GOTH 13: SHURIKEN (PART II)

255 14 0
                                    

******flashback*******

KEICHU'S POV

6 O'clock pa lang ng umaga nasa school na ko. Di kasi ako makatulog kaya maaga akong nag-ayos, kumuha na lang ako ng chocolate sa ref ko para may makain naman ako kahit papano.

Nag-abang na ko ng jeep sa kanto malapit samin, tinatamad din kasi ako maglakad, sakto naman may dumaan agad na jeep, sabi sa inyo ehh kahit na may kotse kami mas trip ko pa ring sumakay ng jeep ehh. Bale ang posisyon ko dito sa jeep ako yung nasa pinakadulo ng jeep, sa may pwetan, oo wag ka ng magtaka may pwet talaga ang jeep, and then may katabi akong lalaki sa right side tapos may katabi syang babae, parang ganito

Me----guy----girl--------------------

"bayad po pakiabot", guy

"bayad po pakiabot", paguulit ni guy sa sinabi nya. Wala pa ring nagaabot.

"bayad po!!!", sabi nya uli. Yung babaeng katabi nya di nya pa rin pinapansin.

"Tsssss! ", kinuha ko yung pamasahe ko sa bulsa ko tapos kinuha ko rin yung pamasahe nung guy.

" bayad oh !!", sigaw ko, gulat naman silang lahat tapos binato ko paharap yung pamasahe namin. Bahala na yung matamaan.

"di mo naman kailangang ibato ahh ?", passenger 1.

"aist! Oo nga napakawalang manners mo naman!", sabi nung katabing babae ni guy.

" wow kung makapagsalita kayo parang meron kayong manners ahh, kanina pa pinapaabot ni kuyang katabi mo yung bayad nya di mo abutin ??! Ikaw miss, kung makaarte ka kala mo chicks ka, wag kang pachicks hindi ka chicks mukha kang hipon na ginawang tempura sa dami ng harina, next time pag di mo pa inabot yung mga pamasahe namin ibabato ko na sa mukha mo !!", sabi ko sa kanya. Si guy naman nakatingin lang, yung ibang pasahero nakatingin lang din. Yung iba naman nagbubulungan na.

" aba't!!---------", girl.

"manong para !!", duet na sabi namin ni koya, yung katabi ko.

Ngayon ko lang napansin pareho pala kami ng uniform, sa J.U din pala sya nag-aaral. Hindi naman sa nakapalda din sya kundi nakauniporme sya ng pang-JU.

"cool!!!", sabi nung guy.

"Tssss", yan lang reaction ko, tapos inunahan ko na syang maglakad, dahil maaga pa pumunta muna ako sa tambayan ko sa may puno malapit sa classroom, nung nasa taas na ako pakiramdam ko may nagmamasid sakin, wala pang akong 5 minuto sa pagkakahiga sa sanga ng puno may nagpa-ulan na sakin ng shuriken, tama shuriken nga. Di ko na nagawang iwasan ang mga yon, dahil di ko inaasahang gagawin nila yun sakin.

"FUDGE!!! May tama ako sa tagiliran, putek ! Anlaki pa ng shuriken na ginamit nila," sabi ko tapos tumalon na ako papasok ng classroom, para makaiwas ay nagtago muna ako sa may shelf, hindi ako makalaban dahil nga may tama ako kailangan ko munang umiwas, sa lalim ng pagkakabaon ng shuriken di ko kayang tanggalin ito ng ako lang, nanghihina na rin ako, andami ng dugong nawala saken.

Makalipas ng 10 minuto may narinig akong yapak ng taong papasok dito sa room, gustuhin ko mang umiwas at magtago pa, di ko na kaya hinang-hina na ako, naramdaman ko lang na niyugyog nya ako at binuhat tapos.......

*******blackout******
*******flashback's end********

"Hmmmmm", kagigising ko lang half close pa ang mga mata ko, 'nasaan kaya ako, di naman to hospital di rin naman clinic ng school', minulat ko na ng maayos ang mga mata ko.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!", sigaw ko. Sinong di mapapasigaw kung mukhang paa agad ang makikita mo? Si mukhang paa naman natumba pa sa sahig, nagulat yata sa pagkakasigaw ko.

ROCK ON HIGH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon