DAMIAN'S POV
Andito na kaming lahat sa classroom si Sr. Reiner na lang ang hinihintay, nung padating na sya si Keichu naman yung lumabas, di ko pa sya kinakausap mula kaninang dumating ako nakaka-asiwa kasi ehh. Napakamisteryosa nya talaga, yung kwintas nyang black rose kanina ko pa pinagmamasdan ng di nya napapansin, di ko muna ibabalik ito hangga't di ko nalalaman ang misteryo sa likod ng pagkatao ni Keichu at ng itim na rosas na to.
Sinundan ko si Keichu nung lumabas sya ng classroom ng di napapansin ni Sr. Reiner, Lols nakalimutan nyo yatang champion ako ng National Olympic Game, h oho kaya may sa-ninja ako oha! Oha! Nakita ko si Keichu papunta sa garden as usual sa tambayan nya san pa nga ba pupunta yang babaeng yan kundi sa may mga puno, dalawa lang naman puno ditto sa school ehh , sa garden tapos sa tabi ng classroom naming kung saan daw natamaan ng shuriken si Keichu parang unggoy lang na nakawala sa ZOO at naghahanap ng punong maakyatan. De joke lang haha. Anyways, ayun nandoon nanaman sya sa taas nakahiga, nasa ulo ang isa nyang kamay habang nakikinig ng music at naghu-hum, mapicturan nga.
Kinuha ko cellphone ko sa bulsa ko tapos pinicturan ko sya sa iba'y ibang anggulo, parang nasa photoshoot lang. Haha.
"Staring and stalking is rude you know, hanggang kelan mo ko tititigan at pipicturan ?", sabi ni Keichu na nasa ganong ayos pa rin.
" Patay! Ah ehh, di naman kita pinipicturan ahh? Tsaka pano mo nalamang nandito ako?", pagtatanggi ko sa kanya.
"Sadyang malakas lang ang radar ko pag mukhang paa ang mga lumalapit sakin", sabi nya tapos nagre-ready ng tumalon, aalis na yata sya.
" Sabihin mo lang pogi alert yang nararamhdaman mo, hahaha", tumatawang sabi ko.
"Go away", cold na sabi ni Keichu. Ba't parang ang creepy nya nung sinabi nya yun parang sobrang emotionless. Para tuloy tinusok ng karayom ang dibdib ko.
KEICHU'S POV
Andito ako sa tambayan ko ngayon, kahit na nakaheadphones ako at nakatakip ang mga mata ko ramdam kong may nagmamasid sakin, syempre alam ko ng si mukhang paa lang naman ang taong yun, nakalimutan ko mang sabihin na malakas ang pakiramdam ko kung si mukhang paa ang lumalapit sakin, di ko alam kung bakit, kung baga sa mga hayop instinct na nila yun.
Di ko rin alam kung bakit pag si Damian ang lumalapit parang gumagaan ang pakiramdam ko.
"Go away", ewan ko kung bakit yan ang nasabi ko sa kanya using my usual voice and expression. Isa lang naman ang gusto ko yung ang hindi mapalapit sa kanya, I just don't want history repeats itself. Dahil sa pangyayaring yun ayaw ko ng mapalapit pa sa mga tao ngayon,
Tila naging bato sya sa mga katagang lumabas sa bibig ko at parang naramdaman din nya ang tension na bumabalot sa mga katagang yon.
Pagkatapos ng pangyayari sa garden di na uli ako kinulit ni mukhang paa na syang nakakapanibago, para bang this past few days nasanay akong nangungulit lagi sya. Ngunit sinawalang bahala ko na lang iyon sa halip ay bumalik na ko sa classroom. Second subject na at kaaalis lang ni Sr Reiner, dumiretso naman ako sa upuan ko.
"Keichu!", tawag sakin ni Princess Yuri
(Para di magkalituhan ilalagay ko na lang yung buong pangalan ng kambal, si PRINCESS YURI po ang babae at PRINCE YUKI naman po ang lalakiJ)
"oh", wala sa mood na sagot ko.
"shopping tayo mamaya? Sama natin si Sab?", sabi ni Princess Yuri.
"Ayoko", sabi ko tapos nahagip ng mata ko si Damian sa labas na may kausap na magandang babae at mukhang nagkakatuwaan sila. Feeling ko naiinis ako sa nakikita ko, na parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko na nagdudulot ng sakit.
"HUY??!!", pagpupukaw atensyon na sabi ni Princess Yuri. " ba't natulala ka ka dyan? Ano bang tinitingnan mo ?", usisa ni Princess Yuri sakin, tapos sinundan nya ng tingin yung tinitingnan ko kanina. " Teka diba si Da---", naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang speaker ng buong school.
*DING*DONG*DING*DONG*
" ANNOUNCEMENT EVERYONE! ALL TAEKWANDO MEMBER'S PLEASE PROCEED TO THE TRAINING ROOM WITH YOUR TRAINING CLOTHES! THANK YOU !", sabi ng announcer. Thank God ! halata bang iniiwasan ko yung sasabihin ni Princess Yuri.
"Sige una na muna ako", sabi ko sa kanya tapos nagmadali na kong lumabas.
"SAGLIT LANG KEICHU!", sigaw ni Princess Yuri saken kaso di ko na pinansin.
Sa unang pagkakataon na nagging fourth year High School ako nagkaroon na rin kami ng training. Nababagot rin naman akong mag-aral kaya buti na lang talaga magpapatraining sila. Taekwando rin ang stress reliever ko kaya kawawa naman yung taong makakasparring ko ngayon. Ho! Ho! Ho! J. Nagpalit na ko ng damit ko tapos nag-indian seat na ako sa may training room habang inaantay ko ang ibang member naming. Nagsidatingan naman na sila pati si Captain Jack Sparrow dumating na rin kasama ang black pearl, de joke lang sya si Captain Roy tapos pumunta na sa harap may sasabihin yata.
" Hi guys! Ako nga pala siRoy Buenavista ng inyong Captain, pinatawag ko kayong lahat ditto para ipaalam sa inyo na may TOURNAMENT tayo sa SEPTEMBER 2015 so sa dalawa at kalahating bwuan kelangan nating magtraining napakahalaga nito sa school natin at sa TAEKWANDO club dahil pipili sila ng limang taekwando player, I mean ang limang player na mananalo ay siyang maglalaro sa ASIAN GAMES kaya thrice a week may training tayo siguro M.W.F na lang, 5-6 o'clock A.M - jogging , tapos pagkatapos ng klase nyo 4-7 P.M training, endurance and sparring. Okay ba?", sabi ni Captain Roy.
"YES CAPTAIN!", sigaw nilang lahat.
" syempre bago magtraining, lahat ng bago kelangan munang magpakilala". Sabi ni captain.
Nagsitayuan naman na lahat ng bago at pumunta na sa harap tapos nagpakilala na, ang traditional way nang pagpapakilala dapat ng mga taekwando players ay sasabihin ang pangalan at age tapos mag-bobow sa harap. Ganun pa man inumpisahan na nila ang pagpapakilala.
"Tristan Rivera! 18 years old captain!", sigaw ng nauna at nag-bow. Teka parang familiar tong lalaking to ahh? Di ko lang maalala kung saan...... isip........ isip......isip..... --------- ahah! Alam ko na sya yung walang hiyang nagbato sakin ng bola. HO! HO! HO! You're a dead meat boy !!-- sabi ko sa isip-isip ko.
===========================>>>>>>> to be continued...... XD
BINABASA MO ANG
ROCK ON HIGH!
Teen Fiction"GOTHIC"- yan ang tawag sa kanya. Laging nakasuot ng kulay itim na damit, lahat yata ng gamit nya itim. Maging kuko, eyeliner at lipstick itim. Kabaong na lng kulang -- de joke lang. yan si Keichu Ryuzaki half filipino half japanese. Isang tahim...