Brena's POV.
"Here, inumin mo ang gamot mo." Pag-aabot sa'kin ni Romulus.
Tahimik kong kinuha ito at ininom. "Anong balak nila?" mahina kong tanong na binaba sa mesa ang pinag-inuman kong tubig.
"Magpahinga ka na, pupuntahan ka ni--"
"Anong balak nila?" pag-uulit kong tanong. Natigil sa pag-aayos si Romulus sa pagpuputol ko nang kanyang sinasabi. Rinig ko rin ang mahina niyang pagbuntong hininga.
"Makakasama sa'yo ang stress kaya magpahinga ka na," sabi nito na hindi pinansin ang tanong ko.
"Sasama ka sa China?" pag-iiba ko ng tanong na nagpahinto sa kanya sa pagtayo para sana ilapag sa mesa ang tray. "Kung sasama ka, isama mo ako."
"Brena, hindi pwede makakasama lang sa'yo an--"
"Mas makakasama sa'kin ang paghihintay rito at walang ginagawa alam mo 'yan."
"Hindi pwede, hindi kita hahayaan," seryoso niyang sagot na nakatitig ng deretso sa aking mata.
"Hindi mo ako mapipigilan." Inalis ko ang kumot saka tumayo paalis sa kama. Isusuot ko pa lang ang tsinelas ng hawakan ako ni Romulus sa aking kamay.
"Brena..." nawala sa mukha niya ang pagkaseryoso na napalitan ng pag-aalala at pagmamakaawang pakinggan ko siya.
Pilit kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Hindi ako mapapalagay na ibubuwis nila ang kanilang mga buhay habang ako'y nandito. Gusto ko ring pagbayarin ang puno't dulo nitong lahat. Gustong gusto.
"Nakita ko kung paanong mamatay sa harap ko ang sarili kong kapatid. Kaya please... hayaan mo ako hayaan mo akong pagbayarin lahat ng taong pumatay sa kanya dahil mababaliw ako kapag wala akong ginawa."
Gamit ng isa niyang kamay, hinila niya ako palapit sakanya. "Kung 'yan ang gusto mo poprotektahan kita kahit na kapalit pa nun ay ang buhay ko."
Isaac's POV.
Napatingin kami sa pinto nang biglang magbukas ito. Bumungad sa'min ang seryosong mukha ni Tristan kasunod si Rhino na tahimik lang. Nagtaka pa ako nang makitang may kasama rin silang lawyer.
"May nakuha kayong impormasyon sa mga Valdez?" tanong ni Mr. Castañeda.
Imbis na sagutin nila ang tanong nito, inabot ni Tristan ang hawak nitong envelope. Pinanood ko kung paanong buksan 'yon ni Mr. Castañeda at ilabas ang ilang papel na laman nun.
"Nasa kulungan sila?" kunot noo niyang sabi habang patuloy na tinitignan ang ilang papel. "Paano nangyari ang mga ito?" tanong niya sa lawyer na ngayo'y nasa gilid na niya.
"Mrs. Montoya emailed me about this Mr. Castañeda. Inside that email is a letter and some evidence that I can use in court." Nilabas niya ang isang tablet sa hawak niyang bag at inabot ito kay Mr. Castañeda.
"So you're telling me now that she want them to be in jail as punishment?"
"Yes, Mr. Castañeda."
Kinuha ko ang ilang papel na nilabas niya kanina at isa-isa itong tinignan. Laman nito ang kailangang impormasyon para ituloy ang kasong isinampa ni Caroline sa kanila.
"Hindi magiging sapat ang pagkakulong nila sa ginawa nila sa kanya," sabi ko na nilukot ang hawak kong papel.
"I'm sorry sir but that is her request."
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...