Chapter 5
Pagkarating namin sa mansyon ay nagkakagulo ang lahat ng kasambahay. Hindi ko alam kung bakit ngunit natitiyak kong nag-aalala sila sa nangyari kay Blaire. Tumakbo naman ako paakyat at hinayaang sundan ako ni Osiah papunta sa ikalawang palapag ng aming bahay.
Dumeretso ako sa tapat ng kwarto ni Blaire at kumatok. May narinig akonh boses kaya pumasok na ako doon. Nakita ko doon sina James, Forest, at Dad na tahimik pinagmamasdan ang aking kapatid.
Nang makita ako ay tumango muna sa akin si James bago ako apiran ni Forest gamit ang kanyang siko. Natawa naman ako pero kusa na silang umalis sa loob ng kwarto ni Blaire para mapalitan ko na ng damit ang aking kapatid.
Kumuha muna ako ng pajama niya at nagpasiguro ng undies dahil baka basa rin ang mga ito. Pagkapalit ko ng damit kay Blaire ay kinuha ko ang thermostat sa gilid at tiningnan ang temperature nito. Kaagad naman akong kumuha ng capsule sa side table at iniready na sa tabi niya.
"Sige pasok na kayo." sabi ko kina Dad at nagpaunahan naman silang pumasok.
Pagkapasok nina Dad sa kwarto ng aking kapatid ay bumaba na muna ako sa kusina para kumuha ng cold compress para bumaba ang lagnat niya. Doon ko lang nakita si Osiah na nakaupo sa high stool namin at may kinakain na apple.
Natawa naman ako sa itsura niya dahil parang ngayon lang siya nakakain ng mansanas. Kibit balikat akong kumuha ng telo at inilagay sa ice pack. Kumuha rin ako ng tubig para kay Blaire kung sakaling magising siya ay makakainom siya ng gamot.
"Sarap na sarap sa apple, ah." biro ko kay Osiah.
"Mmm, kamusta kapatid mo?" pangangamusta niya sa aking kapatid.
"Medyo okay na yata siya, hindi pa nga lang nagigising dala siguro ng pagbabad niya sa ulan. Sakitin kasi si Blaire sa konting ulan, e." sabi ko sa kanya.
"E, ikaw?" pagtatanong niya sa akin.
"Hindi naman ako sakitin simula ng maging cancer survivor ako." sagot ko at narinig muli ang malakas na sigaw ni Dad sa taas kaya nagpasya na akong umakyat muli.
May idudugtong pa sana si Osiah ngunit tinalikuran ko na siya. Siguro naman ay makakapaghintay ang sasabihin niya sa akin. Kailangan ko munang daluhan ang aking kapatid.
Narinig ko ang baritonong boses ni Dad habang may kausap sa telepono. Siguro ay kausap niya ang family doctor namin para makasigurado na hindi magkakaroon ng sakit si Blaire. Okay naman sa akin kung aalagaan ko si Blaire ngayon.
Pagkarating ko sa loob ay tanging sina Dad at Forest na lang dahil si James ay bumaba na. Siguro ay may klase pa siya o may gagawin pa sa University. Nilagay ko na ang cold compress sa noo ni Blaire at nagusap-usap kami nina Dad habang hinihintay siyang magising.
Kailangan kong bumalik sa LEU para makiusap sa Professor ko, e. Kailangan kong magtake ng exam sa isa naming subject. Ayoko namang magkaroon ng tres o singko sa grades ko.
Maya-maya ay nagmulat na ng mata si Blaire kaya dahan-dahan akong lumapit para tanggalin ang cold compress sa kanyang noo. Medyo okay na siya dahil hindi naman maalat ang kanyang boses. Alas-dos palang kaya may oras pa akong bumalik sa LEU.
Iniwan na namin si Blaire sa kanyang kwarto at gusto ni Dad na mamahinga siya ng ilang oras para sumigla siya. Wala namang nagawa si Blaire kung hindi tumango na lamang. Pagkababa ko sa sala ay nakita ko sina Osiah at Dad na naguusap.
Pagkakita nila sa akin ay huminto sila bigla at tinapik pa ni Dad ang balikat ni Osiah na lubos kong pinagtaka. Umalis na rin ng basta si Osiah at hindi na nag-abalang lingunin pa na pinagtaka ko dahil sa inaasta niya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Prosecute The Dominance
Teen FictionAsturias Series #3 Serving with dominance to people needed a hand is her job. While his job, is to prosecute with his full audacity. No matter what happens, he will still serve the justice. But can he prove it if his love ache in the end? The love...