Heishael Chrisheffe Advinosa's POV
As days goes by, natapos na din ang mga pagrereview ko-naming tatlo na sasabak sa Battle. Tatlong student kasi per school at kaming tatlo ang napili. Ako, si Z at si Nathaniel ang sasabak sa Battle.
"Kinakabahan ba kayo?" Tanong ni Z samin ni Nathaniel habang naka-upo sa designated place namin. Maraming school pa ang nandito at di ko din inasahan na makakasali dito ang huling school na pinasukan ko last 4 years. It was a trauma, and i need to forget everything.
"Bakit naman ako kakabahan?" Sagot naman ni Nathaniel.
"Nag-review ako. Bakit naman ako kakabahan?" Sagot ko din.
"Masyado naman kayong ano. Parang nag-tanong lang tapos kung ano-ano na pinag-sasabi niyo. Tsaka, Heisha, nag-review din ako." Sabi niya at nagpasalumbaba naman siya. Tsss...
Si Nathaniel naman, eto, head's down ang bagsak. Tapos ako, eto, observing the people around me. Nabo-bore tuloy ako... Nakita ko ang ibang student. Naka-yuko, nagpe-pray, nagdadalsalan, nagbabato-bato pik, natutulog at madami pa. Pero ang mas naka-agaw ng pansin ko ay yung dating school na pinasukan ko. Ang Babbage School of Science. Umiwas ako ng tingin dahil tinignan din ako ng isa sa mga student sa BSS na dahilan para ituro niya ako sa katabi niyang babae kaya umiwas ako para sa ikabubuti.
"Ok! Great Morning students!" Sabi ng Emcee magsta-start na pala. So 9:00 am na pala. Exact. Never silang na-late ng minute.
Ganito ang mechanics... May tatlong level-Easy, Average and Difficult. Sa Easy, may 10 seconds para mag-isip at mag-sagot at 1 point kada tamang sagot sa sampung tanong. Sa Average, may 15 seconds para mag-isip at mag-sagot at 3 points per right answer in ten qeustions. Sa Difficult, may 20 seconds para mag-isip at mag-sagot at 5 points per right answer sa sampung tanong. Pero kapag Math na ang tanong, may plus ten seconds sa time limit. May 30 questions over all at 90 points ang perfect score.
"AND NOW, LET THE WAR BEGIN!" Sabi ng Emcee at nag-start na nga ang War.
Napa-smirk naman si Z sa Emcee... Baliw talaga to.
Sa Easy level, kami ang nanguna. Walang mali, ni isa. Sa Average level e nagkamali kami ng isa at sumugod naman si Z dun sa taga-tanong. Na-correct ang sagot namin dahil dalawa ang pwedeng answer.
"Grabe naman tong Primingliee..."
"Napaka-competitive nila."
"Nakakatakot..."
Mga usapan na mula sa mga Honor Students. Lupit talaga ng school namin. So over all sa Average, kami pa din ang nanguna. Perfect kumbaga. Tapos sa Difficult naman e sa last question... May mali kaming isa. 5 points ang nawala. Halos magwala si Nathaniel. Ganyan talaga yan. Perfectionist kasi. Si Z naman, nag-head's down nalang siya. Ako, napa-yuko nalang.
"Nakaka-inis..." Bulong ko.
"Ok lang yan, Champion naman tayo." Sabi ni Nathaniel.
"Oo nga. Ok lang... Sino pala yung nasa 1st Runner-Up at Second Runner-Up?" Tanong ko.
"BSS sa 1st Runner-Up tapos PLV yung 2nd Runner-Up." Sagot ni Z na cold.
BSS? Aba, lumalaban. First time kaya na mapasok sila sa Top 3. Mabuti na to, tama.
*****
Nandito na kami sa School at may malaking Banner sa Gate na "Welcome Back Geeks!!!" Nainis nga ako dun kasi di naman ako Geek. Natural na sa'kin ang talino. Gifted ako.
Nung pumasok kami, parang normal lang kaming student na galing sa labas ng school para kumain kahit hindi naman. Galing kami sa labas kasi ipinaglaban namin ang school. Nakaka-banas no?
BINABASA MO ANG
The Wise Girl and the Naughty Boy
Teen FictionSa Primingliee Highschool, hindi priority and tulad ni Chrisheffe. Bakit? Kasi priority ng school nila ang mga athlete. Sino nga ba si Chrisheffe? Well, siya ay ang pambato ng Primingliee Highschool sa Battle of the Brains every year. Tahimik pero...