21

103 4 0
                                    

Chapter 21

"Mukha mo naman biyernes santo." puna ni Diego ng makarating ako sa hall.

Second day na ng seminar at mamayang gabi na rin ang auction. Hindi ko alam kung ano ang mga ipapaauction pero siguradong mananalo ako doon kapag  gusto ko talaga ang bagay na iyon na mapasakin.

"Wag ka nga, Diego." inis kong turan rito at insimiran siya.

I'm not really sociable to others pero kailangan ko dahil no'ng umaga ay sa Psychology ang aming topic. We need to socialize and know the importance of having a huge circle of folks. I met a lot of doctors who is nearly in their retiring years and same as my ages also. There's a huge difference of having a skill and having knowledge in the path.

Noon ay aaminin kong tutok ako sa pag-aaral. Kailangan kong paghusayan dahil aminin ko man o hindi, ayaw ko talagang maging doctor. I'm afraid that I will cause soemone's life in the line but then I realized that being in this kind of field, okay lang pala na maramdaman na gano'n

The pressure I was holding was big enough to make me strive harder. Dala ko ang epelyedong Manalo na kilala sa pagiging magaling sa lahat ng larangan. Everyone also known me for being my Mom's descendant on being in this field. Sikat na sikat siya at alam na alam rin ang kwento ng aming pamilya.

"Ano doc? Pagod na ba?" natatawang asar sa akin ni Kath.

"Pagod na makipagkilala." asik ko rito at tinawanan niya lang ako.

"Alam mo ikaw lang dito ang 'di masayang makipagkilala. God! Kailangan mo rin na lumandi, ang dami pa naman ditong gwapo!" giit nito sa akin at kumindat pa sa isang lalaking lumakad sa kaniyang gilid. Napailing na lamang ako.

Hindi na lang ako umimik. Nagpaalam naman akong papunta sa water dispenser sa gilid dahil nauuhaw ako. Wala akong dalang tumbler kaya naman kinailangan ko pang kumuha ng disposable cup sa medyo malayong table.

Lumakad muna ako doon at ng akmang kukunin ang pack ng cups ay may kumuha kaagad nito sa akin. Inangat ko naman ang tingin ko at napalunok ng maalala ang pamilyar na itsura niya. Nang makakuha siya ay inabutan niya kaagad ako ng cup at nginitian ng tipid.

He's been my senior during my stay at UP. Siya rin ang gumabay sa amin nina Kath sa pagpasok namin sa sikat na ospital dito sa Manila. Kahit may nangyari sa past, I just kept them aside dahil 'di naman 'yon tungkol sa amin, it was my friend and his.

"Kamusta?" bati ni Timothy sa akin at bahagyang nakangiti.

"Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ka na pagkatapos ng nangyari?" tanong ko sa kaniya at binigyan ng sinserong ngiti.

"Okay lang naman ako, lalo na at may anak na ako." ngiti nito na nagawang naitago ang pangungulila. "Sige, una na ako, ah. Tinatawag na ako ni Raphael." sabi nito at nanguna na.

Kung hindi ako nagkakamali ay halos dalawang buwan lang pagitan ng anak nila ni Atasha. Dati rati ay siya ang boto ko para sa kaibigan ko pero ang nagagawa ba naman ng panahon. Hindi lang talaga sila para sa isa't isa. 

Naglakad na rin ako papunta sa water dispenser at uminom doon. Maya-maya ay pabalik na ako sa aming upuan. Pansin ko rin na tila may tinitingnan si Kath sa paligid kaya siniko ko siya. Wala parehas sina Zendaya at diego kaya kaming dalawa lang ang natira para magbantay sa aming upuan.

Binigyan niya naman ako ng inosenteng tingin at pilit na ngiti. Kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran at kusa na rin siyang sumuko. May kiliti siya doon kaya halos marinig ng malapit sa amin ang kaniyang matitinis na tawa. Tinigilan ko na rin siya. Akala ko ay matagumpay na ako ngunit hindi niya sa akin sinabi ang dahilan niya ng pag-angat ng tingin kanina pa.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon