GOTH 12: SHURIKEN

257 12 0
                                    

DAMIAN'S POV

Anong oras na di pa rin ako nakakatulog, ngayon lang kasi ako naging masaya ng sobra ng makasama ko si Keichu ehh. Nakakatawa talaga yung itsura nya kanina nung nasali kami sa contest, hindi maipinta, pero cute pa rin naman sya kahit na galit na galit, di ko tuloy maiwasang maalala yung nangyari kanina XD.

*********flashback*************

Pagkatapos naming kumanta nagpahinga kami saglit at kumain uli ng ice cream ksama daw yun sa prize, kaya di ko na tinanggihan, si Keichu naman kanina pa gustong umuwi kaso di ko hinayaang umalis gusto ko kasi syang makasama kahit saglit lang ehh..

Naka-upo kami ngayon sa dating pwesto namin dito sa Ice Cream Parlor.

"Keichu, naliligo ka ba?", pabirong tanong ko sa kanya, sarap pagtripan ehh--------pikon kasi. hahahhaha

"Oo", simpleng sagot nya parang di naasar sa tanong ko.

"Eh ba't nung buhat kita sa likod ko amoy mandirigma ka?", pang-aasar ko pa rin sa kanya.

[credits to andreachinnchinXD]

"ULUL!!! Araw-araw akong naliligo no!!! at FYIM [for your idiot mind] lagi akong gumagamit ng feminine wash !!!!", napatayong sigaw ni Keichu, nawala yata sa isip nya na maraming tao dito sa Parlor. -------- peace !!! XD

" Grabe naman yan, kelangan talagang ipangalandakan na gumagamit sya ng feminine wash", sabi nung isang matanda.

"oo nga di na sya nahiya sa boyfriend nya pa mismo sinabi", sabi naman nung isang chismosa.

Yung iba naman napaka-OA tinakpan pa nila ng kamay ang tenga ng mga batang anak nila. Nahiya tuloy si Keichu kaya umupo agad sya.

"Alis na ko", sabi nya.

"Teka pano yung couple ring?",

"Bigay mo na lang sa girlfriend mo", sabi nya.

"Wala naman akong girlfriend ehh",

"Eh di bahala ka kung anong gagawin mo dyan di ko naman kelangan yan ehh", sabi nya tapos umalis na.

"Sya nga pala, thank you sa ice cream", napangiti ako sa sinabi nya tapos umalis na talaga sya.

.

.

.

.

.

.

.

ZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzz....

****************flashback's end tulog na yung nagkwekwento*****************

KINABUKASAN.....

"GOOOOODDD MMMOOORRNNIINNGG !!", sigaw ko nang binuksan ko ang pintuan ng aming classroom. Medyo madilim dilim pa nga sa labas ehh.

"Wala pa palang tao ^ω^", nakapasok na ko sa classroom namin ng may napansin ako sa sahig.

"huh?!, naglinis ba sila kahapon bat may naiwan pang floor wax na nakapahid sa floor?, mapunasan na nga baka may makatapak at madulas pa dahil dito", kausap ko sarili ko habang kumukuha ng basahan ng mapunasan yung kumalat sa sahig, mabait ako ehh good vibes kasi . Ho ho!^o^

Sinimulan ko ng linisan yung floorwax na kumalat sa sahig, pero ng punasan ko ito parang may kakaiba 'bat parang basang basa naman tong floorwax nato? Natunaw??' sabi ko sa isip-isip ko habang patuloy pa ring pinupunasan ang sahig.

ROCK ON HIGH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon