Jema
Nandito kami ngayon sa boracay. Nagkayayaan kaming magkakaibigan para naman daw maipasyal namin mga babies namin.
mommy swim kami dun ni dada. - dean mark
Sigue anak nandun pa dada mo nagbubuhat pa ng gamit natin. Mamaya magsasawa ka kakaswim
yehey swim ato maya. - dean mark
Nakakawala ng pagod kung yung anak mo nakikita mong masaya.
Hayss anak huwag ka muna sana lumaki ng bilis at nanggigil pa si mommy sayo.
Alay mommy kiliti ato eh. ahahahahaha - dean mark
Ahahaha cute mo kasi anak eh.
Ahmmm syempre mana kay dada diba dean mark. - deanna
Tyempre dada podi tayo dalawa diba mommy. - dean mark
Oo na pogi na kayong dalawa. o deanna nagaaya na anak mo magswim samahan muna at tutulungan ko na sila ate jia maghanda ng lunch.
Yes mahal kong baby ako na bahala sa pogi nating anak. - deanna
Sabay halik sakin ni deanna sa lips. At naghabulan na silang dalawa. Hayys si deanna na talaga isip bata parin aahahah..
Deanna
Anak oh bilis magagawa na castle natin.
yes dada danda gawa natin. - dean mark
Syempre naman anak tayong dalawa ang gumawa eh. Pagtapos natin dito picturan ka ni dada ah.
Opo dada. - dean mark
At kinuhanan ko na ang aking anak. Galing magpose pede ng model. Cute cute talaga ng anak namin.
B tara na tama na yan kumain muna kayo dito. - jema
Oo b sunod na kami.
O anak tara na kakain na tayo. Kung sino unang makapunta kay mommy may premyo.
tige tige dada. - dean mark
1 2 3 go..
Ahahah iyak ng iyak si dean mark kaai mas nauna akong nakarating kay jema. Nakatanggap ako ng batok kay jema habang yung mga kaibigan namin pingtawanan ako pati ba naman daw anak ko competative ako..ahahah
Tama na anak hindi natin bati sindada mo tayo na lang magswim mamaya. - jema
Anak pansinin mo namn ako sorry na. Mamaya may ibibigay ako sayo.
Hindi kita lab dada. Tami ni mommy na lang laro duga mo ato eh. - dean mark
Hindi anak galing mo nga eh pag naging big boy kana matatalo muna si dada. Bati na tayo plss anak
Yan yan ang napapala mo pati anak mo pinapatulan mo. - jema
kaya nga nagsosorry na eh. Tulungan mo kaya ako para magbati na kami.
Bahala ka dyan ikaw magsuyo sa anak mo.
Anak tara may ibibigay si dada sayo.
Ayaw to. - dean mark
Tumayo ako at pumunta sa kwarto namin. Alam ko na kung pano kami magbabati ng anak ko ahaha. Pagbalik ko bigla ko pinakita yung mga chocolates sakanya.
Anak oh para sayo bati na ba tayo.
Dada opo bati tayo. open po. - dean mark
Naku deanna ang bilis makuha loob ng anak ah mana talaga sayo. - jema
Syempre ahahaha ako pa ba.
Anak tara dun na tayo sa kwarto para dun mo na kainin yan at makain ko rin mommy mo ay este makapagpahinga na tayo.
Nakatanggap ako ng hampas sa braso mula kay jema.
Ikaw puro ka kalokohan. - jema
Ano kain mo mommy eh di wala na ato mommy. - dean mark
Hindi anak papakainin din akonni mommy mo niya chocolate yun ang ibig kung sabihin.
Sus deanna palusot. com ka..ahahah - bea
Tara na b at dean mark may umepal na wala kasi love life.
Lol sigue na magkainan na kayo ni jema ay este magpahinga na kayo. -
beaBinulungan ko si jema kung pede makaisa. Tapos lumapit sya sakin sabay pingot ng tenga ko kala ko makakaisa na eh..ahahah
Jema
Puro talaga kalukuhan itong si deanna pati sa harap ng anak namin kung ano ano pinagsasabi.
Nakatulog na si dean mark. Kaya kami ni deanna naglakad lakad sa dagat. Nakakita kami ng bato at dun kami umupo.
Grabe noh parang kailan lang maraming pagsubok na dumating satin pero eto tayo ngayon masaya at may dean mark pang nadagdag. - deanna
oo nga b eh gusto ko lang magpasalamat sayo dahil hindi ka sumuko.
Never akong susuko b kasi sobra kitang mahal siguro may mga desisyon tayo na hindi natin napagisipang mabuti pero aral natin satin yun. - deanna
Kaya nga b sorry sa lahat ng nagawa ko sayong mali.
Huwag kang magsorry b tapos na yun sa ngayon ang isipin natin eh yung mga susunod na darating satin kasama si dean mark. - deanna
B sana hindi ka magsawa sakin. Basta lagi mo tandaan na mahal na mahal kita. At kahit anong pagsubok na dumating satin magpakatatag tayo.
Oo b hinding hindi ako magsasawa sayo. At salamat dahil minahal mo ako kahit na parehas tayong babae. - deanna
B wala naman sa kasarian yan eh. Hindi ka man tunay na lalaki. At kahit marami manghusga satin. Hindi nila matatapatan yung pagaalaga at pagmamahal mo samin ni dean mark. Kahit na pagod kana sa trabaho nakukuha mo paring magkatime samin at laking pasasalamat ko sayo dun.
Salamt b. Basta b kahit anung mangyari tayo parin sa dulo at habang buhay tayo magmamahalan. - deanna
Pangako b mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko.
Dati sinasabi at dinadasal ko lang na sana "AKIN KA NA LANG". At ngayon akin kana talaga. Mahal na mahal kita jema kayo ni dean mark. - deanna
At mahal na mahal din kita deanna kayo ni dean mark.
At naghalikan kaming dalawa. Tanda ng aming pagmamahalan.
Third person
Dito na nagwawakas ang pagmamahalan nila deanna at jema. Kahit na maraming pagsubok ang dumating sakanila ay naging matatag sila. At ngayon ay masaya na nga silang namumuhay kasama ang anak nila na si dean mark.
- 😄😄😄 -