Si Isaac Lim (Park Jihoon from wanna one) ang nasa taas hahaha. Credits to the rightful owner of the picture. The author just did a little editation. And used the picture as a reference for the character of this story.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Author's POV.
Makalipas ang tatlong taon...
(Main building of FACE empire.)
"Stop," seryosong sabi ni Caroline habang nakatingin sa harap. Napatigil naman doon ang babae bago takot na tumingin sa kanya. "Repite todos los detalles que dijiste," may awtoridad nitong dagdag na sabi.
Napatikhim naman dun ang babae bago muling humarap sa malaking screen.
Translation: Repeat all the details you said.
"La industria alimentaria se ha vuelto activa y los sectores industriales modernos han---"
Translation: The food industry has become active and modern industrial sectors have---
"Nevermind, let's end it here. On your next presentation, I don't want you to just read all the details within your presentation," pagpuputol niyang saad bago tumayo at lumabas ng conference room. Naiwan naman doon ang babae na nakahinga ng maluwag sa pag-alis ni Caroline.
"¿Está listo el jet privado?" tanong ni Caroline sa mga tauhan niyang sumalubong sa kanya sa labas ng conference room.
Translation: Is the private jet ready?
"Si," sagot ng isa sa kanila. Pinasadahan lang niya ang mga nakahilerang tauhan saka nagsimulang maglakad palayo roon na agad naman nilang sinundan.
Translation: Yes.
Habang sila'y papunta sa private airport sa loob ng FACE empire, lahat ng madadaanan nila'y agad na gumigilid. Hindi rin mababahiran ng kahit na ano mang emosyon ang mukha ni Caroline at tanging seryoso at malamig lang na tingin ang makikita ng lahat. Kaya naman ganun na lang ang takot nilang mapansin ni Caroline.
Makalipas ang tatlong taon, namalagi si Caroline sa Espanya upang pamahalaan ang emperyong iniwan ng kanyang ama. Naging kasama niya sa pagpapatakbo si tanda na ngayo'y nauna ng bumalik sa Pilipinas. At sa tatlong taong iyon, marami ng nangyari sa buhay ni Caroline.
"Caroline!" sigaw ni Atticus na papalapit sa kanya pagkarating niya ng airport.
Sa paglapit nito, agad niya itong niyakap.
"¿Por qué estás aquí?" tanong ni Caroline at sinenyasan ang iba na lumayo.
Translation: Why are you here?
Malapad na ngiti ang binigay niya sa kanya. "Porque te extrañé mucho."
Translation: Because I missed you so much.
"Just a waste of time, let's go I'm tired," sabi na lang ni Caroline at dumiretso na papunta sa private jet. Inalalayan siya ni Atticus bago senyasan ang mga tauhang nakasunod na 'wag ng sumunod.
Pagpasok nila, bagot na umupo si Caroline sa upuan at agad na tinawag ang flight attendant na nakatayo lang sa gilid.
"Dame vino." utos nito na agad na sinunod ng tinawag niya.
Translation: Give me wine.
Agad na pinigilan ni Atticus ang flight attendant na nagpahinto rito. "No, give her a coffee."
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...