17

101 7 0
                                    

Chapter 17

"Are you sure na ipapakilala mo 'ko bilang boyfriend mo?" tanong sa akin ni Osiah habang nagdridrive siya papuntang mansyon.

"Of course not." sagot ko rito at humalukipkip.

"What? Claire, baby, I'm not joking..." sabi niya sa isang mahinahon na boses.

Tumawa ako, "Of course hindi kita ipapakilala bilang boyfriend ko. You're my husband. 'di ba?"

Natigilan siya habang ako ay tatawa sa kaniyang gilid. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng time para ipakilala siya dahil naging hectic ang schedule ko sa hospital namin at gano'n rin siya. Mabuti na lang ay parehas naming naiintindihan ang isa't isa.

Ialready texted my father that I'm bringing Osiah with me. Birthday niya kasi ngayon at sinaktuhan ng aking free day at ng rest day ni Osiah. Nando'n na rin sina Blaire dahil mas nauna sila sa aming pumunta dahil minsan si Zarus ay nagtatantrums.

Inimbitahan rin sina Atasha na pumunta ngunit hindi makakapunta sina Dane at Elisha dahil may inaasikaso sila. If I know, 'yung mga boyfriend nila 'yun. Sumandal ako sa tabi ng pintuan at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.

Kinuha ko ang aking phone at nagtipa ng text kay Diego. I haven't see him for days at alam ko na parehas kaming busy ngunit hindi ko siya nakikita sa hallway o kahit saanmang parte ng hospital namin.


Ako:

Diego, makakapunta ka ba?


Matapos kong magtipa ay binulsa ko muli ang aking phone. I'm wearing a cropped top long sleeves and denim pants. Sinabi ni Dad na casual lang ang suotin kaya ito ang sinuot ko. Parehas kaming nakalong sleeves ni Osiah ngunit sa kaniya ay nakatuck-in sa kaniyang trousers.

Tiningnan ko ang kaniyang kabuuan at hindi ko mapigilang ang ngiting nabubuo sa aking mga labi. Kinakabahan siya. Kahit naka-aircon ang kotse ay pinagpapawisan siya. I chuckled and averted my gaze on him.

"Kinakabahan ka naman. Chill, okay? Si Dad lang 'yon." sabi ko rito na natatawa pa rin.

"Kaya nga, e. That's your Dad. Kung alam mo lang talaga." mahina ang tugon niya kaya hindi ko maintindihan ang last part na sinabi niya.

Huminto kami sa tapat ng mansyon at nabigla ako sa sobrang daming nakapaligid na sasakyan sa loob at labas ng aming mansyon. Nakita ako kaagad nina Kuya Dodong at iginaya ang daan para makapag-park si Osiah sa loob. 

Sabi sa akin ni Dad ay hindi siya maghahanda ng engrandeng birthday party. Siguradong nandito lahat ang investor at mga kakilala ni Dad. I face palm and get out of the car. Sa sobrang lutang ko sa nakikita ay muntikan ko ng masagi si Osiah dahil akma siyang bubuksan ang pintuan ko.

I mouthed sorry and he just chuckled. He pulled me closer and rest his hand on my waist. Lumakad na kami papasok at sa pintuan pa lang ay nakita ko kaagad si Zarus na pinapalibutan ng bisita. Nakasimangot ito at naiinis na sa atensyon. Nang makita niya ako ay dahan-dahan siyang lumakad at nagpaalalay pa sa kaniyang ama.

Napansin na rin ako ng bisita at pinaulanan ng tanong kung sino ang kasama ko. Wala namang pakialam si Osiah sa mga taong lumalapit sa kaniya kung sino siya. He's answering but sarcastically. Natawa naman ako sa inasta niya.

"T-Tata..." Zarus said softly when he reached where I'm standing.

I knelt down and kissed his flushed cheeks. Ang cute talaga ni Zarus. All of his features came from James pero may bahid ng aking kakambal sa kaniyang mga mata. Hindi ito matingkad na kulay abo at naghahalo ang brown at grey sa gitna ng kaniyang mga mata. SIguradong maraming babae itong papaiyakin.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon