Chapter 4
"Tol naman, eso es grosero, no es cómo hablas con mujeres bonitas como ella." saway sa kanya ni Gab.
"Paano ba kasi, Gab. Hindi naman ako mabait at alam kong alam mo 'yon." bagot na sabi ni Osiah sa kanya.
"Just act nicely, ang ganda pa naman ni Nurse Claire." ismid sa kanya ni Gab.
Napabuntong hininga si Osiah matapos marinig iyon. Inilahad niya naman sa akin ang paperbag kaya alanganin akong ngumiti sa kanya. It was my first time receiving this kind of things from a boy.
Both of them are really nice, hindi maikakaila iyon. Masungit lang talaga si Osiah habang si Gab naman ay friendly. Nakarinig naman ako ng tilian sa likuran namin kaya nilingon ko ito. Nakita ko sina Mia at Gianne na tumatakbo palapit sa amin at nagtitili.
Tumingin naman ako pabalik kina Osiah ngunit hindi alam ni Gab ang gagawin niya. Sa huli ay tumakbo siya papunta sa isang kwarto na bakante sa ground floor at pinagsarhan ng pintuan sina Gianne. Lubos ko namang pinagtaka iyon.
Hindi ko alam ang nangyari pero nagpapadyak sa inis sina Gianne at Mia at nagpasyang umalis na. They greeted me but I just smiled back at them. Hindi ko pa matanggap at makamove on sa nangyari sa klase namin, although they weren't exactly involved.
"Artista si Gab, kaya gano'n ang reaction ng mga ka-nurse mo sa kanya pagkakakita." paliwanag ni Osiah kaya napatango ako.
"Artista pala siya, 'kala ko engineer, e. Sabi niya sa akin kahapon, engineer siya." sabi ko.
"You met last night?" taas kilay na tanong ni Osiah kaya napatango naman ako. "How?"
"Iniwan mo 'ko sa dessert stand kahapon tapos bigla siyang sumulpot kaya ayon." sagot ko naman sa kanya.
May sasabihin pa naman sana si Osiah ng marinig namin muli ang malakas na tili. Nakita ko sa peripheral view ko ang tumatakbong Charlotte kasama si Ferry sa tabi niya. Handa na sana akong umalis at pumunta sa kwartong pinasukan ni Gab pero hinawakan ni Osiah ang aking kamay.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko ito pinahalata. Unti-unti na ring nakalapit si Charlotte at agad tiningnan ang kamay kong hawak-hawak ni Osiah. Hindi naman siya nagsalita dahil basta na lamang niya hiniklas ang isa pang braso ni Osiah at pinalalupot doon ang kanyang kamay.Sakto namang bumukas ang pintuan sa kwartong pinatataguan ni Gab kaya cue ko na 'yon para umalis. Tinawag naman ako ng dalawang beses ni Osiah pero hindi ko na siya nilingon pa. Bahala na siya diyan kina Ferry at Charlotte.
Hinila ko naman ang braso ni Gab at nanlalaki ang mga mata niya ng gawin ko 'yon sa kanya. Tila hindi niya inaasahan na magmumula iyon sa akin. Hinila ko siya papasok sa ER at dahil wala namang nakadistino pang mga nurse at doctor dahil lunch break, umupo ako sa bakanteng upuan roon kung saan may lamesa at upuan.
"Sabi mo sa akin kahapon, engineer ka. Hindi naman pala." I chuckled.
"Hula ko sinabi sayo ni Matthew na artista ako, 'no? Well, pangarap ko maging Engineer dati but nawala 'yon dahil ginusto ko ng maging artista." tawa niya.
"Mmm, I think you're one of those talented actors in that field. Hindi ka naman kasi pagkakaguluhan ng ganito kung hindi ka sikat at magaling." ngiti ko rito.
"Technically, no. Hindi ako singgaling ng mga batikang artista. I only act for a few and more focus on dancing and singing." ani niya.
"Performer, nice." sabi ko.
Inilabas na naming dalawa ang nasa loob ng paperbag. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang nakahiwalay ang kanin, ulam, veggies, at fruits. May mga label rin ito kung ano ito. Natawa naman si Gab sa naging reaction ko.
BINABASA MO ANG
Prosecute The Dominance
Teen FictionAsturias Series #3 Serving with dominance to people needed a hand is her job. While his job, is to prosecute with his full audacity. No matter what happens, he will still serve the justice. But can he prove it if his love ache in the end? The love...