2

175 8 0
                                    

Chapter 2

Parehas kaming inalalayan ni Diego papuntang office dahil sobrang hapdi ng tuhod at pisngi ko. Malanit rin ang palad ko dahil sa pagkakasampal ko kay Charlotte. Ngayon lang ako nakaramdaman ng relief.

Pagkapasok naming tatlo sa office ay nandoon na sina Charlotte na umiiyak sa dibdib ni Osiah. Hindi ko alam pero nairita ako dahil alam kong nagiinarte lang siya. Mas masakit ang ginawa niya sa akin kaysa sa ginawa ko sa kanya.

Umupo ako sa kabilang side at umupo rin naman sa aking tabi si Maddie habang si Diego naman ay tumayo sa aming likuran. Hinarap ko naman si Dean at hinihintay ang sasabihin niya. Alam ko naman na masususpend ako dahil sa ginawa ko.

"Ms. Borja, I don't need your cries. I need your apologies to Ms. Manalo." mahinahong sabi ni Dean na nagpalaki ng mga mata ko.

Napatigil rin sa pag-iyak si Charlotte at nagugulat rin ang mga mata niya sa narinig. Si Maddie naman ay nanatiling tahimik ngunit alam kong naguguluhan na rin siya. Maski ako ay naguguluhan sa nangyayari.

Nanatili namang tahimik pareho sina Osiah at Diego kaya naman hindi ko na sila nilingon pa. Hindi ko naman inaasahan na tatayo si Charlotte sa kanyang kinauupuan at inilagay ang parehong kamay sa table ni Dean at galit na hinarap ang Dean namin.

"Apologizing to her? She slap me, Dean! Siya dapat ang magsorry sa akin, hindi ako." sigaw ni Charlotte.

"Multiple students have reported to me that you bullied Ms. Manalo in our norms! You bullied her in the cafeteria, corridors, hallways, and even inside your classroom. I also gathered some CCTV footage and I can say that you're too much Ms. Borja! If Mr. Kriston didn't tell me all of this yesterday, I will never know!" sigaw pabalik ni Dean sa kanya.

Natigilan ako sa narinig, ibig sabihin si Osiah ang nagsabi kay Dean kahapon na binubully ako ng girlfriend niya. Bakit niya naman gagawin 'yon, Charlotte is his girlfriend. Walang ibang dahilan p'wedeng maging dahilan kung hindi naawa siya sa akin.

"What the fuck, Osiah?! You are unbelievable, all of you!" sigaw muli ni Charlotte.

"Ms. Borja your words! Hindi mo ba kilala si Ms. Claire Sebastiana Manalo? Siya lang naman ang tagapagmana ng sikat at world class na Manalo Hospital sa buong mundo. You're too lucky to be her classmate! Marami ang nag-offer sa kanya scholarship ng magagandang University but did she accept that?! Definitely no, she stayed here in Asturias and studied in LEU then you're bullying her nonstop! She is highly respected, not because she's a Manalo heiress but because she's the star student in your strand!" nanggagalaiting sigaw ni Dean sa kanya.

Hindi na nakapagsalita si Charlotte at basta na lamang umalis sa office. Ang sabi ni Dean ay bibigyang niya raw ng suspension si Charlotte ng isang buong linggo. Hindi naman kami makapagsalita nina Maddie dahil parehas kaming hindi makapaniwala.

Charlotte Eloise Borja had a suspension, hindi kapanipaniwala. Hinatid naman kami ni Diego papunta sa MH para matingnan kami ni Maddie ngunit sumama si Osiah sa amin at wala salitang kotse niya ang ginamit namin para makapunta doon.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse at alam ko naman na walang gustong kumausap kay Osiah dahil sa ginawa ng girlfriend niya sa amin. Sa aming tatlo ay ako ang pinakanapuruhan dahil sinabunutan na ako, sinampal pa ako, at may sugat pa ang tuhod ko.

Pagkadating namin sa MH ay agad akong inasikaso ng mga doctor na nandoon. Kilala na kasi nila ako bilang anak ng kanilang boss dati, si Mom. Siya kasi ang naging tagapagmahala dati ng aming mga ospital at ilang taon na lang ay ako na ang susunod sa yapak ni Mom.

Nilagyan nila ng bandage ang tuhod ko at nilagyan rin nila ng malamig na cream ang pisngi ko. Habang ang labi ko naman ay may pasa na pala kaya nilagyan nila ng malamig na yelo. Inayos rin nila ang buhok kong naging sabit sabit dala ng sabunot ni Charlotte.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon