11

105 7 0
                                    

Chapter 11

That day, was tragic.

Nagpatuloy ang buhay ko at hindi ko na sinabi kay Dad ang nangyari sa contest. Baka kung anong magawa niya kapag sinabi ko. Sinimulan ko na ring layuan ang mga lugar na p'wede kong makita si Osiah dahil sa nangyari. Gusto ko na siyang layuan.

Nag-away kami ni Blaire, I already said my apologies but I didn't think enough that my words would have a big impact in her treatment towards me. Sa twing makikita niya ako ay para lang akong hangin kung lampasan. Wala naman akong magawa kung hindi maghintay para bumalik na kami sa dati.

"Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili." sabi ni Andrei na hinabol pa ako dahil mabilis akong lumabas ng room.

"Ano bang pakialam mo?" pikon ko ditong tanong habang patuloy na naglalakad.

Natigilan siya sa inasta ako at maging ako. Hindi ko kailanman ginagawa o nagsasalita ng gano'n. Nakaramdam tuloy ako ng guilt pero alam kong hindi ko na mababago ang ginawa ko kanina. Ano nga ba ang problema ko?

"Sorry, sige. I'll go ahead. Kita na lang tayo later." napapahiyang sabi niya at mabilis na umalis sa harap ko.

Tinanaw ko siya palayo at napabuntong hininga. I'm not used on my attitude this past few days. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Masyado ba talaga akong affected sa nangyari sa amin ni Blaire, pati na rin sa nangyari sa Cebu? Ang gulo ng isip ko ngayon, at ayoko ng mas gumulo.

Pumunta ako sa cafeteria ng building namin at doon mag-isang kumain. Wala sina Maddie at Diego ngayon dahil magkaiba kami ng classes this week dahil sa adjustment para sa semester examination namin. Nagreview naman ako kagabi pero hindi ako maka-focus dahil sa mga nangyari no'ng nakaraan.

I had a feeling of breaking down will make me okay. Kaya naman pagkabalik ko ng pinagkainan ko ay nagpalakad lakad ako sa campus. Wala naman akong first period sa hapon kaya dinama ko ang hanging sinasalubong ko sa paglalakad. Kung tutuusin, below the belt na ang sinabi ko kay Blaire, kaya in the end it was entirely my fault.

DInala ako ng aking mga paa sa medyo malayong parte ng University. Ito ang unang beses kong makapunta dito dahil wala naman akong kaibigan na nag-aaral sa Arts. Hindi na ako nagtaka kung bakit nila pinili ang kanilang kurso na related sa Arts dahil napakapeaceful ng kanilang surrounding. Mas nagulat ako ng makitang may parang hidden garden sila na sobrang ganda.

May isang malaking puno roon na nasa gitna ng garden at napapalibutan ito ng iba't ibang bulaklak at halaman. Lumakad naman ako malapit roon sa puno at umupo sa lupa nito. Payapa, iyon ang tamang depinisyon ng lugar na ito. Napakapayapa niyon at isama mo pa ang preskong hangin na pumapalibot dito.

Doon ko inilabas ang luhang kagabi ko pa pinipigilan. Ang mga luha na naging saksi sa aking tahimik napag-iyak sa oras na ito. Ilang minuto ay may naramdaman akong presensya at tumabi ito sa akin. Hindi siya nagsalita pero ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat sa pagpapatahan.

Dahil nakatakip ang mga kamay ko sa aking mukha ay hindi ko alam kung sino ito. Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha at tinanggal ang mga kamay sa mukha. Pinunasan ko rin ang aking pisngi gamit ang thumb ko at saka nilingon ang katabi ko.

"Come here." mahinang sabi niya at hinila ako palapit sa kaniya. Napabaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib at agad akong nagulat. "Cry until you want, cry until your pain go away."

Hindi ko inaasahan na sa lahat ng oras, siya pa ang nandito. Si Andrei ang nandito para patahanin ako at bigyan ng comfort. I have Dane, pero wala siya ngayon. Hindi ko alam pero simula ng dumating dito si Andrei ay gumaan ang pakiramdam ko.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon