GOTH 27: BATTLE OF THE BANDS
DAMIAN'S POV
Nandito lahat kami sa classroom, may announcement daw kasi ang Adviser namin sabi ni President. Si Keichu hindi pumasok, bakit kaya? kanina ko pa siya tinatawagan at tinetextan di naman niya sinasagot lahat ng tawag at text ko. Nakaupo ako ngayon sa chair habang kinakalikot tong phone ko, wala rin lang naman kaming klase ngayon di ko alam kung bakit.
"Ahem! Ahem!, may good news ako sa inyo guys!", sabi ng kapapasok naming Adviser.
Yung iba parang excited sa sasabihing announcement ni ma'am, ano naman kaya yun?
"Dude! May alam ka ba sa iaannounce ni ma'am ?", tanong ni Ed.
"Ma at Pa.", wala sa mood kong sagot sa kanya at tinuon ko muli ang aking pansin sa cellphone ko, nag-aalala lang kasi ako kay Keichu.
"Huh?"
"MAlay ko, PAkealam ko", ayun nganga si Ed, wag nya muna akong istorbohin ngayon beastmode ako.
"Taray mo teh! Suplada! Kala mo kung kagandahan ! Hmmpp!", nagbabaklaan ang gago, tumawa pa tuloy yung mga katabi namin dito buti na lang di narinig ni Ma'am.
"OKAY CLASS!!! Tomorrow night will be the BATTLE OF THE BANDS, syempre yung nandito lang sa School, bawal ang outsiders okay ? so be ready, lahat ng sasali ilagay nyo sa 1/4 paper ang mga pangalan nyo at pangalan ng band niyo pagkatapos ibigay nyo sa School President ninyo, clear?"
"Crystal Ma'am!",
Sali kaya kami? Txt ko na lang muna sina Tristan.
TO TRISTAN:
Dude, sali tayo sa BOTB ?
text ko sa kanya, si Keichu kaya ? sasali din kaya sila ? Namimiss ko na marinig ang boses niya, naalala nyo pa nung kumanta siya ng The Only Exception? Yun un, ang galing niya diba ?
*teeettttttt*
FROM TRISTAN:
Sure bro, basta ikaw pa rin ang vocalist at lead guitar .. Sabihin ko na rin sa mga kasama ko.
reply ni Tristan, bahala na siya sa ibang kasama namin, hehe.
SABRINA'S POV
Hi! Now lang uli nagka-POV :) Anyway, sabi ni ma'am we're going to have Battle of the Bands daw, I wonder kung sasali sina Keichu, hmmmm.. Pano if were going to sali kaya? I know how to play bass naman ehh, and I know Keichu knows how to sing and play guitar. I'll ask na lang the twins later. For now I'm going to flirt my Labidabs muna :).
BINABASA MO ANG
ROCK ON HIGH!
Teen Fiction"GOTHIC"- yan ang tawag sa kanya. Laging nakasuot ng kulay itim na damit, lahat yata ng gamit nya itim. Maging kuko, eyeliner at lipstick itim. Kabaong na lng kulang -- de joke lang. yan si Keichu Ryuzaki half filipino half japanese. Isang tahim...