16

110 5 0
                                    

Chapter 16

Para akong tanga sa kakangiti habang tinititigan ang mga bulaklak sa aking lamesa. Isang bungkos iyon ng puting rosas na pinakagusto ko sa lahat. Dineliver iyon kanina at sinasabing pinapadala ni Osiah sa akin. May nakalagay rin ditong letter na pamilyar sa mata ko. Tinanggal ko ito ang pinagmasdan.

Hindi ako nagkamali ng makumpirma na ito ay kagaya ng letter ng natanggap ko ang isang basket ng mansanas noong first year ko sa med school. Naalala kong nanggaling iyon sa kabatchmate ko na sinasabing pinapabigay raw.

"Claire!" tawag sa aking likuran kaya nilingon ko ito. "Pinapabigay sayo. Ayaw ipasabi kung sino siya." hinihingal na sabi ni Derek na may dala ng isang basket ng apples.

"Ah, eh, thanks?" alanganin ko ditong sabi at agad ibinigay sa akin ang basket at patakbong umalis. "Weird..." naisabi ko na lang.

Sakto namang dumating si Diego kasama ang kaniyang bagong natitipuhan na si Jeanie. Simula ng umalis si Maddie ay pinilit ni Diego na humanap ng iba o mag-move on ngunit wala pa talagang babae ang nakakahigit kay Maddie sa kaniyang puso. How ironic.

Sa Manila kami nag-aaral ni Diego ngunit kinakailangan naming umuwi dito sa Asturias dahil sa mga papeles na kailangan naming isubmit sa University na pinapasukan namin. Kailangan rin namin iyon papirmahin sa mga naging teacher namin at laking pasalamat na tapos na rin kami sa wakas.

"Kanino galing?" nagkibit balikat ako. "Akin na, ako na magdadala." sabi niya at binuhat ang basket. Nilingon niya naman si Jeanie. "Jeanie, nandiyan na sundo mo, oh. Umuwi ka na." sabi ni Diego sa kaniya.

"Okay, sige. Bye Diego! Bye Claire!" paalam pa sa amin ni Jeanie bago tuluyang sumakay sa kanilang kotse.

Jeanie is a good woman for Diego but I know, sooner or later. Mawawalan na rin si Diego ng pakialam sa kaniya. He became a cold and stoic guys for everyone but me. Gano'n pa rin ang pakikitungo niya sa akin ngunit iba na sa iba. Nag-iba siya dahil kay Maddie.

Minsan naiisip ko na ang selfish din ni Maddie sa naging desisyon niya. She could've have said to Diego the reason behind it but she didn't. Hindi niya alam kung gaano nasaktan si Diego ng sabihin ko na hindi na babalik si Maddie sa Asturias.

Napabuntong-hininga ako at sinikap na ngumiti. Kinabukasan ay babalik na kami sa Manila dahil binigyan lang kami ng dalawang araw para kunin ito. Naghiwalay na kami ni Diego sa parking at umuwi na. Pinaharurot ko ang regalong sasakyan sa akin ni Dad at ilang saglit ay nakauwi na ako.

Pinabuhat ko kay Kuya Dodong ang basket at inilapag iyon sa mesa. Umakyat na muna ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Kagabi ay graduation ni Blaire at nasaktuhan sa pagbalik ko kaya naka-attend ako. Isang taon pa lang ako sa Manila ngunit aaminin kong namiss ko ang mga kaibigan ko rito.

Nagsuot lang ako ng pajama at bumaba na muli. Naabutan ko na rin si Dad na nanonood ng TV sa sala kaya umupo ako sa tabi niya. Ang kaibigan ni Blaire na si Leandra ay dito pa rin nakatira for I don't know reasons pero siguro ay hindi pa sila nagkakaayos ng kaniyang ama. Ang alam ko ay malapit ng mapasara ang corporation nila dahil sa mga business na nalulugi.

"Claire, anak. Kamusta ka naman sa Manila? Ayos ka lang ba doon?" tanong sa akin ni Dad habang nanonood kami pareho ng TV.

"Mmm, ayos naman Dad. Marami akong nakilala at may kakilala sa akin. Nando'n rin si Andrei and Diego, pati na rin sina Katherine kaya okay ako." tugon ko rito.

"Will you ever change your mind if I propose you something?" tanong sa akin ni Dad na siyang ikinilingon ko sa kaniya.

"What proposal?" nakataas ang kilay kong tanong.

Prosecute The DominanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon