Deanna
Nandito na ako sa airport hinihintay si ponggay siya kasi magsusundo sakin. Namiss daw niya ako kaya siya na ang nagpresinta.
Pongs san kana nandito na ako.
Deans wait malapit na. Natraffic kasi ako eh.- ponggay
Dapat kasi mas maaga ka umalis.
Tingin sa kaliwa nandito na ako. Galit agad. - ponggay
Naglakad ako sa kinaroroonan ng sasakyan ni ponggay. Nakatanggap ako ng mahigpit na yakap mula sa kanya.
Namiss kita sobra deans. - ponggay
Namiss din kita. Ano tara na.
Tara tulungan na kita dyan sa bagahe mo. - ponggay
Papunta kami ngayon sa condo ko. Si ponggay lahat nag asikaso at naghanap ng titirhan ko kasi magstay na ako dito for good. Kaya tuwang tuwa lahat ng mga kaibigan ko.
So kamusta na siya.
Deans sa nakikita naman namin masaya na siya. - ponggay
Babawiin ko siya pongs.
Deans pano kung ayaw na niya. Pano kung nakamove on na siya sayo. Pano kung mahal na niya talaga si jv. - ponggay
Pongs alam naman nating lahat na plano itong paninira nila sakin para maghiwalay kami ni jema. Oo maraming what if pero pano this time paniwalaan naman niya ako.
Deans ok kana eh ayos kana bakit ipipilit mo pa. Dba hindi ka nga niya pinakinggan. - ponggay
Pongs last na ito kung hindi talaga niya ako pakikinggan magiging masaya ako para sakanya kahit alam ko na wala akong ginawang mali.
Deans sana nga pakinggan kana niya. At sana deans huwag ng ipilit pa kung ayaw na niya talaga.- ponggay
Oo pongs sa ngayon kaylangan ko siyang makausap. Pongs pede ba na dalhin mo ako sa bago nilang apartment. Nakausap ko naman na si mafe.
Pero deans baka pede magpahinga ka muna at ipagpabukas yan. - ponggay
Pls pongs ngayon ko na uumpisahan matagal ko na rin hinintay itong pagkakataon na ito.
Sigue wala naman akong magagawa eh. - ponggay
Nandito na kami ngayon sa bagong aparment nila jema. Nagmessage rin ako kay mafe na nandito ako sa may gate.
Ate deans kamusta na. - mafe
Ok naman andyan ba ate mo.
Wala siya umalis sila ni kuya jv. Tara pasok muna. - mafe
Pumasok ako sa apartment nila at pinaupo ako ni mafe sa may sala.
Mafe kamusta ate mo.
Ate deans ok namn si ate. - mafe
Mafe kakapalan ko na mukha ko pero gusto kung bawiin ang ate mo. Alam ko baka gumulo na naman ang sitwasyon pero may kaylangan siyang malaman.
Nagulat na lang kami ni mafe na may nagsalita sa likod namin.
Anu deans ang ginagawa mo dito at anong dapat malaman. - jema
"Je- ma" sabay tayo at yakap sakanya ng mahigpit sobra ko siyang namiss.
Ano ba deans pls umuwi kana. Jema
Jema pls pakinggan mo ako. Gusto kitang bawiin. Mahal na mahal kita 😭😭😭
Deanna matagal na tayong wala. masaya na ako ngayon bakit kailangan mo pang bumalik. - jema
Ate pakinggan mo naman si ate deans. - mafe