10

368 25 0
                                    

Isaac's POV.

Nakatitig ako sa malaking screen kung saan nakalatag lahat ng mga posibleng salarin sa likod ng nangyari kay Caroline.

"Sinabi sa akin ni Atticus na nakapangalan kay Adeline ang numerong tumawag sa kanya," sabi ni Brena, kasunod ng pag-flash ng call history. "Sigurado ba kayong namatay na talaga si Adeline noon?" dagdag nitong sabi.


"Patay na siya, ako mismo ang nakapanood ng kamatayan niya," singit kong sabi.

"Paniguradong ang kamag-anak niya ang may gawa nito. Anong balita sa pamilya mo Isaac?" tanong ni Tristan na may kinakalikot sa computer.

"Wala masyado."

"Sige... si Nalani na lang ang tatanungin ko," sagot niya nang wala siyang makuhang sagot sa akin.

"Magpapakita ka pa rin ba kay Caroline?" tanong sa akin ni Brena.

"Bakit? Pipigilan mo ako?"

"As if namang magpapapigil ka, kilala kita Isaac... bukod sa gago ka alam kong mahal mo ang kapatid ko. Kaya kapag pinaiyak mo siya ulit dudukutin ko yang mata mo, naiintindihan mo?" banta nito.

"Eh, ikaw... kailan mo aaminin na mahal mo si Romulus?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi siya nakasagot sa tanong ko at inirapan lang ako. Alam ko ang meron sa kanila ni Romulus at alam ko ring napapansin 'yun nila Caroline. Sila lang 'tong ayaw umamin sa bagay na halata naman na.

"Bahala ka nga diyan," nakasimangot nitong sagot bago ako talikuran. 

Wala nang nagsalita sa amin matapos nun at tahimik lang akong nagmamasid sa paligid lalong lalo na sa malaking screen na patuloy ang paglabas ng mga impormasyon. Hangga't maaari, kailangan naming pigilan ang mga bagay na pwedeng mangyari at siguruhing hindi na mauulit muli ang nangyari noon. 


Caroline's POV. 

'Atticus." Tawag ko sa pangalan niya pagpasok ko sa kwarto namin. Nakaupo lang siya, nakataklop ang dalawang palad habang nakatingin sa ibaba na para bang ang lalim ng iniisip. 

"Oh, kanina ka pa nandyan?" Tumayo siya saka ako nilapitan, nginitian pero parang may kakaiba sa ngiting binibigay niya ngayon. 

"Hindi naman, ayos ka lang?" 

"Oo... bakit mo natanong?"

Pinakititigan ko lang siya bago hawakan ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ka ayos, huwg mo akong lokohin," sabi ko habang hawak-hawak pa rin ang kanyang pisngi.

Tanging ngiti ang sinukli niya bago ako yakapin ng napakahigpit.


"Hey cactus... may problema ba?" may pag-aalala kong tanong sa ibang pakiramdam na nararamdaman ko mula sa kanya.

"I love you Caroline... I love you so much," bulong nito.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon