Chapter 16

1.1K 39 0
                                    

Flash Back

Deanna

Simula ng nakausap ko si mom at dad napagisip isip ko na tama naman sila kaylangan ko magpakatatag.

Kaya pumayag ako sa gusto nila na sa america na ipagpatuloy ang aking pagaaral at the same time tulungan din ang mga magulang ko sa business nila sa america.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga restaurant namin sa bgc kakausapin ko ang mga kaibigan ko para magpaalam sakanila sa naging desisyon ko.

bakit deanna biglaan ata - ponggay

siguro mas mapapaayos ang buhay ko dun.

pero deans pano pagaaral mo pano ang paglalaro mo. - bea

ate bea dun ko na itutuloy ang pagaaral ko sa america and tungkol sa paglalaro kakalimutan ko na yun at kailagan ko rin tulungan sila dad sa iba naming business.

dahil ba ito kay jema(pagalit na sabi ni ponggay)

pongs isa din yan sa rason ko.

ano ba talaga ang nangyari sanyo deans. - maddie

ate maddie ako ang nag kulang huwag nyo sisihin si jema dahil naging busy ako sa trabaho.

yan ba talaga ang dahilan - bea

oo ate bea yun lang ang dahilan. Pede ba ako magrequest sanyo bantayan niyo si jema.

deans kung yun lang ang naging problema nyo bakit hindi nyo pagusapan ipaliwanag mo sakanya maiintindihan ka nun. - ate jia

Hindi na siguro ate jia makakabuti rin naman ang gagawin ko para samin para mag grow kami as individual.

Kung yan ang desisyon mo eh sino ba kami para pigilan ka basta tandaan mo kahit na malayo ka nandito kami pag may problema ka. - ate jia

oo tama si ate jia isang tawag mo lang sasagot kami. - ate bea

alagaan mo sarili mo ha. - ate maddie

yes salamat sanyo. mahal ko kayo hahaa

Pero napansin ko si ponggay na hindi na niniwala sa rason ko kung bakit ako pupunta ng america dahil alam namn niya ang rason.

Tapos na kami kumain at magbonding ng mga kaibigan ko. At umuwi na sila pero si ponggay ng paiwan.

Deans magusap nga tayo . - ponggay

sigue pongs anu ba paguusapan natin.

alam mo at alam ko ang dahilan deans ng bigla mong pagalis. - ponggay

pakiusap huwag mo sabihin sa kanila ang totoo ayaw ko na magalit sila kay jema.

puro kana lang jema deans lalabas at lalabas din ang katotohanan lalo na pag nakikita nila si jema at fhen na magkasama.( pagalit na sambit ni ponggay)

kung lumabas man makakagawa naman sila ng irarason nila. Hindi ko na naiisip yun pongs. Sa ngayon gusto ko ng huminga hirap na hirap na ako at eto lang ang makakatulong sakin para bumawi ang lumayo. Dahil pag lagi ko makikita si jema o pag nakita ko sila ni jema na masaya nasasaktan lang ako.

deans pasensya na ayaw lang kita nakikita na ganyan. Kung san ka magiging ok dun ako. Basta lagi mo tandaan nandito ako at kaming mga kaibigan mo. Hiling ko na sana sa pagalis mo makalimutan mo na siya.

oo pongs yan ang gagawin ko. salamat at lagi kang nandyan para sakin.

at nagyakapan kami ni ponggs. Sobra ako nagpapasalamat sa taong eto.

Dean

Eto ang araw na papunta na kami sa america naayos ko na lahat para samin.

Deanna anak ok naba lahat ng gamit mo.

opo dad ok na po. - deanna

Anak salamat at pumayag ka sa desisyon namin ng mom mo. Alam ko masakit parin ang nangyari sanyo ni jema pero sana paglapag natin sa america kalimutan mo na lahat ng sakit na naranasan mo dito.

yes po dad at salamat dahil nandyan po kayo para sakin. Huwag na po kayo magalala sakin tatandaan ko po yung sinabi nyo sakin. Babawi po ako sanyo ni mom love you dad.

Mahal din kita anak.

Isang linggo na kami dito sa america at nakikita ko na unti unting bumabangon si deanna. Pinakilala ko narin siya dito sa mga business partner ko at nilibot ko rin siya sa mga business namin dito sa amerika para kahit papaano ay matutunan nya ang pamamalagad sa negosyo namin dito.

Dean masaya ako dahil nakikita kong ngumingiti ang ating anak. Salamat dahil naisip mo ito. - judin

Wala yun judin para sa anak natin ito kaya ko ginagawa ito. Masaya din ako dahil nagkakaroon din tayo ng bonding magpamilya.

kaya nga dean. Kaya mahal na mahal kita kasi lahat ginagawa mo samin.

Syempre para sanyo ito ang swerte ko din dahil ikaw ang minahal ko ang ganda na at sexy pa. love you

Sabay hampas sa braso sakin ni judin dahil sa sinabi ko.

End of Flash back

Jema

Sa 3 buwan namin magkarelasyon ni fhen napapansin ko na sobrang selosa nya. Muntikan narin nya ako saktan buti na lang biglang dumating sila celine sa apartment ko.

Minsan naisip ko tama ba ang ginawa ko tama ba na iniwan ko yung tao na sobra akong minahal at yung tao na hindi ako kayang saktan.

Nalilito na ako namimiss ko si deanna minsan naikukumpara ko na si fhen at deanna minsan pag kasama ko si fhen bigla ko na lang maaalala si deanna.

Nandito ako ngayon sa garden namin ng biglang tumabi sakin si mafe.

ate kamusta ka naman. - mafe

Ok naman ako bakit mo na itanong

kasi ate nakikita ko na parang iba ang kinikilos mo may gumugulo ba sa isip mo. - mafe

Mafe masama ba akong tao kasi nasaktan ko yung isang tao na nagmahal sakin ng lubusan.

si ate deanna ba ito?. sa totoo lang ate nung nalaman ko na niloko mo si ate deans nagalit ako sayo kasi napakabait ni ate deans at nakikita ko na lahat gagawin ni ate deans para sumaya ka lang. Pero hindi din kita masisi nagmahal ka lang huwag mo din sisihin ang  sarili mo ate alam ko naman na minahal mo din siya yun nga lang bumalik yung pagmamahal mo kay ate fhen. Masaya ka naman siguro kay ate fhen ngayon? - mafe

Hindi ko alam naguguluhan narin ako masyado na ako nasasakal kay fhen napakaselosa nya kahit na kasama ko sila kyla iniisip nya may kasama akong iba hindi ko lng siya mareplyan sasabihin niya may kausap or ktx ako.Hindi ko alam.

Ate alam mo mas maganda mo gawin magisip kang mabuti humingi k muna space kay ate fhen.

Sa tingin mo papayag siya baka saktan n niya ako ng tuluyan. Nagulat ako sa sinabi ko nadulas n ako kay mafe.

Ano ate sinaktan ka ni ate fhen ? kylan pa? kylangan malaman nila papa ito.(pagalit n sabi ni mafe)

Mafe plss huwag mo sabihin kyla papa yaan mong ako umayos nito. kylangan ko muna siguro pagisipan ng mabuti ngayon dahil dati padalos dalos ako ng desisyon.

Basta ate nandito lang kami at magsabi ka pag tatangkain ka ulit sakqtan ni ate fhen. - mafe

oo mafe salamat ha at may napagsabihan ako ng problema ko.

Wala yun ano pa naging magkapatid tayo.

Third person

Makalipas ng 1 taon nakilala si deanna sa pagiging isang batang sikat na negosyante laman sya ng iba't ibang magazine. Habang si jema nagsisi dahil sa nagawa niya kay deanna at gusto niya itong bawiin..

Akin ka na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon