23

99 5 0
                                    

Chapter 23

Nagising ako sa tunog ng aking phone. Inaantok pa akong bumangon at kinuha iyon sa tabi ko at saka ko lang naramdaman ang kamay na nasa aking bewang. Napailing na lamang ako ng makitang kamay iyon ni Osiah na nakayakap sa akin.

When I took my phone, I entered my passcode and seek through my messeges. I was relieved that it was just a notice coming from Dra. Rencio. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa Asturias.


Dra. Rencio:

Leonor is already stable, we will just conduct a monitoring later for assurance. Enjoy, anak, diyan! Maganda ang Batanggas para istressin mo ang sarili mo lalo na ngayon at nandiyan si Atty. Kriston, hahaha.


Napailing na lang ako sa text ni Dra. Rencio. I slowly removed Osiah's hands in my waist and headed to the comfort room. Kailangan kong maligo dahil mamaya ay pupunta kami sa kabilang dako ng resort at mag-iisland hopping raw kami sabi ni Zendaya.

I just wore a lacey dress that is covering my inside bikini. Binigay ito ni Kath sa akin bago kami pumunta dito. Wala naman akong choice na suotin ito dahil ito lang ang tanging dala ko sa pagswimming. Nagbeach sandals na rin lang ako.

Pagkalabas ko ng banyo ay tulog pa rin si Osiah. Hindi ko na lamang siya ginising at iniwan na lamang ang isang note. Dinala ko rin ang bohemian bag ko na maliit na nilagyan ko lang pocket money at cellphone ko.

Ang sabi sa akin ni Zendaya ay magkikita raw kami sa pinagkainan nila ni Diego kahapon. Pumunta naman ako doon kaagad dahil hindi naman 'yon kalayuan sa aming cabin. Nakita ko kaagad siya kasama si Kath na kumakain ng banana split sa tirik na tirik ang araw.

"You're fifteen minutes late." nakakalokong sabi ni Zendaya sa akin. "May nangyari ba na hindi namin nalalaman?" 

"Tss, wala!" deny ko kaagad dahil umagang umaga ay madumi kaagad ang isip nila.

"Songs, dissapointed." asar pa ni Kath sa akin.

Hindi na lang ako umimik at nag-order na lang ng pancakes sa waiter. Parehas kaming tatlo na nakabikini ngunit inaasahan ko na magcocover-up si Zendaya, ngunit hindi pala. I think she's very confident on her red two piece, well I can't blame her, maganda naman kasi talaga ang kaniyang katawan.

Meanwhile, Kath was wearing a brown cover up that covers her silver bikini. Napagkasunduan naming tatlo sa seminar pa na magkaroon kami ng bonding ng kaming tatlo lang kaya iniwanan namin ang aming mga date. Sa aming tatlo, ay tila si Kath lang ang pinakamasaya dahil siya lang naman ang namromroblema sa kaniyang date.

Pumunta kami sa lobby ng resort at nagpaassist sa island hopping. May kasama kaming isang lalaki at isang babae na tingin ko ay nasa kanilang trentahan. Para rin silang mag-asawa dahil nag-aalalayan sila sa isa't isa.

I'm not really in the mood in swimming but I swam because Kath and Zendaya pushed me in the water. Good thing that I knew how to swim because if not, I will literally drown. Me and Blaire also know how to surf because of our sporty Dad before.

Natatawa naman ang mag-asawa sa aming inaastang tatlo. Nagpapabilisan kaming magswimming at patagalan sa tubig. parang naging bata kami ng di-oras. Ang susunod pala na pupuntahan namin na island ay may mga poste na tila kagaya ng nasa Greece.

"Oh my, ang ganda! Picturan mo 'ko, Claire, Kath!" tawag sa amin ni Zendaya at napailing na lang kami.

Totoong maganda ang island na iyon at medyo malayo iyon sa resort na aming pinag-iistayan. Nauuna si Zendaya na naglakad palapit rito at umawra na. Natatawa naman kami ni Kath na sumunod sa kaniya. I took out my cellphone and took some selfies with them.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon