Chapter 9
Sasagutin ko na sana iyong tanong ni Osiah ng may sumigaw sa isang baritonong boses. Hindi ko na kailangan pang alamin at lingunin dahil kilalang-kilala ko na iyon. Bakit ba ako nagulat, e alam ko naman na palaging magkasama sila kahit saan man magpunta. Napabuntong hininga na lamang ako ng makita ko na siya sa aking harapan na may ngisi sa labi.
"Uy, Claire. Nandito ka pala. Long time no see." bati sa akin ni Gab at nilahad pa ang kamay.
Wala naman akong nagawa kung hindi tanggapin iyon. Natigilan lamang ako ng ipatong niya ang isa pa niyang kamay roon kaya nagmukhang may kasunduan kami. Napatingin naman ako kay Osiah at nakitang madilim na ang titig niya doon kaya binitawan ko na ang pagkakahawak namin ni Gab.
"Oo nga, e. Mmm, ano nga pala ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Gab ngunit gusto ko lang malaman kung bakit sa lahat ng lugar, dito pa nila naisipan na pumunta.
"Syempre, iinom. Alangan naman magpa-bible study kami dito." humaglpak sa tawa si Gab matapos akong sagutin.
Kaagad naman nagsisi na tinanong ko pa si Gab. Hindi ko alam kung anong kurso niya pero nababagay sa kaniyang maging philosopher. Napakapilosopo niya! Kung nagkataong naging brutal ako ay nasaktan ko na siya.
Inaya naman na ako ni Zeus na bumalik sa aming VIP area. Kaya pala siya nandito dahil inaya siya ng kanyang mga colleague na uminom. Wala naman siyang trabaho kaya pumunta na siya. Nagkataon rin naman na magkikita kami ngayon dito.
Napansin kong halos ng drinks namin ay natumba sa table. Hindi ko na lang pinansin dahil baka may nakasagi lang nito. Mabuti na lamang ay hindi nabasag ang mga baso. Ang natira lang na drinks ay 'yong cocktails. Magkaharap kami ni Zeus sa couch pero hindi naman kami nagkaka-ilangan sa isa't isa.
Kung titingnan mo si Zeus ay mapapansin mo kaagad ang kanyang mga misteryosong mga mata. Iyong mga matang na sinasabi marami ka pang bagay na kailangan mong alamin sa kanya. Kung gaano-kadaldal ang kaniyang mga mata, gano'n rin katahimik ang kaniyang bibig. It's like you have to see it for yourself because he doesn't obligated to tell you his story.
"Why are you looking at me? Do I have a booger on my face?" he chuckled.
"Wala naman, I just find you mysterious, you know? Hindi kita kilala, as in totally." sabi ko at sumimsim sa hawak kong cocktail.
"Hindi ko alam na interesado ka pala sa akin. Dapat na ba akong magpasa ng resume?" tawa niya at muntikan na akong masamid.
Natawa naman siya lalo sa naiasta ko. Well, kung mukha ang pagbabasehan, gwapo siya. Mabait rin at friendly rin yata. Pero hindi pa ako ready na macommit sa isang tao, especially I have feelings for Osiah still. I want to be fair for any guy that I would probably love in the future.
Kinabukasan ay may consultation ako kay Prof. Roseanne about sa research ko. Bukas kasi ay pupunta na kami na kami sa Nationals sa Cebu at hindi pa ako nakakapagpaalam kay Dad. Sa first day ng Nationals ay ako ang sasalang habang sa second day niyon ay si Osiah na. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin namin.
Kailangan kong maging maaga dahil 7 AM ang unang klase ko at sa hall iyon magaganap. 3 hours kaming mauupo roon at tungkol sa Clinical Exposure naming mga Nursing students. Kailangang marinig ng Head of Department namin ang naging experience namin sa MH. Dito rin magiging last talk namin regarding our stay.
SInuot ko ang aming complete uniform at ID. Kapag papasok ka sa hall ay may scanner doon na tanging Nursing students lang ang maaring pumasok doon. Nauna ng pumasok si Blaire sa akin kikitain niya pa daw si Brayden, alam ko namang break na sila ni James pero ang bilis naman niyang makamove-on.
BINABASA MO ANG
Prosecute The Dominance
JugendliteraturAsturias Series #3 Serving with dominance to people needed a hand is her job. While his job, is to prosecute with his full audacity. No matter what happens, he will still serve the justice. But can he prove it if his love ache in the end? The love...