14

115 7 0
                                    

Chapter 14

Hindi ko alam kung ano ng nangyari kina Diego at Maddie dahil nagtext lang naman ang driver niya na naihatid niya na si Diego sa bahay nila. Kasama ko naman si Osiah sa isang fine dining restaurant na pinili niya. Ang sabi niya ay dito na lang kami kumain dahil hindi niya raw alam ang gusto ko.

Siya ang nag-order ng pagkain dahil hindi ko alam ang masasarap sa restaurant na ito. Bahagya siyang umubo sa gilid bago inayos ang kaniyang sarili at itinikom ang bibig. Nakataas ang kilay ko siyang pinagmasdan.

"What will I explain to you? Sinabi mo 'yon so tell me." sabi niya sa akin.

"Tell me everything happened in those 9 years. I want to know everything." I smiled a little. "Besides I'm your wife, right?" I added while chuckling.

His jaw dropped but later on chuckled. It felt surreal being in front of him. It's like it was impossible because of our past but when love comes, it vanishes the painful past. 

"When you pushed me away harshly, I came back to my senses. Sa LEU pa rin naman ako nagtapos ng college pero sa Madrid ako nagpursue ng law. Nakasama ko rin doon si James at Gab kaya nawala kami ng ilang taon." natatawa niyang sabi sa akin. "Then a year after I graduated, bumalik ako dito. Mistakenly, we met in your hospital last year becuase of Axel. In that same year, I pursued becoming a prosecutor." nakangiti niyang sabi sa akin.

"I'm proud of you, I really do." I flashed a genuine smile.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid niya ako pabalik sa hospital. May aasikasuhin kami pareho at kailangan naming bumalik kaagad. Medyo nabitin ako sa kwentuha ngunit lumuwag ang pakiramdam ko ng malaman ang nangyari sa kaniya noong mga panahon na wala ako.

Nasa loob ako ng aking opisina at tumunog naman ang aking phone sa kalagitnaan ng pagpirma ng iba't ibang finances at dokumento na kailangan ng boards. Tiningnan ko naman ito at nakita ang pangalan ni Diego.


Diego:

What happened between you and Maddie? She made a scene outside my house earlier pero pinaalis ko naman ito sa mga kasama ko.


Napairap ako sa tanong ni Diego. Kahit kaibigan ko si Maddie ay masyado ng malayo ang agwat ng aming pagkakaibigan. Nag-iba siya, at gano'n rin ako. Pero hindi sapat ang pagbabago niya para bastang saktan si Diego na ngayon ay pinakamatalik kong kaibigan.

If she stayed, if she'd tell Diego the reason why she left, baka maiintindihan ko pa siya ngayon ngunit hindi, e. She changed, totally. At kapansin-pansin kanina iyong suot niyang singsing sa kaniyang ring finger. Masyado iyong makinang kaya doon dumapo ang tingin ko kanina habang hinahalikan siya ni Gael.

Nagpasya akong tumayo at hindi nireplyan si Diego. Dumeretso ako sa clinic ni Gael at kumatok ng dalawang beses. Agad naman siyang sumagot kaya nakapamulsa akong pumasok rito. Nagulat siya ng makita akong papasok at agad inayos ang kaniyang pagkakaupo.

Gael is fine looking. May makisig na pangangatawan at may nakakasilaw na ngiti. Siya ang head ng dentistry namin at hindi pagkakaila na magaling siya sa paghahawak ng kaniyang mga pasyente kaya marami sa kaniyang nago-offer sa kaniya na lumipat ngunit hindi niya iyon tinanggap.

"I'm just here to ask something, Gael." panimula ko at umupo sa tapat niya.

"Sure, sure. Ask away, Claire." sagot niya kaagad.

Alam na kaagad ng mga kapwa ko doctor na kapag ginamit ko ang kanilang pangalan sa pagtawag ay ibig sabihin niyon ay hindi ito konektado sa trabahap ang aking sasabihin. Naging kagawian ko na 'yon at alam nilang lahat iyon.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon