1

298 9 0
                                    

Chapter 1

"Dane, sandali lang!" sigaw ko sa bestfriend ko habang tumatakbo.

Nasa campus kami ngayon at talaga namang nakikipaghabulan ako sa aking bestfriend na si Dane. Halos lahat din ng tao ay nakatingin sa amin pero kailangan ko talagang mahabol si Dane. Block mates kasi kami sa Biology 1 kaya naman magkaklase kami nito.

"Habulin mo 'ko!" sigaw niya pabalik.

Dahil likas sa akin na may hika ay agad akong hiningal. Napahinto din si Dane at binalikan ako. Bata pa lang talaga ako ay may mga karamdaman ako. Wala man akong Mommy sa tabi, ay gusto kong maging doktor gaya niya. Gusto kong magpagaling ng mga taong may sakit.

"Oh my gosh, I'm sorry Claire! Hindi na kita tatakbuhan. Nakalimutan kong may hika ka nga pala. Ayos ka lang ba? Gusto mo hatid na kita sa clinic?" nagaalala niyang tanong sa akin.

"Hindi na, ayos lang ako Dane. At isa pa, may klase pa tayo sa Biology. Terror pa naman ni Prof. Jasmine." sabi ko at tumawa.

"Sige, kapag may naramdaman ka or what magsabi ka sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na isugod sa ospital n'yo." sabi niya at hinila na ako papuntang klase.

Pagdating namin sa classroom ay agad nagbulungan ang aming mga kaklase. Hindi ko alam pero na-conscious tuloy ako sa aking sarili. Nakasuot lang kasi ako ng simpleng puting t-shirt at shorts. Hindi ako kagaya ni Blaire, na kakambal ko na malakas ang dating at porma.

May nakita kaming upuan ni Dane sa bandang likod kaya naman doon na kami naupo. Dalawang subject lang ang magkaklase kami ni Dane, Biology at Literature. Business ang kinukuha niya habang ako ay Nursing, nagshift kasi ako dahil ang sabi nila ay mahihirapan akong mag-medicine kapag Neurology ang kinuha ko.

Dito kami sa LEU nag-aaral ni Dane, katunayan ay kaming lahat na magkakaibigan. Hindi ko nga lang medyo close si Atasha dahil medyo snobbish siya pero nakikisama naman siya sa amin. Habang sina Elisha at Fhashla naman ay magkasundo dahil parehong palaban.

Maya-maya ay pumasok na si Prof. Jasmine ay may bitbit na quiz papers. Nasisiguro kong quiz namin iyon last meeting at alam kong mababa ako doon dahil hindi ako nakareview. Hindi naman ako studious na tao, masipag lang magbasa kapag hindi tinatamad.

"Manalo, Claire Sebastiana." pagtawag sa akin ni Prof. Jasmine.

Tumayo naman ako at kinuha ang papel sa kamay niya. Hindi ko siya magawang tingnan dahil hindi ko kayang makita ang score ko. Sunod naman tinawag si Dane kaya napagdesisyunan namin na sabay naming buklatin dahil kabado kami pareho.

47/50.

Napanganga ako sa gulat habang si Dane naman ay mangiyak-ngiyak sa gilid ko kaya sinilip ko ang score niya. Parehas kaming dalawang nagbabalang lang ng sagot at nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang score niya.

30/50.

"Thank God, pasado ako! Yes! Ilan ang score mo Claire?" tanong niya sa akin.

"Forty-seven." sabi ko sabay pakita ng test paper ko.

"What? Oh my, magcelebrate tayo mamaya sa mall, ah! First time kong makapasa sa quiz ni Prof. Jasmine." sabi niya at ngumiti ng pagkalaki.

"Sige ba." sabi ko at ngumiti rin sa kanya.

Binalik ko ang tingin sa harap at nagulat na may projector na nando'n. Nakaflash sa screen ang mga score namin at nakita kong ako ang highest sa aming lahat. Prof. Jasmine is still busy typing something in her laptop.

Napatigil naman ang pagtitingin ko kay Prof. Jasmine dahil may lalaking nagtaas ng kamay at tumayo papunta sa harap. Tiningnan namna siya ni Prof. Jasmine ng puno ng pagtataka habang kami ay hindi marinig ang kanyang sinasabi sa aming teacher.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon