10

126 7 0
                                    

Chapter 10

"Nandito na ba ang lahat? Manalo, Kriston?" pagtawag ni Prof. Jedayah sa aming epelyedo upang malaman kung nandito na ba kami.

Tinaas ko naman ang aking kamay dahil medyo malayo ang naging upuan ko sa kanila. Ihahatid kami ng aming eroplano dahil medyo marami ang kasama namin. Nagpadala kasi si Dad ng mga bodyguards namin para sa safety namin. Hindi naman na ako maka-angal dahil nag-aalala lang si Dad sa aming kalagayan.

Nakita ko ring may nagtaas ng ng kamay sa bandang malapit nina Prof. at nakita ko si Osiah na gano'n pa rin ay magulo ang kaniyang kulot na buhok. Lumapit naman ako sa kanila at hinila ang aking maliit na bagahe. Nakasunod naman sa akin ang dalawa kong bodyguard na may dala ring itim na backpack sa kanilang likod.

Gagamitin ang aming family airplane para pumunta sa Cebu. Hindi namin magagamit ang chopper dahil sa bilang namin. Si Dad ang bahalang magbawas ng kaniyang tauhan na magbabantay sa amin kapag nalaman niyang maayos at ligtas ang venue sa Cebu.

"Good morning." bati ko sa kanila at binigyan ng ngiti. Humikab kaagad ako dahil sobrang aga pa kasi kaya natawa sila Prof. sa inasta ko sa harapan nila.

"Antok ka pa yata, Claire. Sige tara na, pumasok na tayo sa loob para makatulog ka pa sa byahe." aya ni Prof. Roseanne at ngumiti sa akin.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at kaagad kaming iginaya ng aming dalang bodyguards papunta sa seperate na daan para sa may sariling eroplano. Ibinigay ko na rin kay Hermano ang aking maleta dahil ilang saglit na lang ay babagsak na ang aking mata.

Ala-singko pa lang kasi ng umaga at talaga naman ang aga ko pang nagising dahil hindi ako nakagayak ng dadalhin ko kagabi. Mabuti na lamang ay iginayak ni Manang ang dadalhin ko at kumain na lamang ako ng almusal kanina. 

Umupo ako sa middle row ng aming eroplano at inilapag ang dalang sling bag sa katabing upuan. Kaagad kong inudjust ang upuan ko para makahiga ako roon. May sarili ako ritong eye mask na kulay itim na may design na floral. Inilagay ko naman ito sa aking noo bago tingalain ang anino na nasa harap ko na nagpatigil sa akin sa paglagay nito sa aking mata.

"Can I sit beside you?" tanong sa akin ni Osiah na preskong-presko sa suot niyang polo at trousers. May specs ding nakaipit sa kaniyang polo na siguradong babagay sa kaniya kapag sinuot.

"Why? Ang daming upuan dito. Why here?" nagkunot ang mga kilay ko.

"I have acrophobia. Hindi ako nakakatagal na tumingin pababa kapag nasa mataas akong lugar." deretsong sagot niya at hindi ikinahihiya na may phobia siya sa heights.

"Mmm, okay. Ayoko namang maging dahilan na matrigger ang phobia mo." sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin at nagpindot-pindot muna sa aking phone.

Narinig ko ang tawa niya habang naupo na siya sa tabi ko. Inilagay ko naman ang sling bag ko sa harapan ko habang ang monitor ng aking upuan ay pinabayaan ko na lamang. Ayokong manood ng mga palabas o makinig sa music. Gusto ko lang matulog ngayon.

Kailangan ko palang magtext kay Dad na nakasakay na kami sa eroplano. Tulog pa kasi siya ng umalis kami sa bahay at hindi na ako nakapaalam. Nagsulat naman ako sa sticky note na nasa tabi niya at bago ako lumabas sa kaniyang kwarto ay humalik ako sa kaniyang pisngi. Gano'n ako kaclingy kay Dad.

Everyone said that I'm a living memory of Mom. We have a lot in common without thinking the looks that surely copied her features in my face. Like me, Mom is a socialite in her days but not really interested of making her circle bigger. We're not a social butterfly.

Hindi na nagsalita si Osiah kaya naman ilang saglit pa ay nakatulog na ako. Hindi naman gaanong kalayo ang Cebu sa Asturias kaya magiging mabilis lang ang byahe namin. Ngunit late kaming umalis dahil nalate si Pilot Valencia, iyong dating nagugustuhan ni Dane.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon