Chapter 6
Anong ginagawa nina Gab at Osiah dito? Imposible namang nagkataon lang dahil saktong pagpasok palang nila ay nakatingin kaagad sa akin si Osiah. Kahit ang tingin ko ngayon ay kina Blaire at James ay hindi ko maiwasang hindi mailang sa taong nasa likuran ko.
Kinalabit ko si Elisha sa aking tabi. "Kakilala mo ba sina Osiah at Gab?"
"Secret." sabi niya sabay ngisi.
Napairap naman ako at sinimulan na lamang kumain muli. Hinayaan ko na magsalita sina James at Blaire sa harap ko at hindi ko na rin inalintana ang ilang kinikilig at tumitingin sa aking kapatid. Hindi naman ako iyon para mailang.
Pagkatapos naming kumain at marinig ang pagsasagot ni Blaire kay James ay inaya ko na silang umuwi. Wala naman silang nagawa kung hindi umoo dahil maaga pa ang aming klase kinabukasan at may shift din ako sa MH ng ala-syete.
Sumabay ako kay Dane pauwi habang si Blaire naman ay sumabay kay James dahil iniwan na siya ni Atasha. Sa daan pauwi ay hindi ako tinitigilan ni Dane kung sino iyong lalaki kanina sa restaurant, pati rin pala siya ay nakita niya si Osiah.
"Osiah is just a nobody, kakilala ko lang siya. Tsaka, I won't be that average to pick someone's ex." sabi ko rito.
"What? May ex siya? How come, I mean he's surely hot and handsome but I didn't expect that he have an ex. I thought he's a lowkey type of person." sabi ni Dane at nagkibit-balikat sa akin.
"He's Charlotte's ex." I said and faced tge window.
"Charlotte? As in the Charlotte Eloise Borja? The one who's not so filthy rich yet acting one, the girl with so bombarded issues." Dane mischievously said.
"Yeah, that one." I said and nodded.
Hindi na rin siya umimik kaya naman ilang saglit ay bumaba na ako sa kanilang sasakyan dahil nasa labas na kami ng aming mansion. Nagkapaalaman na rin kaming dalawa at maya-maya ay umalis na din si Dane at pumasok na ako sa loob.
Dumeretso na ako sa aking kwarto dahil hindi na ako nag-abalang hanapin si Dad dahil ang alam ko ay late na iyon uuwi. Pansin ko rin na wala pa rin si Blaire dahil nakabukas pa din ang kanyang pintuan kaya dumeretso na ako sa pintuan ng aking kwarto at pinihit na iyon.
Bumungad sa akin ang magulong kwarto na sobrang dami ng binders at kung ano pang gamit ko sa school. Tinanggal ko ang suot kong coat at inilagay iyon sa rack habang sinipa ko naman ang aking sapatos na suot kanina sa tabi ng aking pintuan. Pumunta na ako sa aking bathroom at nagpasyang maligo muna dahil pagod na pagod ako sa araw na ito at sobrang dami ng nangyari.
Bukas ay may duty ako sa MH kahit sabado. Parte iyon ng aming internship ngayong school year. Nagpajama na lamang ako at agad dumapa sa kama. Handa na sana akong pumikit at matulog ngunit nagring ang aking cellphone kaya inabot ko ito sa aking side table at nakapikit na sinagot ang tawag.
[Hey. Are you already home?] namamaos na tanong ni Osiah sa kabilang linya.
"Yes, I'm home. What do you want?" I said a bit sleepy.
[Can you go outside your room for a sec? Kahit sa balcony ng kwarto mo lang.] pakiusap niya.
"Okay, okay." I said defeatedly.
Tumayo ako sa pagkakadapa ko sa aking kama at pumihit papuntang balcony sa labas ng aking kwarto. Pagkalabas ko ay bumungad roon ang aking swing chair na kulay puti. Umupo naman ako doon at natanawan sa labas ng aming gate ang isang pamilyar na kotse.
May nakahilig doon na lalaki na nasisiguro kong si Osiah. He was still wearing the same outfit earlier at the mall. Kahit malayo ay kitang-kita ang magandang tindig niya. Nasa may kanto nakapark ang kanyang kotse at may ilaw ito. Hindi siya kaagad mapapansin ng aming guards dahil parang nakadim ang kanyang ilaw.
BINABASA MO ANG
Prosecute The Dominance
Підліткова літератураAsturias Series #3 Serving with dominance to people needed a hand is her job. While his job, is to prosecute with his full audacity. No matter what happens, he will still serve the justice. But can he prove it if his love ache in the end? The love...