12

122 8 0
                                    

Chapter 12

"You're saying that the freaking Osiah Matthew Kriston slept in your house?" I nodded that makes him growl.

Sinabi ko kay Diego ang nakita ko kagabi. Sa lahat ng kwinento ko ay 'yon lang ang kaniyang sinabi. What bothered me the most is why does I have to see that he is sleeping in my house. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa niya ginagawa iyon ngunit nakumpirma ko ng magtext sa akin si Manang Lena.


Manang Lena:

Aba, eh. No'ng nakaraan pang buwan iyon natutulog dito. May pinakitang dokumento kaya hindi na ako nagreklamo.


Hindi ko alam kung ano ang sinasabing dokumento ni Manang Lena dahil maski siya ay nakalimutan na rin. Wala na tuloy akong p'wedeng tanungin kung hindi si Osiah. Napabuntong hininga naman ako. May mahaba kaming break ni Diego at nagpasya kaming kumain sa kakabukas pa lang na restaurant nina James sa Agustin.

Dinala namin ni Diego ang kaniyang sasakyan dahil kung ang dadalhin naming kotse ay iyong akin ay baka mastuck kami sa traffic sa gitna ng San Roque at Rafael. Soft openin g palang ng restaurant kaya nandoon ang buong mag-anak. Makikita ko muli si Zarus na pamangkin ko.

Hindi na ako nagulat ng makitang engrande ang exterior ng kanilang restaurant. Napailing-iling na lamang ako ng maisip na ito ang pinakitang design ni Blaire sa akin noong nakaraan bago ako tumungo sa America. Hindi maikakaila na magaganda lahat ng nahahawakang project ng kapatid ko.

Pagkababa ko sa sasakyan ay sumunod sa akin si Diego papasok ng restaurant. Ngayon rin pala ang pagblessing ng restuarant ngunit hindi  na namin naabutan. Ang dami na ring customers habang nakita ko si Blaire na nakaupo sa isang malaking couch habang nilalaro ang kaniyang anak sa kaniyang kandungan.

Last year lang pinanganak si Zarus at ako pa ang nagpanganak sa kaniya noon. Totoo nga ang sinasabi nila na lahat ng gusto natin ay nagbabago. Naka-aasign ako noon sa Obstetrics ng mga panahon na iyon at nalate ang senior namin. Malapit na rin ang centimeters ni Blaire noon kaya kahit natatakot ay ako ang nagpanganak sa kaniya.

"Hey twin, hello baby Zarus." nakangiti ko ritong bati sa dalawa.

"Claire! Oh my, Baby, this is Tita Claire, my twin." pagpapakilala sa akin ni Blaire sa kaniyang anak kahit wala pa itong maiintindihan sa kaniyang paligid.

"Where's your husband? Ang init diyan sa inuupuan niyo. Baka magwater ang eyes niya." sita ko rito.

"Okay po, Dra." tawa nito at nagpaassist sa isang staff patungo sa isang area na tanging may-ari lang ang p'wedeng pumunta.

Nanatiling tahimik si Diego at tila hindi mapakali. Siniko ko naman ito at pinandilatan siya ng mga mata. Napailing iling siya at umupo na lamang sa sulok ng couch. Maya-maya ay dumating na si James sa aming mesa at natatawa habang pinapagalitan ko siya na hindi maaring painitan ang mga mata ng kaniyang anak.

Kahit isang taon pa lang si Zarus ay kapansin-pansin na kaagad ang kaniyang mga mata. Kulay abo ang mga mata nito na namana sa kaniyang ama. Kahit hindi aminin ni Blaire ay alam niyang kamukha-kamukha nito ang kaniyang asawa.

Nag-order si Blaire ng aming pagkain at nagulat ng marami siyang binanggit na putahe. At imbes sa staff niya iyon sabihin ay kay james niya ito sinabi at nasiguro ko na si James ang magluluto ng tumayo ito at nakangising naglakad patungong kitchen.

Marami kaming pinag-usapan ni Blaire at umabot sa punto na kung ano ang natutunan niya bilang ina ni Zarus. Ang sabi niya ay tila ayaw niya ng sundan si Zarus dahil mahirap manganak. Kontento na rin siya sa buhay may-asawa niya at nakikita ko naman iyon sa kaniyang mga mata.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon