Heishael Chrisheffe Advinosa's POV
Nandito ako sa room at kinakausap ko si Mary.
"Mary, sabay natin mamaya si Krisha sa lunch ah." Sabi ko kay Mary.
"Sige ba! Bakit naman hindi diba?" Sabi niya habang sinusuklayan ang buhok niya.
"Di ka ba napapagod kasusuklay diyan?" Sabi ko sakanya.
"Hindi. Gusto mo suklayan din kita?" Tanong niya.
"Naku wag na." Sabi ko.
Nakita ko naman na papasok na si Nathaniel kaya pinalipat ko siya sa kabilang upuan. Naka-upo kasi siya sa upuan ni Nathaniel e.
"Hi." Bati ni Mary.
"Hello." Sagot naman ni Nathaniel. "Sali naman ako sa usapan niyo." Sabi ni Nathaniel.
"Sige." Sagot ko.
"Uy Nathaniel, nakakuha ka daw ng isang love letter balita ko ah." Sabi ni Mary. "Diba Heisha?" Sabi naman sakin ni Mary.
"A-ah oo. Kanino galing?" Sagot ko. Wala naman talaga akong alam tungkol dun e.
"A-ah yun ba? Hindi nilagay ang pangalan e." Sabi naman ni Nathaniel.
"Ahh ganun ba..." Sabi naman ni Mary.
Nakita ko naman si Drei na pumasok. Buti naman at di siya late.
Nagtilian naman ang mga girls sa room. Mga bulag lang?
"Hi." Bati ni Drei.
Nag-hello naman yung dalawa. Tss...
"Hi Heisha." Bati sakin ni Drei. Nag-half smile lang ako sakanya ng mabilis.
"Sali naman ako sa usapan niyo." Sabi naman ni Drei. Natawa naman kaming tatlo. Parehong-pareho sila ng sinabi ni Nathaniel e.
"Bakit kayo natatawa?" Tanong ni Drei samin.
"Ewan." Sabi ni Nathaniel.
"Nandiyan na si Ma'am." Sabi ko sakanila at bumalik na si Mary sa upuan niya at bumalik na din yung naka-upo sa upuan ni Mary kanina.
"Good Morning Class 1" Bati ni Ma'am at sabay-sabay kaming tumayo exept kay Drei at sabay-sabay ding bumati kay Ma'am.
"Ok. Sit down." Sabi ni Ma'am.
"Next week, your examination will start. It's a 3-day examinations. Mas mauuna kayo sa mga lower section. Ok? Clear?" Sabi ni Ma'am samin.
"Any question or reactions about your subject teachers?" Tanong ni Ma'am. Palagi niya nalang tinatanong yan tapos wala namang magre-react kaya ngumiti nalang siya.
"Ma'am! Question." Agad na nag-taas ng kamay tong si Drei. Pinagtitinginan tuloy siya.
"Yes, Mr. Maliff?"
"Bakit po magagalitin yung ibang teacher kapag nakakakuha ng low scores ang isang student?" Tanong ni Drei at halos matawa na kaming lahat dito sa room.
"Sinong matutuwa sa mababang score mo Mr. Maliff?" Mataray na sagot ni Ma'am.
"Ay ganun po ba? May isang tanong pa po." Sabi niya na naman ng pa-cool.
"Yes?"
"Bakit po palaging may quiz?" Sabi na naman ni Drei. Seriously?!
"Well, masanay ka na. Nasa CLASS 1 ka Mr. Maliff." Sabi ni Ma'am at lumabas na ng walang paalam.
"Ang cute niya talaga."
"Sana ako nalang ang tinanong niya."
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Novela JuvenilSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...