sssst!!!" Tapos may kumalabit pa sa'kin.
Tinangal ko ng padabog yung headset at sinuntok yung puno at agad namang dumugo ang mga daliri ko. Mga pulang likido na bumakas sa damit ko. Napapikit ako. Inhale. Exhale.
"Heisha naman!" Oo na. Si Drei.
"Pwede ba? Wag ka munang magpakita sa'kin. Hanggat di pa bumubukas tong mga mata ko... UMALIS KA MUNA." Sabi ko at pumikit ako ng 10 seconds. Sapat na yun para mag-lakad siya.
"Alam mo. Baliw ka din pala. Akin na nga yung kamay mo. Gagamutin ko." Sabi niya at binukas ko na yung mga mata ko. Kinuha niya yung panyo niya at inikot dun ng maayos.
"Sa susunod wag mo nang labanan ang puno." Sabi niya na parang pilit pa. May problema to. Like I care. Wala silang pake sa'kin kaya dapat wala din akong pake sakanila.
"Nga pala, eto na yung libro." Sabi niya sabay hagis sa'kin ng libro ni F. Soinil.
Tinignan ko lang yung libro. Wala na akong ganang basahin yun. Wala na.
"Ano ba?! Alam mo ang sungit mo palagi!!! Nakakapikon ka!" Sabi niya. Aba matinde! E wala nga akong ginawa at sinabi ako pa din ang mali?!
"Kung ako sumusuntok sa puno, ikaw naman ang kumakausap sa hangin." Sabi ko at napa-ngisi ako dun. Nye?! Anyare sakin?
"Tsss... Bakit ka nga pala umiiwas?"
"Wala."
"Wala? Hindi pwede. Alam ko palagi kang may reason." Sabi niya.
"W-wala nga sabi. Ayaw kitang kausap ngayon. Pwede? Åyoko ok?" Sabi ko at tumayo ako.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya at agad naman akong umakyat ng puno.
"Huy ano ba yan?! Bumaba ka nga diyan!!!" Sigaw niya sa'kin. Palibhasa. Pag akyat lang ng puno di niya makaya. Yan yung problema sa baliw na lalaking yan e...
Ang reason ko lang naman e ayoko siyang makita. Yun lang. Kung pwede ngang mabulag, gagawin ko na. Ayaw ko magkaroon ng isang love story. Ayokong maging isang Cinderella o Snow White. Ok na sakin ang maging Heishael Chrisheffe Advinosa.
"Huy... May project sa English, pinapasabi ni Sir. May Assignment sa History, pages 289-297 daw." Sabi sakin ng baliw na Drei.
"Freakin' thing you care. Tapos ko na lahat yun. Baliw." Sabi ko at malamang sa malamang, pahiya na siya.
"Hoy ikaw Wise Girl. Grabe ka na ah! Kung tutuusin, ang swerte mo kasi kinakausap ka ng isang Andreison Maliff!" Sigaw niya sakin. Napa-smirk ako.
"Swerte ka din, sana pala patay ka na ngayon at umiiyak na ang mga ka-pamilya mo sa harap ng kabaong mo." Sabi ko.
Natahimik siya. Tinignan ng masama ang mga mata ko. Para siyang tunay na tigre.
"Wag mong pakielaman yung buhay ko. At sila iiyak? Baka nga mag-Fiesta pa e. Pero tandaan mo, sikat ako. Basura ka lang." Sabi niya. Ako basura?
"Kunsabagay, kaya ka pala iniwan ng mama mo at ayaw ka ng papa mo kasi ganyan ka. Wala ka nga naman talagang kwentang anak. Grades mo nga di mo kayang ayusin e... Buhay mo pa kaya. Kung basura ako, anong tawag sayo? Bacteria, virus, dumi na kinaaayawan ng lahat?"sabi ko.
"Ang hirap magalit sayo nung una. Akala ko ikaw na yung kakampi ko. Yun pala kaaway ko." Sabi niya at tsaka umalis.
Kita ko mula sa itaas ang pag-alis niya.
Eto na naman ako... Naka-gawa na naman ako ng mga mali sa buhay. Siguro kung buhay pa sila Mom, maawa din sila sa'kin. O baka naman ipagtabuyan nila ako dahil palagi nalang akong nakakagawa ng mali kahit di ko naman gusto.
Andreison's P.O.V.
Paulit-ulit nalang niya akong sinasaktan kahit di niya naman sadya. Ang hirap magalit sakanya. Ang hirap niyang sermonan ng masyado. Di ko magawa dahil may kung ano sakanya na gumagawa ng dahilan para di siya masaktan ng isang tulad ko.
"Argh!!!" Sigaw ko. Sabay suntok sa isang punching bag. Nandito nga pala ako sa gym ko.
Pinagsusuntok ko yung punching bag ng sobra pa sa inaakala ko. I hate this.
"I HATE YOU!!!" sigaw ko sabay isang suntok ng napaka-lakas. Isa pang sigaw at maraming beses na suntok.
Bakit ba ang hirap mong saktan?! Bakit?!!!
"I HATE YOU!!!" sigaw ko sabay suntok.
I really hate you Heisha! Simula ng dumating ka nagbago ako pero ngayon!!!! Magbabalik ako!!!! Ang dating ako!!!!
Napa-upo ako.
Sinuntok ko yung lapag at nag-crack ng konte. Dumugo naman ang kamao ko.
Ok na siguro to. Babalik ako. Ayokong ako ang masasaktan lagi. Dapat kayo naman... Babaguhin ko kung sino ako.
Di mo na ako makikilala Heisha and Dad!!! And everyone in this World!!!
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Teen FictionSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...