*R-18. Skip this part if you're 18-below. Read at your own risk. 'Wag makulit mga bata.*
Author's POV.
Puno ng kaba si Isaac nang makita kung paano ihulog ng dalaga ang kanyang sarili sa pool. Wala naman siyang sinayang na oras at mabilis itong sinundan sa ilalim.Patakbo itong tumalon na inalis muna ang kanyang suit bago sundan si Caroline na hindi man lang gumalaw. Lumangoy ang binata para iahon ito na nakapikit na ngayon. Mas tumindi pa ang kabang naramdaman niya nang mahirapan ito nang kaunti para iahon silang dalawa dahil na rin sa lalim ng pool na kinahulugan nito.
"Caroline!" kabado niyang tawag sa dalaga na nakapikit. Tinapik tapik niya pa ang pisngi ng dalaga bago maisipang i-CPR ito.
"Fuck! Caroline?!" Patuloy lang siya sa pagc-cpr dito na patuloy ring binibigyan ng hangin sa kanyang bibig.
Hindi nagtagal, napaubo ang dalaga na nagpalabas sa tubig na pumasok sa kanyang bibig. Inalalayan niya pa ito nang tumagilid siya para kumuha ng hangin.
"Ano bang nasa isip mo para gawin 'yun?!" galit nitong sabi kay Caroline na mahinang napangiti.
"Y-you m-made it, Mr. L-im you t-took the steps." Imbis na pansinin ni Isaac ang sinabi nito kinuha niya ang suit na inalis niya para isuot sa dalagang nagsisimula ng manginig sa lamig.
Walang salita niya rin itong binuhat paalis sa pool na 'yun.
"S-saan m-mo ako d-dadalhin?" tanong ni Caroline na kumukuha ng lakas matapos nang nangyari.
Hindi siya sinagot ng binata, bagkus dumiretso siya sa isang daan papunta sa suite na kanilang pinasukan. Binaba niya sa kama ang dalaga na pinanood na kumuha ito ng towel na nilagay niya sa ulo ni Caroline.
Pagkatapos nito ay lumapit siya sa isang telopono. "Bigyan niyo kami ng bagong damit dito, room 201 pakibilisan," may awtoridad niyang utos na ibinaba ang tawag.
Pumasok siya sa banyo at sa kanyang paglabas, may dala na itong bath robe.
"Alisin mo yang suot mo para hindi ka magkasakit." Kunot ang noo niya na inabot ang robe kay Caroline na hindi man lang gumalaw sa pinag-uupuan nito.
Hindi niya maalis ang tingin sa binatang umupo na sa kanyang tabi para alisin ang suit na nilagay nito sa kanya kanina.
"Caroline, sundin mo na lang ang sinasabi ko," mas malumanay na nitong sabi. Tumayo pa ito para sana hayaang makapagbihis siya nang hawakan ni Caroline ang kanyang kamay.
"Galit ka pa rin ba sa akin, Mr. Lim?" mahina niyang tanong na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng binata.
Hindi siya agad sumagot kaya inalis ni Caroline ang tuwalyang nasa ulo nito para pantayan si Isaac na mataman siyang sinusundan ng tingin. Nang muntik itong mapasubsob sa kanya, mabilis ang naging kilos niya na saluhin ang dalaga na yumakap dito.
"Kasi kung oo, dapat hindi mo na ako inalis sa pool na 'yun. You should have not taken that seven steps, Mr. Lim."
Nilalamig man siya, naibsan naman nun ang init na nagmumula sa binata. Napangiti rin siya nang marinig kung gaano ito kinakabahan ngayong nakadikit ang tainga nito sa kanyang dibdib.
"Answer me, Mr. Lim para naman alam ko ang dapat ko bang gawin."
Huminga ng malalim si Isaac, masyado na niyang pinipigilan ang sarili niya at kahit hindi ito ang gusto niyang kalabasan sa gabing ito, pabalik niyang niyakap si Caroline na mas lumapad pa ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomantiekMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...