7

84 5 0
                                    

Chapter 7

"Okay class, since the board decided that your suppose research paper is individual and will oblige to pass it, they decided that it will be just three students that will compete on theirs." panimula sa amin ni Prof. Jedayah pagkapasok sa aming classroom.

Kaagad nagbulungan ang mga kaklase ko doon habang kami naman nina Maddie at Diego ay naguluhan. Kahit hindi ko pa nasisimulan ang aking research ay nag-aalala pa rin ako kung sakaling ako ang mapili ng board.

Wala sa kalooban ko ang makipagcompete sa iba kong kaklase. Madalang lang akong sumasali sa mga paligsahan dahil hindi ko iyon nature, Hindi ako competitive at talagang wala sa bokubularyo ko ang salitang pagalingan.

"Charlotte Borja, Jade Vargaz, and Claire Manalo." pagbanggit ng pangalan ni Prof.

Agad akong siniko ni Maddie na ngayon ay may ngisi sa labi. Si Diego naman ay tipid na ngumiti ngunit alam nilang dalawa na hindi ako kumportable sa sitwasyon na ito. Hindi ako pwedeng sumali, dahil kapag nanalo ako ay baka isipin ng iba na ginakit ko ang impluwensya ng pagiging Manalo ko.

"I refuse to compete, Prof." I said and bowed.

"Why is that so, Ms. Manalo?" she asked.

"I'm not into competitions and most likely to compete with anyone." I said clearly but I only heared a loud sigh.

"You can't back out anymore, hija. Mismong board ng University ang pumili sayo, and I don't have any authority para iba ang isali ko rito." sabi ni Prof. Jedayah at bumuntong hininga.

Pagkatapos ng klase ay kailangan kong pumunta sa library para kumuha ng libro. Tama si Dane na pwede kong gamitin ang past experience ko sa leukemia. Kumuha naman ako ng libro tungkol sa neurology at sa clinical care. Kailangan ko ito dahil ilalagay ko sa aking research paper ang mga naging protocols ng mga nurses sa akin noong ako'y naging pasyente nila.

Pagkalabas ko sa library ay dumeretso ako sa aming bulletin board. Naroon raw kasi ang magiging criteria ng magiging research paper namin. Sa mismong Foundation Day namin iyon isusubmit na ilang araw na lamang mula ngayon. I have to make a thesis paper and also a presentation of it.

Napabuntong hininga muli ako, although I need to pass it morning in the Foundation day and afterwards pass through the panel on Friday, hindi ko maiibigay ang best ko dahil sa short period of time. Gipit na gipit ako sa oras.

Liliko na sana ako papunta sa cafeteria ng nagbeep ang aking phone. Galing iyon kay Blaire na nagsasabi na magkita kita kami sa aming tambayan dahil lilibre niya kami ng lunch. Hindi naman ako nagreply ngunit lumakad na ako papunta roon.

Napahinto ako sa aking kinakatayuan ng may tumamang bola sa aking ulo galing sa kung saan para madapa ako sa aking harap. Inis naman akong tumayo mag-isa at sinamaan ng tingin kung saan nanggaling ang bola na iyon.

"Are you alright? May masakit ba? Dalhin na kaya kita sa Hospital." sabi ng isang pamilyar na boses.

Lumingon naman ako. "Zeus?" 

"Oh, Claire, ikaw pala 'yan! Pasensya ka na ha, naglalaro kasi kami ng basketball ng tropa kong mga construction worker, nga pala, bakit ka a nasa gilid ng pathway?" tanong niya sa akin.

"Mmm, pupunta kasi ako sa aming hidestop ng aking mga kaibigan. Anong ginagawa mo pala rito?" tanong ko sa kanya.

"Ah! May inaasikaso lang ako na building rito. Gu,iba raw ang pader, e. Sige na, hinihintay ka na yata ng mga kaibigan mo roon." sabi niya at ngumiti.

Marahan naman akong ngumiti pabalik sa kanya at lumiko na sa gawi ko para pumunta na sa hidestop namin ng mga kaibigan ko. Paniguradong nandoon na sina Elisha kaya bumilis na ang lakad ko. SIguradong may problema si Blaire dahil bihira lang naman iyon manglibre.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon