8

99 6 0
                                    

Chapter 8

"There is something wrong here, Sir. Wala po siyang feelings sa akin dahil pinalayo niya pa po ako sa kanya, e. And he's a man yet not acting one. Sinong matinong lalaki matapos sabihan na gusto niya ako ay palalayuin niya?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"He have his reasons, hija. Confidential manners and please don't say that my son isn't a man because he definitely is." the man in a balck suit firmly said.

"I'm sorry." nakatungong paumanhin ko rito at tumayo. Hinawakan naman kaagad ni Dane ang kamay ko para pigilan ako sa akmang pag-alis ngunit hinarap ko na sina Tita Diana at Tito Zandrew. "Thank you Tita and Tito for the lunch, I'm going."

Pagkatapos kong sabihin sa kanila iyon ay marahan kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Dane at lumakad na palabas ng kanilang mansyon. Kaagad naman siyang sumunod sa akin at kahit hindi magsalita ay alam kong naiilang siya sa akin dahil sa nangyaring diskusyon namin ng ama ni Osiah.

I didn't expect him to see me just to negotiate his son's feelings towards me. Anong nasa proposal niya, ang palaguin ko ang nararamdaman ng kaniyang anak kahit ito mismo ang nagsabi na layuan ko siya. Kalokohan, ginagawa nilang biro ang nararamdaman ko sa kanya.

Dahil wala na akong ibang pupuntahan ay nagpahatid na lamang ako kay Dane sa bahay. Naalala ko nga palang pupunta kami ngayon sa mga bar upang uminom. Foundation day at nabuburyo raw sina Fhashla sa kani-kanilang bahay at kung tatanungin mo ako ay hindi ako sasama ngunit kailangan kong bantayan si Blaire.

Humiga na muna ako sa aking kama habang may hawak na libro sa aking kamay. Gusto kong magpaantok kaya magbabasa na muna ako ng mga transes ko sa Anatomy. Sobra akong napuyat sa paggawa ng research kagabi kaya kulang ang tulog ko kahit late na ako nagising kanina.

Nagbabasa na ako tungkol sa balat ng tumunog ang aking cellphone. Binalewala ko ito ngunit hindi ito natigil sa kakatunog kaya sinagot ko na ang tawag na iyon. Unregistered kaya nagtaka ako kung sino ito. Iilan lang ang may alam sa number ko na ikinadagdag sa pagtataka ko.

"Hello, who is this? How did you know my number?" kaagad kong pagtatanong sa kabilang linya.

Walang sumagot matapos ang ilang segundo kaya inalis ko sa aking tenga ang cellphone ko upang tingnan kung patuloy pa rin ang tawag at nakitang hindi pa naman napuputol kaya inilagay ko muli ito sa aking tenga at hinintay siyang magsalita.

"Sinasayang mo ang oras ko, ibababa ko na ang tawag." sabi ko rito at narinig ang mahinang pagtwag nito.

[Chill, milady. Ang init kaagad ng ulo mo.] tumawa muli siya. [This is me, Zeus.] pagpapakilala niya.

"Zeus what? Sinong Zeus ka?" I asked.

[Ouch, nakalimutan mo 'ko kaagas sa gwapo kong ito.] umakto siyang nasasaktan gamit ang baritonong boses niya. [Well, perhaps say my name again to you, Claire. I'm Zeus Valdez, 'yung lalaking nakabangga mo at binigay sayo ang bulaklak na binili ko.]

"Oh my God, I'm so sorry. Hindi kasi ako sanay na may nakakaalam ng number ko, e. Tsaka nanibago ako sa boses mo." sabi ko rito ng marahan at mabagal na naibaba ang transes na hawak ko sa sidetable ng aking kama.

Natawa siya ng marahan at sinabing 'wag na akong mag-alala pa at nagpatuloy ang aming kwentuhan. Hindi ko inaasahan na magagawa kong ngumiti sa nakakatawang biro niya ngunit gayon pa man, naalala ko muli ang naging usapan namin ng ama ni Osiah.

Masyado siyang seryoso ng banggitin niya ang nararamdaman sa akin ni Osiah kaya nasisiguro kong totoo at sinsero iyon. Ilang minuto ay nagpaalam na rin si Zeus dahil may kailangan siyang tingnan sa inaayos nilang pader sa University. naisipan lang talaga niya na tawagan ako kaya sumegwey siya ng ilang oras.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon