CHAPTER 19: PARTY ! PARTY ! II

180 15 0
                                    

at dahil birthday ko kahapon maguupdate ako :)))

CHAPTER 19: PARTY! PARTY! (PART II)



DAMIAN'S POV



Andito pa lang ako sa bahay namin, nagreready na para sa gaganaping Victory Party daw namin, nahihiya nga ako ehh dapat nga wala ako dun ehh.. Ehh pano natalo ako, kung di lang dahil sa mga kasama ko baka di pa kami pumasok sa finals ehh. Lalo na kay Keichu, balita ko nga nagkabali-bali yung buto ng kalaban niya ehh.



Nakabihis na ako pero di pa ako umaalis, hindi ko din alam sasabihin ko sa kanila, kay Keichu, sa bahay pa niya gaganapin yung Party. Ano kayang dadalhin ko?? Flowers ? Ano nmang flowers ? Bouquet ?? Pero ayaw nun sa flower na ganun, gusto nya yata black ehh. Ahh alam ko na, hinawakan ko yung nakasabit sa leeg ko.

Tama, yung kwintas ni Keichu ibabalik ko sa kanya, tapos mag-oorder na lang ako sa Mcdo, yung maramihan, siguradong matutuwa yung mga loko.



After kong mag-order sa mcdo, deretso na ako sa garahe sumakay na ko sa kotse naming andito na rin si manong, yung driver naming, bawal pa ko magdrive ehh .. Hoho.. Nasa kalagitnaan kami ng daan patungo kina Keichu ng di ko maiwasan ang kabahan, nahihiya kasi talaga ako ehh. Syet ! Nakakabakla ang putek !



Tumigil na kami sa binigay nilang address, pinagmasdan ko ang bahay na katapat naming ngayon, napakalaki naman ng bahay na to para sa isang tao lang, samahan ko na lang kaya si Keichu para hindi siya nagiisa dito ? Hihihi. Syet ! ang landi ko ..



*DING DONG* DING DONG*



Nagdoorbell na ako, pinagbuksan naman ako ng pinto ni Prince Yuki, T^T Lord, wag po sana akong magahasa ng maaga ang masama bakla pa !! Gusto ko si Keichu lang gagawa nun ! Demanding ba ?? hehehe sorry naman.



"Yehey ! Andito na si Papa Damian guys !!!" sigaw ni Prince Yuki.



" Nice Bro ! You made it !!" sabi ni Captain tapos umakbay sa akin.



"Oo nga Captain ehh ." sabi ko, habang hinahanap ng mga mata ko si Keichu.



" Kala nga namin tinuluyan ka nan i Blake ehh.. Hahaha" sabi ni Edward.



"Lul ! Asa kayong matutuluyan yan mas masama pa yan sa masamang damo ehh ! Hahahaha ", sabi ni Tristan habang kumakain ng BBQ.



" Loko kayo ahh ? Wala pa ba yung inorder ko ?? wala pa bang nagdedeliever ??", tanong ko sa kanila.



"Ano ba inorder mo pre?" tanong ni Tristan sakin.



"Nag-order ako sa mcdo ehh, wala pa ba ?"



" Ayown ehh !!! Kaya mahal na mahal ka namin bro ehh !!! " pambobola pa ng mga gago.



" Wala pa naman pre, baka mamaya maya pa yun ! Tara muna sa may pool andun na rin yung iba si Vice andun na rin, nag-iihaw sila ni Kean", sabi ni Captain.



Pumunta naman kami sa may pool, nagkakasayahan na yung iba doon, naglalaro yung iba sa pool yung mga babae naman andun sa may gilid fumufood trip, nakita ko naman si Keichu at Kean na nag-iihaw mukhang nagkakasayahan din sila doon ahh, nagtatawanan kasi sila na di ko magawa kay Keichu, sumasama ang timpla ng mukha ko pag napapadako ang mata ko doon.



*DING DONG* DING DONG*



Andyan na yata yung order namin. Pinuntahan ko na yung door para kunin yung order ko, pagkahawak ko ng door knob di ko napansing aabutin din ni Keichu yung pito para buksan ang nangyari kamay ko yung nahawakan nya. Parang may kuryenteng bumalot sa kamay ko ngayon habang hawak nya, *silence* napapitlag kami ng nagdoorbell uli. Tinanggal naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko.



ROCK ON HIGH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon