CHAPTER 18: PARTY! PARTY! (PART I)

189 13 0
                                    

CHAPTER 18: PARTY! PARTY!


KEICHU'S POV



"CONGRATS SA LAHAT !!!", sabi ni Captain. 



"At dahil maganda ang pinakita nyo sa laban kahit nandadaya sila magkakaroon tayo ng victory party!!!, and gaganapin ito sa bahay nina Vice Captain so aasahan ko kayong lahat dun ahh ? Sa isang lingo pa ito gaganapin syempre kelangan nating antayin si Parette na makalabas sa Hospital", sabi ni Captain.



"Ahh sa bahay ko pala gaganapin ang party, infairness hindi ako informed hah?", sabi ko kay Captain.



"Vice naman, minsan lang to' pagbigyan mo na kami" paglalambing sa akin ni Captain.



" Oo nga naman Vice, para sa atin naman yun ehh, victory party daw natin sabi ni Captain, ayaw mo ba nun ??", pangongonsensya ni Kean.



"Nagayon lang din tayo magbobonding Vice!"


"Pramis di kami manggugulo Vice, mababait kami diba ??"


"Fudge !! Fine !! Subukan nyong manggulo paglilinisin ko kayo ng buong bahay, pshh.. dalhin nyo yung mga maid nyo dun, wala akong katulong dun" sabi ko sa kanila sabay alis.


"Sir ! yes sir !!", sabay salute nila, mga walanjo.


Umalis na ako sa meeting pupunta ako sa Hospital, Yes, dadalawin ko yung mukhang paa na sa sobrang shunga nagpabugbog sa kalaban. Ewan ko nga ehh, kating-kati kasi yung paa kong pumunta doon hindi ko alam kung bakit, ehh wala naman akong balak pumunta doon ehh.. Pero ngayon ko lang napansin na nakasakay na pala ako sa taxi papunta sa hospital.


Nakarating naman ako agad sa hospital then dumiretso agad ako sa Info Desk.


"Anong room po si Damian Parette?"tanong ko sa nurse sa may information desk.



"Room 418 po maam" sagot nya sakin.


Pumunta na ako sa sinabi nyang room, pagbukas ko ng pintuan tumambad sa akin ang bugbog saradong katawan ni Damian, tulog pa naman sya kaya umupo muna ako sa isa sa mga upuan doon. Nilapag ko naman na ang mga prutas kong dala sa side table nya.



Pinagmamasdan ko ang mukha nya, at di ko maiwasang hawakan ito, dinampi ko ang palad ko sa pisngi nya hanggang sa labi nya, ngayon ko lang narealize gwapo pala ang mokong na to'.



"Alam ko gwapo ako, pero wag mo kong titigan ng ganyan baka matunaw ako", sabi nya habang nakapikit na sya namang ikinagulat ko.

ROCK ON HIGH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon