Jema
1 year ang nakalipas ng hiwalayan ko si deanna. Sobra akong nasaktan ng mga oras na yun nung time na may nareceived akong mga litrato at video mula saaking cp nagaling sa unknown no.
Nalaman ko din na namatay sila tita gusto ko sumama kyla ate jia nun kaso ayaw ako payagan ni john vic.
Yes bf ko na si johnvic marami nagsasabi na baka panakip butas ko lang siya pero hindi mahal ko naman siya. Siya yung tao na nandyan nung mga oras na kailangan ko ng kausap dahil ayaw ko sabihin sa mga kaibigan namin nila deanna at sa magulang/kapatid ko kung ano ba ang buong nangyari.
Flash back
Tuwing kausap ko si deanna tinatanong ko kung kylan ba siya susunod dahil namimiss ko na siya gusto ko n siyang yakapin at halikan. Ang sabi niya lang lagi malapit na.
Kakatapos lang namin magusap ni deanna ng makareceive ako ng message mula sa unknown no.
0919******2 - Jema galanza niloloko ka lang ni deanna. Alam mo ba na plano ka lang niyang gantihan. At ito ang patunay.
Nagpasa siya ng mga litrato at video kung saan nakita ko si deanna na nakasports bra at boxer short habang nakahiga samantalang si tin naman ay nakapatong kay deanna habang tinatanggal ang robe nito.
0919******2 - Hindi totong magkaibigan sila pinaniwala lang nila kayo para makaganti siya sayo. Kita naman sa video diba.
Jema - sino ka? ano pa ang nalalaman mo.
Sinubukan kung tawagan ang no. pero cannot be reach na. Humagulgol ako habang paulit ulit na tinitignan ang litrato at video nila.
Ang bababoy nyo. Kylan pa deanna kylan pa.😭😭😭
Kinabukasan kinausap ako nila ate jia na mamasyal kami. Pero hindi ako sumama sa kanila.
Jema tara sama ka samin para sulit naman bonding natin. - celine
Hindi na kayo na lang papahinga lang ako.
Jema bakit ka pla umiiyak kagabi. - kyla
Bka namiss na si deanna sobra. - pau
Yaan mo malapit na yun pumunta dito. Kaya habang wala pa si baby deans sumama ka muna samin. - jia
Hindi na po ate kayo na lang po. Masama din kasi pakiramdam ko.
Bakit mukha bang lalagnatin ka?. Naku sigue kuha lang ako gamot baka mamaya sabihin pa ni deanna na pinapabayaan ka namin. - jia
Sigue ate salamat po.
Pumasok na ako ng room namin ni kyla at doon umiiyak ulit ako. Ang sakit lang na akala ko totoo siya sakin. Kaya ba ang bilis nya din pumayag na maging kami ulit.
Isang linggo ang nakalipas at ngayong araw ang ika2 buwan namin dito. Tapos na ang pagiisip ko ito na ang time para makipaghiwalay na kay deanna. Kaya nagmessage ako sakanya na maghiwalay na kami. Sabay patay ng cp kasi alam ko na tatawag lang siya.
Buong araw ako nasa kwarto namin ni kyla. At naisipan ko ng maligo. Habang naliligo ako nakarinig ako ng katok at kausap ni kyla. Paglabas ko ng cr laking gulat ko na si deanna pala kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Lumapit siya sakin pero isang sampal ang ibinigay ko sakanya. Iyak siya ng iyak nagtatanong kung bakit. Pati sila ate jia nagtanong narin sakin. Ang sabi ko lang sakanya na isa siyang manloloko.
Lagi ako sinusuyo ni deanna pati sila ate jia ay ginagamit nya. Para saan pa tapos na ang laro deanna kung sila kaya mo pang lokohin ako hindi na.
Kaya nagmessage ako sakanya na magusap kami. Pinapunta ko siya sa rooftop. Habang hinintay ko siya nakatingin ako sa mga bituin. Ngtatanong kung bakit ako pa oo may mali ako pero siguro ito na ang karma ko.