Caroline's POV.
"Tama na!" sigaw ng kung sino kasunod ng ilang tunog ng baril.
"Caroline!" Lilingon na sana ako sa likuran ko nang makita ko si Adeline na hinila ako papunta sa kung saan.
Gusto kong tanungin kung saan niya ako dadalhin pero ayaw bumuka ng bibig ko kaya wala akong nagawa kundi tumakbo kasama siya.
Hindi ganun katagal ang pagtakbo na ginawa namin nang mapadpad kami sa gitna ng gubat. Binitawan na niya ako at titignan ko sana siya nang makarinig ako ng pagkasa ng baril.
"Pinatay mo ako Caroline..." pag-angat ko ng aking tingin, kita ko ang dugo na bumabalot sa buo niyang mukha pati na rin ang baril na nakatutok sa'kin.
"Mamatay ka!"
* BAAAANG!!!! *
Napabangon ako sa pagkakahiga habang habol-habol ang aking hininga. Ramdam ko rin ang pawis sa noo ko dahil sa panaginip na 'yun.
"Ayos ka lang?" Agad akong napalingon sa nagsalita at doon, nakita ko si Gideon na nakatingin sa'kin. Tinignan ko ang nakabukas na bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw.
"Kanina ka pa nandito?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Parang ganun na nga, hindi ka kasi lumabas ng maaga kaya tinignan kita. Inisip ko rin na baka may pumasok at tignan ka ng ganyan ang itsura mo."
Umalis na ako sa kama upang mag-ayos at maglagay ng prosthetics sa mukha. Sa ilang araw kong namalagi rito, ganun ang naging set-up ko. Gigising ako ng maaga para hindi ako mahuli. Mayroon kasing araw na bigla na lang may pumasok sa kwarto ko kaya pinayuhan ako ni Gideon na magising ng maaga.
Ayoko kasing isuot ang prosthetics kapag matutulog masyadong hindi maganda sa pakiramdam.
"Dalian mo na lang diyan may darating na tauhan ng mga Lim," sabi niya na nagpahinto sa'kin sa pagpasok ko sa banyo.
Sa pagmamatiyag ko rito sa mansion nila, wala ako masyadong nagawang hakbang dahil lahat ng galaw ko binabantayan nila. Halos araw-araw nakasunod lang ako kay Gideon lalo na't wala naman akong choice dahil siya ang may alam ng pasikot sikot sa mansion nila.
Sadyang hindi lang ako makakuha ng tiyempo para maghanap ng impormasyon na maaari kong magamit dahil sa mga matang nakamasid sa paligid.
"Sige, susunod ako."
Mukhang may kailangan ulit ang mga Lim sa kanila.
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》
Malayo pa lang ako sa sala, rinig ko na ang usapan ng ilang tao kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad.
Pagdating ko, hindi lang lima ang taong aking nakita dahil halos lahat ata ng tao rito sa mansion ay nandoon, kaharap ang ilan pang armadong lalaki.
"Gusto nilang patayin namin si Caroline sa lalong madaling panahon?" sabi ni Gideon na nakaupo.
"Oo."
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...