CHAPTER 20: FRIENDS??
DAMIAN'S POV
Pagkatapos ng party nagsi-uwian na agad sila, naiwan naman yung mga kaibigan ni Keichu at ako dito sa bahay niya para mabantayan siya. Kinabahan talaga ako kanina, sa tanang ng buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito, do I really love this girl ?
Yung mga kaibigan niya naman sa lapag na natulog may extra foam naman sina Keichi dito ehh. Kahit na nga daw creepy 'tong room ni Keichu pinilit pa rin nilang matulog dito ehh.. What a weird girl, sa movie lang ako nakakakita na ginagawa nilang higaan yung kabaong ahh. Tapos yung mga decorations niya sobrang creepy din, maraming mga fake na paniki may nakasabit na skeleton. My gawd, kwarto ba talaga to ng isang babae??
Pagod na pagod pala siya kanina kaya siya pinulikat, sabi ni yaya Riza dalawa lang daw silang naglinis ng bahay nila kanina. Buti na lang sa kanya lang ako nakatingin ng mga sandaling 'yon. This girl she's really driving me crazy, gising ako magdamag para bantayan siya. Alas-tres na pala ng madaling araw, di pa ako natutulog, well, chineck ko muna kung komportable siya okay naman di naman siya galaw ng galaw tsaka humihinga pa naman siya eh. Natulog na ako sa tabi niya antok na antok na ako ehh..
"Gisingin mo na kasi!!"
"Ako pa talaga? Bahala kayo dyan, basta magluluto na lang ako sa baba, nakakahiya kasi sa mga bwisita ko ehh," –Keichu.
"Pero sisteret?? Wala ka bang awa kay Damian? Binantayan ka kaya niya magdamag," –Yuki.
"Bakit? Sinabi ko bang bantayan niya ako?" stubborn as ever, Keichu.
Nagising ako dahil sa pag-uusap nila, minulat ko naman ang mga mata ko, andito pa rin ako sa pwesto ko kanina sa tabi ng kama ni Keichu at nakaubob dito. Ngunit may nakalagay ng kumot sa akin, si Keichu kaya gumawa nito? Napangiti na lang ako sa iniisip ko.
"Ohh gising na pala siya ehh," sabi ni Yuri.
"Ohh Fafa Damian, magritwual ka na dyan ahh? Pagkatapos mo dyan gumora ka sa baba at magbreabreakfast na daw tayo," sabi ni Yuki.
"Sure!" sabi ko.
At dahil boy scout ako, may dala lagi akong extra clothes naligo na ako sa shower room ni Keichu. Na puro black and white na titles, nakakatakot siguro dito pag gabi. After kong naligo lumabas na ko, baka pag naabutan ako ni Yuki na nakatapis lang marape pa ako ng di na oras. Nilibot ko ang mga mata ko sa kwarto ni Keichu, napakaganda nito kahit medyo creepy. Nabaling naman ang mga mata ko sa mga pictures niya sa ibabaw ng cabinets niya, pictures niya simula ng bata siya at parents niya yata 'to may katandaan kasi yung mga itsura nila ehh.
BINABASA MO ANG
ROCK ON HIGH!
Teen Fiction"GOTHIC"- yan ang tawag sa kanya. Laging nakasuot ng kulay itim na damit, lahat yata ng gamit nya itim. Maging kuko, eyeliner at lipstick itim. Kabaong na lng kulang -- de joke lang. yan si Keichu Ryuzaki half filipino half japanese. Isang tahim...